bc

Daydreams of a Doctor

book_age18+
1.1K
FOLLOW
3.7K
READ
age gap
pregnant
goodgirl
doctor
twisted
bxg
heavy
serious
ambitious
small town
like
intro-logo
Blurb

DAY SERIES #1

Sa loob ng maraming taon, saksi na si Ada sa paghihikahos ng Isla Agunaya. Salat ang kanilang isla sa tulong-medikal at minsan lamang sa isang taon ang pagdating ng doctor. Kinakailangan pa nilang lumipat sa Isla Capgahan dahil naroon ang hospital na mas kumpleto sa aspetong medikal. Kaya naman ay sumiklab sa kaniya ang nagbabagang galit; ang galit sa gobyerno at ang galit sa mga doktor.

Ngunit iba ang nangyari nang dumating sa kanilang isla ang gwapong doctor na hindi niya inasahang bibihag sa kaniyang puso — si Doc Galileo Orson. Sa angkin nitong kagwapuhan, ngayon lang siya humanga nang ganito. Pilit niyang itinatanggi sa sarili na hindi niya iyon gusto at wala siyang balak na magustuhan ito. Sino ba namang papatol sa tulad niyang dise-otso anyos at hindi man lang nakatuntong ng senior high? Sa dami ng suliraning kinahaharap ng kanilang isla, ang tangi lang niyang magawa ay tumulong sa magulang upang mairaos ang araw-araw na buhay.

Akala niya’y natugunan na ang suliranin ng Isla Agunaya. Akala niya, magiging matiwasay na ang buhay ng bawat residente at hindi na kailangang mangamba. Akala niya, hindi na sila mamomroblema sa aspetong medikal. Hanggang isang araw, isang masakit na reyalidad ang nadiskubre sa kaniya ng Doktor.

**

This is the first book of the series. Please be advised that this story includes a mature theme that is not suitable for very young audiences. You have been warned. Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
DAY SERIES #1 Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, malabo pa ang lahat at lumalatay din ang bahagyang kirot sa aking ulo. Pinilit kong pasadahan ng tingin ang paligid hanggang sa luminaw ang imaheng kadalasan kong nakikita sa sariling kwarto. Unti-unti kong inangat ang likod mula sa pagkakahiga ngunit napabalik kaagad nang makitang may kasama pala ako rito. Pinagmasdan ko nang maigi ang kanyang likod upang kilalanin, ngunit sa pagharap niya ay nahagip ng aking paningin ang hawak niyang papel habang kunot-noo siya sa pagbabasa nito. "S-sino ka? Anong ginagawa mo dito?" nanghihina kong tanong. Tumingin siya sa akin at sa pagbaling na iyon, tuluyan kong nakita nang malinaw ang kanyang istura. "What do you feel?" Bigla akong napataas ng kilay. Englishero? "Ma-translate na nga, anong nararamdaman mo?" Binaba niya ang hawak na papel at bolpen at kumuha ang stethoscope na nakapatong sa maliit kong divider. Oh, doktor pala. "Anong akala mo sa'kin? Bobo?" naiinis kong tanong at umirap. Huminga ako nang malalim at nagpasalamat nang pabulong dahil magaan na ang aking pakiramdam. Nainis ako. Kaya lang naman kasi ako nagtaas ng kilay dahil hindi ko siya kilala. Malay ko bang disente pala ang intensyon niya? Marami na rin kasing mga doktor na pumunta dito sa isla, at sa kasamaang palad, nakakainis lang dahil mababa ang tingin nila sa amin. Kesyo nandito kami at malayo sa siyudad, hindi ibig sabihin ay lalahatin nang walang alam ang mga narito. Walang pasabi ay tinapat niya ang stethoscope sa kaliwa kong dibdib. Mataman niyang pinakinggan ito habang ang mga mata'y nakatingin sa maliit na siwang ng bintana. Sa puntong ito ay mas nakita ko ang mukha niya nang malapitan, doon ko napagtanto na may taglay talaga siyang kagwapuhan. Matangos ang ilong, clear skin, may maliit na nunal sa leeg, at nang ibalik ko ang tingin sa kanyang mata ay napansin kong kulay kape 'yon. "Huh? Your heartbeat's getting faster," aniya at binaba ang tingin sa akin. Bahagya niyang diniin ang aparato at napalunok akong lalo. Tanga, sa gwapo mong 'yan? Sinong 'di titibok ang puso sa bilis? Kinurot ko ang sarili kong hita upang magising ako sa diwa. Nakakainis. Bakit nagagawa ko pang lumandi sa isip gayong hindi maganda ang kalagayan ko? Upang hindi ma-distract ay nilipat ko na lang ang tingin sa aking alkansya na nakapatong sa karton. Ngunit agad niya ring nakuha ang aking atensyon. "I don't get it, your heartbeat was normal in the midway. Yet it's getting faster." Binaba niya ang stethoscope at hinawakan naman ang aking kamay. Ngayon ay kukunin naman niya ang bilang ng aking pulse rate. "Fuck." "Ano bang problema mo?" Hindi ko na napigil ang sarili. Tinabig ko ang kanyang kamay at agad na bumangon. Oo, gwapo nga, salbahe naman ang bibig. Naiirita ako sa pagmumura niya. "Okay miss, let's take this gently." Natigilan siya at umiling. "I-ibig kong sabihin—" "Nakakainitndi naman ako ng englishan mo okay? Eh parang ikaw pa kasi 'tong natataranta kesa sakin. Ano ka ba?" Tinulak niya ako dahilan kung bakit napahiga muli ako. Mabuti na lang at kutson itong hinihighaan ko dahil kung hindi ay mabibigla sa sakit ang likod ko. "Just let me check your last vital at nang matapos na 'to." Matalim niyang tiningnan ang aking mga mata at hinawakan muli ang pulso ko. Natawa ako. "So doktor ka ngang talaga?" "Bakit? Hindi halata?" Hindi na ako nakasagot. Nang bitawan niya ang kamay ko ay muli niyang kinuha ang papel na kanina'y hawak-hawak niya. "Body temperature, blood pressure, and breathing rate, all normal. Hindi ko pa ma-verify ang heart rate mo dahil pabago-bago. Just tell your family once they come back." "Nasaan sila?" tanong ko habang siya ay nag-aayos na ng mga dalang gamit. "Ang sabi ay pumunta sa palengke para ipaghanda ako ng tanghalian. Pero pakisabing tatanggi ako, marami pa akong kailangang bisitahin dito sa isla niyo." Tumango ako at muling huminga nang malalim. "Just take a rest, 'wag pagurin ang sarili. Over fatigue 'yan." Pinirmahan niya ang papel at inabot sa akin. Record ito ng vital signs ko. Hinaayan ko siyang makalabas sa kwarto at binasa nang mabuti ang mga nasa papel. Inilipat ko ang tingin sa pinakaibaba kung saan nakalagay ang buo niyang pangalan at nasa itaas nito ang kanyang pirma. Galileo Orson, MD, MPM Doctor-to-the-Barrio/ Rural Health Physician *** Lumipas ang tatlong buwan, hindi na nagbalik ang doktor. Gulong-gulo na talaga ako sa sistema dito sa Agunaya. Hindi ko batid kung ano ang tiyak na petsa na bibisita ang doktor. Noon pa mang bata ako, minsan lang sa bawat tatlong buwan ako nakakakita ng doktor, ngayon kung kailan mas dumami ang mga nangangailangan ng tulong medikal, mas lalong tumumal ang pagbisita. Matapos isampay ang kahuli-hulihang labahin ay humihingal akong umupo sa malaking tipak ng bato. Presko rin ang banayad na simoy ng hangin habang nakapailalim sa malawak na aninong hatid ng matayog na niyog. Huminga ako nang malalim at pinakinggan ang ingay na gawa ng mga naghahampasang alon sa dalampasigan. Mula rito ay nakikita ko ang kapatid kong nagtatampisaw doon. Dalawang taon na rin mula nang huminto ako sa pag-aaral. Kung susumahin, sana'y nasa grade 12 na ako. Nakalulungkot man isipin na kailangan kong huminto upang mapagbigyan ang kapatid ko, mas gusto ko na rin ito dahil mahina ang resistensya ko sa layo ng eskwelahan mula dito. Dalawang isla muna ang lalakbayin upang matagpuan 'yong high school, at ang bawat isla ay hindi naglalayo sa apat na kilometro. Kaya dito sa lugar namin, bilang bahagi ng proyekto noon ni governor ay may isang bangkang de motor na siyang maghahatid sa mga nag-aaral patungo roon. Medyo nakakalungkot din isipin na kahit libre 'yong sakay, napipilitang huminto ang iba sa pag-aaral dahil kailangan kumayod, kailangan magtrabaho. Sa sitwasyon ko, liban sa kahirapan ay madalas din akong nawawalan ng malay. Hindi pa rin ako nadadala sa espesyalista dahil bukod sa napakalayo ng hospital, hindi pa sapat ang hawak naming pera para makapagpatingin. Una nang sinabi sa amin noon na may diperensya raw ako sa puso, ngunit hindi pa iyon makumpirma ng doktor na bumisita noon dito dahil hindi naman siya espesiyalista sa puso, bagay na naiintidihan naman namin. Bahagya kong pinahid ang pawis gamit ang laylayan ng aking bestida. Umubo ako at saka tumayo upang bumalik na sa loob ng tahanan. Sumambulat sa akin si Nanay na gumagawa ng samu't saring palamuti gawa sa mga sea shells na kadalasan pinupulot tuwing madaling araw at dapit-hapon. Si Tatay at si Kuya Kaloy naman ay nasa laot, nangingisda. Tulad ko ay huminto rin sa pag-aaral si kuya. Tapos na sana siya ng kolehiyo kung sakali mang naipagpatuloy niya iyon. Nakakapanghinayang. Umupo ako sa tabi ni Nanay at kumuha ng nylon, gagawa ako ng pulseras. "Siya nga pala, naghahanap daw ng labandera si Ka Tonying, kasasabi lang sa akin ng tindera kanina sa palengke. Baka lang naman interesado ka," sambit ni Nanay, agad akong napangiti nang marinig iyon. Ang tagal na rin kasi mula nang mawalan ako ng pinagkakakitaan. Huling beses ko ay noong mahimatay ako dahil sa bigat na gawaing hatid ng pagkokopra. Iyon din ang mga panahon na binisita ako ng Doc Orswald— sandali, Orswald nga ba iyon? Nakalimutan ko na. "Tatanggapin ko po Nay syempre. Alam naman nating kailangan." Dinakot ko ang mga kabibe at dahan-dahang tinusok sa butas nito ang nylon. Napatingin sa akin si Nanay at kunot-noo akong sinabihan. "At ano? Pupwersahin na naman ang sarili? Nagdadalawang-isip nga ako kung sasabihin ko sa'yo ito Ada, kilala pa naman kita kung paano magtrabaho, hindi titigil hangga't hindi natatapos kahit lupaypay na ang katawan, jusmiyo, imbes lalamunin ang perang kinita, baka sa hospital pa ang bagsak." Kumibit-balikat na lang ako at mahinang tumawa. Natuto na rin naman kasi ako sa pagkakamali ko noon. Hinay-hinay na lang sa ngayon. Nang makaapat na pulseras na ako ay nagpahinga ako saglit at pumasok sa kwarto, saglit kong pinakiramdaman kung gaano na kabigat ang alkansya dahil puro barya lang naman ang laman nito. Balak ko kasing magpabili ng cellphone kahit 'yoong mumurahin lang. Iyon kasi 'yung madalas na nakikita ko sa mga kaklase ko noon, na hanggang ngayon ay kailangan ko pang pag-ipunan. Kinabukasan, hindi pa man sumisikat ang araw ay ginising na ako ni Nanay. Dumaong na raw kasi sa dalampasigan sila Tatay, kailangan ng tulong para mag-uwi ng mga gamit-pandagat. "Halina Ada! Tama na muna 'yang pagpapaganda, hindi ka naman makikita ni Arlet dahil madilim pa, susmiyo." Binaba ko ang suklay at pikit-matang lumabas. Ang kulit talaga ni Nanay, noon ko pa naman 'yon sinabi na wala naman akong lihim na pagtingin kay Arlet, kaibigan lang naman ang turingan namin n'un sa isa't isa. Hindi naman por que magkasama nang madalas ay may namamagitan na, kilala ko na nga rin kung sino ang lihim na gusto n'un eh. "Uno! Dos! Tres!" sigaw ng mga taong tumutulong sa pagdaong ng malaking bangka. Ang bawat isa ay nakakapit sa malaking lubid na siyang nakakabit sa bangka. Sabay-sabay itong hihilahin kapag umabot na sa 'tres' ang bilang. Hindi siguro tataas sa kinse ang bilang ng mga taong narito. Ngunit nang mamataan ko ang pagdating ni Dahlia mula sa malayo ay nakaramdam ako ng kilig para kay Arlet na ngayon ay nakatitig na sa dalaga. Kumekerengkeng na naman! "Heto, dalhin mo." Inabot ni Inay ang isang banyera na naglalaman ng mga bisugo. Galunggong naman ang banyera na kanyang dala dahil mas mabigat daw iyon. Nang dumapo sa kamay ko ang banyera ay bigla akong napapikit sa bigat, jusko, hindi ito ang unang beses na magawa 'to pero bakit? Bakit habang tumatagal ay humihina ako? "Ako na." Naramdaman ko ang presensya ng isang lalaki sa aking gilid. Nang tingnan ko kung sino ito ay natameme ako. "Arlet?" Humagikhik siya. "Miss mo na ako 'no?" Tinampal ko ang braso niyang litaw na litaw ang litid ng ugat dahil wala siyang suot pang-itaas. Sapul na rin sa nagbabadyang sikat ng araw ang buong paligid kung kaya't bahagya ko na ring nakikita ang ekspresyon ng mga taong nakapaligid dito sa dalampasigan. Nang makita ko si Dahlia sa likuran ay bigla ko siyang iniharap sa kanya. Binaba ko ang banyera at ngumiti. "Hi Dahlia," bati ko. Sa puntong iyon ay nagliwanag ang paligid, dahilan kung bakit mas naging malinaw ang nakikita ko kay Dahlia. Di tulad ng manang kong suot, dalagang-dalaga ang dating ni Dahlia, ang mala-porselana niyang kutis ay nababagay sa mahaba niyang buhok na lagpas-balikat ang haba. Di tulad ko ay mahilig siyang maglagay ng kolorete sa mukha. Sa katunayan, siya at ang nakababata niyang kapatid lang ang nakakapag-aral sa Maynila. Ang sabi-sabi noon ay scholar daw at may nagpapaaral, sa talino ba naman kasi nila. Hindi na nakapagtataka kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya. At isa na roon si Arlet. Mabait si Dahlia, anak ng isang retiradong teacher na nakapag-asawa ng taga rito. Bakasyon pa nila ngayon kaya pansamantala raw munang narito para mag-unwind. Bakas ang inis sa mukha ng dalaga, dahilan kung bakit bigla akong kinabahan. Lecheng Arlet, masyado kasi kung makadikit sa'kin, parang gago. "Kumusta?" nakangiting sambit ni Dahlia, ngunit alam kong kahit nakangiti siya, hindi maipagkakailang nandon ang pilit. Binaling ko ang tingin kay Arlet na buhat na pala ang banyera! "H-heto, sa wakas nakausap na rin kita," sagot ko. Hindi ko alam, matagal tagal ko na rin siyang nakikita rito pero wala akong lakas ng loob makipag-usap o makipagkaibigan dahil batid ko ang agwat namin. Siya na mas mataas ang pinag-aralan, siya na mas maganda, may maipagmamalaki... eh ako? Wala naman nang hinahangad, simple lang at may pangarap pa rin kahit papano. Sa sitwasyon nila ni Arlet, alam kong may namamagitan sa kanila, siyempre kinukwento naman sakin madalas. Minsan ko na silang nakitang magkasama noon at maayos naman sila. Pero ngayon, bakit napapansin kong tila ba mailap si Arlet sa kaniya? "Tara na," malamig na sabi ni Arlet sa akin. Halos manlamig ang buong katawan ko nang hilahin niya ako palayo kay Dahlia habang buhat ng isang balikat ang kay bigat-bigat na banyera. "Arlet?!" naguguluhan kong atungal. Deretso pa rin siya sa paglalakad habang ako ay pilit lumilingon sa likod kung saan nananatili pa ring nakatayo si Dahlia, pinagmamasdan kaming papalayo na sa kanya. "Bastos ka ha? Akala ko ba gusto mo siya—" "Mahal ko." Natigilan ako sa sinabi niya, pipilitin ko sanang huminto kami ngunit tuloy tuloy pa rin siya sa paglalakad. "Mahal mo? Pero bakit hindi mo pinapansin?" Pilit ko pa siyang iniintriga sa aking mga tanong ngunit nang makarating kami sa bahay, wala na ako narinig pa mula sa kanya. Saka ko lang siya tinigilan nang dumating na sila Tatay, kasama si kuya na may bitbit pang lambat. "Oh! Kamusta na ang dalaga ko!" Malapad ang ngiti ni tatay habang papalapit sa akin, nakipag-apir ako at sinuklian siya ng mas malapad na ngiti. "Heto, single pa rin," pilyo kong sagot na hindi naman ginatungan ni kuya. "Eh pano, hindi naman nagpapaligaw kay Alet." Umirap ako. Alet ang madalas nilang itawag sa kaibigan ko. Na madalas ko na lang pinagsasawalang bahala ang mga paratang dahil alam ko naman ang totoo. Hindi ko siya gusto, may iba siyang gusto... sa ibang salita, malabo. "Oh! Nandyan ka pala brad," nahihiyang sabat bigla ni kuya nang mapansin si Arlet sa likod ko, na ngayon ay nagsisigarilyo. Ang aga naman kung mag-yosi nito. Natawa na lang ako dahil sa biglang bait ni kuya, pero nang tawagin ako ni Nanay upang magluto ay saka lang ako umalis patungo sa bahay kasabay si Tatay na natatawa rin dahil kay kuya. "Kamusta tay?" tanong ko nang huminto siya sa mesa upang uminom ng tubig. Kinuha ko ang platong hindi pa nahuhugasan saka nilublob sa batyang nakalagay sa lababo. "Bakit pala ang aga po ng uwi niyo? 'Di ba po kadalasan ay limang araw kayo sa laot?" Tumango si Tatay nang ibalik ko ang tingin sa kanya. "Naalala ko kasing mamaya pala ang balik ni Doc Gal. Sayang naman kung palalampasin ko ang opurtunidad na magpatingin sa kanya dahil bihira lang naman bumisita ang doktor dito sa isla." Kumunot ang noo ko sa narinig. Doc Gal? Hindi pamilyar sakin ang doktor na 'yon ah? "Wala naman po akong kilalang Doc Gal na bumisita dito Tay ah?" Umiling siya. "Hindi mo ba naalala 'yong nag-check sayo noong nakaraan?" Bigla akong napaisip. Nang maalala ko ang huling nag-check sa akin noong hinimatay ako, biglang sumagi sa isip ko ang pangalan ng doktor na 'yon. Si Doc Galileo!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Husband's Regret (Tagalog)

read
543.2K
bc

Love Donor

read
86.9K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.0K
bc

OSCAR

read
227.2K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.7K
bc

SILENCE

read
381.5K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook