bc

Not Frances, Not My Last Girlfriend

book_age18+
576
FOLLOW
2.1K
READ
murder
dark
age gap
scandal
tragedy
twisted
mystery
campus
city
lawyer
like
intro-logo
Blurb

FONTAVIENDE SERIES #2

Hanggang saan mo ipaglalaban ang iyong pangarap?

Nais ni Frances Jane Abella na maging doctor ngunit taliwas ito sa nais ng abogado niyang mga magulang. Kailangan niyang sumunod sa yapak ng propesyong tinahak ng mga Abella at ituloy ang trabahong sinimulan ng angkan.

Hindi iyon ang nangyari dahil hindi natinag ng pamimilit ang pangarap niyang maging ganap na doktor. Kaya’t nang tumuntong sa kolehiyo, hindi kursong pre-law ang kaniyang kinuha. Ang pag-take niya ng BS Biology ang naging mitsa ng kaniyang mga problema. Sa puntong iyon, hindi nagdalawang-isip ang kaniyang mga magulang na palayasin siya’t hayaang pag-aralin ang sarili, na hindi naging madali dahil kinailangan niyang magtrabaho upang mabuhay. Kinailangan niyang kumayod upang makamit ang dahilan kung bakit niya ito pinagdadaanan.

Ngunit sa gitna ng laban niya para sa pangarap, wala siyang kamuwang-muwang na isang masaklap na trahedya pala ang naghihintay sa kaniya. Ngayong dehado na siya buhay, kakapit pa rin kaya siya sa ambisyon o magdedesisyong sumuko dahil sa hagupit ng kahapon?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Fontaviende Series #2 If only I had the courage to enter into a law school, I would. If only I had a skill that my parents used to possess way back when they were law students, I would never hesitate. If only I had a supportive relative who would be glad even I took BS Bio as my pre-med course, then I would be so happy. Ang hirap sa mga tao ngayon ay mas magaling pa sila sa'yo, 'yong tipong sila pa ang mamimili sa mga choices na mayroon ka— regardless of your passion. Nais nilang sila ang masusunod. If I really wanted this career, anong magagawa nila? Hindi para sa akin ang law. Hindi ko passion ang law! Lolo ignored my papers. Galit siya sa akin. He told me to take pol sci after my graduation in SHS pero nilihim kong BS Biology itong ni-take kong first choice sa PUP. Naipasa ko naman ang entrance exam at ang ibang school na nag-offer ng pre-law pero itong PUP ang pipiliin ko dahil doon mag-aaral 'yong kaibigan ko na parehas din sa course na kinuha ko. Desido na talaga ako sa desisyon ko, not until I revealed everything to Lolo Enver. "Ilayo niyo sa akin ang batang 'yan," he mumbled as he shut the door, muntik pa siyang matumba dahil may panginignig ang paghawak niya sa baston, mabuti na lang at inalalayan siya ni Mama. My eyes went teary. Unti-unting binalot ng lungkot at pangamba ang aking sistema. I expected this. Inasahan ko nang ganito ang magiging reaksyon ni Lolo dahil never akong nagsabi kung ano ba talaga 'yong kurso na kukunin ko. Matagal ko na rin talagang gustong sabihin sa kaniya kung ano ang sinisigaw ng puso ko dahil pinagsasasabi na nila sa iba na magiging tulad ako ng magulang ko, na susunod ako sa yapak nila bilang mga abogado. There was a time when Atty. Hidalgo offered for some advance studies dahil professor pala siya sa Ateneo. But then I refused, na siyang ikinagulat noon ni Lolo, as if I rejected something that is so precious and a life-changing offer. Tahimik lang na nakupo si Papa sa harap ko dahil tulad ni Lolo, ngayon ko lang din sinabi sa kaniya ang nais kong maging. No one knew this. Lahat sila nagulat sa rebelasyon ko. Hinawi ko ang aking mga mata bago pa bumagsak ang mga luha. I could feel his disappointment, ganoon din si Mama na kalalabas lang sa kwarto ni Lolo. "What's this Frances? Bakit ngayon mo lang sinabi? Muntik pang atakihin sa puso ang Papa," naiinis na sabi ni Mama. Lumapit siya kay Papa at hinagod ang likod nito dahil halata sa mukha nito na hindi siya makapaniwala. "I'm... I'm sorry." Right after saying those words, Papa walked out. Hindi siya makatingin sa akin, ni hindi man lang ako nahagip ng kanyang mga mata habang tinatahak niya ang daan palabas ng bahay ni Lolo. Naiwan naman si Mama na ngayon ay naiiling na rin. Sinundan niya si Papa kaya ako na lang naiwang mag-isa. I let myself cried after now that they're gone. Punong-puno na ako sa set-up noon. Sukang-suka na ako sa mga ipinipilit nila sa akin. Nakakasawa nang marinig mula sa kanilang bibig ang desisyong hindi ko naman kayang panghawakan. All I wanted was a life I would never regret forever, bakit ba ayaw nilang ibigay iyon? Umuwi ako ng bahay nang nag-commute dahil hindi na ako sinabay pa nila Papa. Hindi ko rin sila nadatnan dito, mukhang sa ibang lugar nila ako pinag-usapan at hindi rito. I walked into my room at bumungad ang book shelf na puno ng mga librong ibinili nila para sa akin. These books were meant for those who would take law, sino ngayon ang makikinabang niyan? Pwede bang ibenta ko na lang? Instead of crying and bailing out these burdens, kinuha ko ang laptop at binuksan ang SIS para ma-determine ang schedule ng first sem ko sa PUP. Pero hindi ko pa rin napigilan ang sarili, kusa akong humikbi nang makita ang digest na hinanda na noon para sa akin. Tell me, hindi ko ba deserve sumaya? When morning came, hindi ko mawari kung magiging excited ba ako o magiging malungkot. Excited dahil first day ko ngayon as a freshman student of Bio, pero malungkot dahil sa mga nangyari kagabi. Yes, it would engrave disappointment, for now. Ang mahalaga ay ako pa rin ang masusunod, at least. I ate breakfast all alone. Naroon ang lungkot pero kailangan kong panatilihin ang composure ko, hindi ko hahayaang masira ang araw ko. First impression lasts, naroon ang kaba dahil magiging bago na ang lahat para sa akin. Nang marating ang PUP Main, as expected maraming mga estudyante. Sino ba namang 'di excited? New doors of opportunity, new everything. Ang una kong goal dito ay makahanap ng kaibigan. I would hate it once I end up this day without any peers to befriend, if not for the whole school year, at least even for this sem. Kaso nahihiya ako. Sampung minuto bago ko natagpuan 'yong room. Pamilyar naman na ako dito dahil madalas ako rito noon. Kasabayan ko pa ang mga kaklase ko noon kapag wala kaming magawa sa buhay, nangha-hunting lang ng mga gwapong Pupian, bakit ba. "Frances!" Sabik akong tumingin sa pintuan. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita si Leila. God! Sana hindi ako nagkakamali sa iniisip kong blockmate ko siya! Tatayo sana ako pero mas sabik pa siya sa akin upang maupo sa tabi ko. Agad akong nakipag-apir dahil alam na! "Oh my god, I wasn't expecting this. Maraming bio student dito pero pinagtagpo pa rin ang sched natin," she said with enthusiasm. Nangingibabaw rin sa ibang dumadaldal ang kaniyang boses dahil sa tinis nito at lakas. "Hinaan mo nga ang boses mo, nakakahiya ka." Isa-isa na rin nagsidatingan ang iba pa naming kaklase. But then, sa haba ng kwentuhan namin ni Leila tungkol sa sched at mga plano namin sa buhay, natapos na ang oras para sa botany ngunit wala pa ring prof na dumating. "Siguro busy sa late enrollees ang mga prof, ito rin 'yong sinabi ng daddy kanina e. Worst is, umaabot pa ng three days na vacant tayo. Normal naman 'yon," wika ni Leila habang ngumunguya ng burger. Tulad ng mga gawi namin noon ay naglilibot na lang kami. Ang sumunod kasing mga klase ay wala ring ka kwenta-kwenta. May times na hindi ko kaklase itong si Leila kaya naiiwan akong tahimik sa isang room na puno ng maiingay. Well, ano bang mae-expect mo sa first day? "Hindi na ako pupunta sa ibang klase, wala lang rin naman kasi. Ano ba naman 'yan, excited pa naman ako." Nilapag ko ang bag pagka-akyat namin sa grandstand. Okay rin pala dito dahil mahangin. "Anyway, mag-window shopping kaya tayo rito sa Sta. Mesa? Nang mapunan man lang ng saya ang mga araw na tulad nito. I mean, sulitin natin bago sumabak sa gyera." I smiled. Ito rin naman ang sasabihin ko sakaling hindi niya masambit. Isa pa, ayaw ko pang umuwi nang maaga sa bahay. Home felt like it's not my home anymore, sa tuwing makikita ko ang mga magulang ko, all I could really feel is pressure. Not this time where I'm away. Away from disappointments. Away from torture. Away from pain. They just know nothing about my real happiness. Hindi nila maiintindihan. When my watch struck at 1 PM, hindi na kami nagdalawang isip pang sumakay sa jeep at mag-commute papuntang SM Sta. Mesa. Nag window shopping kami at kumain sa iba't ibang fastfood na narito. Hindi rin namin pinalagpas manood sa sine. Nakatatlong movie yata kami hanggang sa hindi namin mamalayang gabi na at hinahanap na si Leila sa kanila. "Sige po, nai-text ko na rin po 'yong driver. Papunta na rin po rito," she told on her phone. Nang maibaba niya ang tawag ay sa akin naman siya humarap. "I really need to go, sorry. Strict kasi sa oras ang parents ko." I nodded. Tiningnan ko rin ang cellphone ko, puno na iyon ng missed calls ni Papa pero pilit kong inignore kanina pa. Nang dumating na ang sundo ni Leila ay naiwan na akong mag-isa. God, it's already eight in the everning, anong oras kaya magsasara itong SM? Nag-vibrate pa ang phone bago ko mapagdesisyunang pumara ng taxi at magpahatid sa isang japanese resto na malapit dito. Sa inis ko ay pinatay ko ang cellphone. Bahala sila, kung ayaw nila ng isang medical student, mag anak na lang uli sila at iyon ang pilitin nilang mag-law! I just want to be away from them, kahit ngayon man lang ay maramdaman kong malayo ako sa toxic people. Getting rid of them even for a while would be great, kahit pa nangangamba ako dahil hindi rin naman ako sanay na nagpapagabi. Nang huminto ang taxi ay binaba ko ang door glass. Tiningnan ko ang gusali at japanese ang name ng nakaukit sa signage. Maybe, it's a resto. Bago ko iabot ang bayad ay nagbato muna ako ng tanong sa driver. "May taxi pa rin po ba hanggang mamaya?" The driver just nodded. Saka ko iniabot ang bayad at naglakad papasok sa resto. Agad sumalubong sa akin ang lamig ng aircon. The ambiance also made me feel like I really entered in a place of japanese cuisines. May paintings pa ng cherry blossom sa pader. May mga engrave rin sa maliliit na mesa na pang dalawang tao lamang. Pwede na. Umupo ako sa bakante, malapit sa pinto. Transparent naman kaya nakikita ko pa rin ang view sa labas. Ang astig lang dahil cute ang mga lightings. As I wait and stare upon the view ay may isang lalaki na biglang sumulpot sa harap, distracting the view I've been staring into. Biglang kumunot ang aking noo, who the hell was that? Pumasok ang lalaki at agad akong kinompronta mula rito sa aking kinauupuan. He's at his white long sleeves, naka-slacks rin siya at kulang na lang ang coat para maging pormal na ang kasuotan ngayong gabi. Nakatupi hanggang siko ang both sides ng sleeves kaya't nakikita ko sa kanang braso ang tattoo nito. But wait, sino ba siya? "Bakit ka nakaupo riyan?" he asked, nagsalubong naman ang mga kilay ko sa kanyang tanong. "Resto ito at customer ako so what do you expect?" I rolled my eyes. Hindi naman niya ako kilala kaya bakit hindi ko lalakasan ang loob kong magtaray? Besides, unti-unti na niyang nasisira ang araw ko, para bang itinuloy niya ang nasimulan ng mga magulang ko kanina! "Wow," I heard him whispered at humarap sa counter. Teka, nasaan na ba ang waiter dito? Ano bang klaseng resto ito? "Mind your own business, pare-parehas lang tayong customer dito," my last words before I went back to the view. Panira. But then, hindi pa rin umaalis sa tabi ko ang lalaki, like he's waiting for me to leave here. Loko ba siya? At bakit ako aalis dito? Kailangan ko pa ng hapunan, nagugutom na ako. "Fine, anong order mo?" tanong niya. Bahagya akong nagulat roon. Pero nakaka-bother pa rin na wala pang katao-tao rito sa resto. "Bakit, ililibre mo ako?" tanong ko pabalik. He then chuckled at tinalikuran ako. Naglakad siya papunta sa counter at sinundan ko siya ng tingin. Laking gulat ko nang pumasok siya sa kitchen. Para akong nilagutan ng hininga. Wait, what? Sa ilang minuto kong pagtitig sa pinto ng kusinang iyon ay inabangan ko ang kanyang paglabas. This time, he's on his apron! God! I was wrong for accusing him as a customer! Bakit hindi niya sinabing parte pala siya ng resto na 'to? Nilapag niya sa mesa ang pagkain. A tray for two, kumuha pa siya ng dalawang kutsara at dalawang tinidor, ganoon rin ng drinks na mukhang isa sa akin, at isa rin para sa kanya. What the hell? "A-ano 'to?" nauutal kong tanong nang umupo siya sa aking tapat. He smiled, "You said I should mind my own business. Well, I'm the manager, this is my business." Sinimulan na niyang hawiin ang pasta gamit ang tinidor. Wala naman akong ginawa kundi ang mapatitig sa kaniya sa gulat. "Bakit hindi mo sinabi?" "The sign on that door is crystal clear, we're already closed." He smirked. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, oh my God!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.3K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
476.0K
bc

Unexpected Romance

read
38.5K
bc

His Cheating Heart

read
41.4K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
216.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook