Chapter 02

1663 Words
Hindi ko malilimutan ang gabing iyon. Bakit hindi? I met a mad man who claimed he's not just a stranger. I met a man who cooked for our foods, who never asked for my payment kahit ako itong pilit na nagbabayad ng pinagkainan ko sa kaniya!   Binalot ako ng hiya nang sabihin niyang siya ang manager ng restaurant na 'yon.   Ano bang malay ko? Dapat hindi siya ganoon makitungo lalo't customer ako ng business na mina-manage niya.   When I came home, Mama showered me with loud and deafening sermons. Hindi naman ako hinarap ni Papa dahil nagpapaka-busy sa pagiging lawyer. Hindi na niya ako pinansin o kinausap man lamang hanggang sa lumipas ang buong gabi.   With hands waving in the air, I greeted Leila with a fake smile. Hindi niya alam ang lahat, ni hindi ko nakwento sa kahit na sinong kaibigan ko ang tungkol sa pinagdadaanan ko sa pamilya. I just hate receiving nonsense pieces of advice for the sake of comfort. Afterall, wala naman silang magagawa kahit magkwento ako. Maaawa lang sila.   Leila kissed my cheeks, "Kamusta? Napagalitan ka rin ba kagabi?"   I shrugged. "Sanay na sila, huwag mo na 'yon alalahanin, tara?"   Sabay kaming naglakad papasok ng room. Good thing is wala pa 'yong prof, sure, second day pa lang, ano bang aasahan namin?   Everybody is busy talking to their seatmates. Kasama na kami roon ni Leila. Ngunit habang nagsasalita siya at nagkukwento ay hindi ko na iyon maintindihan pa dahil naagaw ng atensyon ko ang isang lalaki sa pinakalikod na tahimik lang at nagbabasa ng libro.   Bookworm?   "Uy! Nakikinig ka ba?"   Bumalik bigla ang ulirat ko. Nakakagulat naman ang tapik niya. "A-ano uli 'yon?"   She rolled her eyes and repeated her story. Iniwas ko na lamang ang tingin sa kaklase kong 'yon dahil baka mahalata pa niya.   Lunch break came and none of my professors showed. Ngunit good idea na rin ang pumasok ako, paraan na rin upang makatakas sa magulong tahanan. Sa kabilang banda, magkakaroon pa ako ng oras upang makilala pa ang iba kong mga kaklase.   Those vacant times were enough to know more about them. May pagka-extrovert kasi si Leila at nagagawa niyang mangapit-bahay. Ito namang bruha ay sinasama ako.   Sa kabila ng lahat ng iyon ay misteryoso pa rin sa akin ang aura ng bookworm na iyon, ano kayang binabasa niya? Ganon ba iyon ka-importante kaya nagagawa niyang unahin iyon kaysa maghanap ng kaibigan o makihalubilo man lang?   Habang kumakain sa karinderya na matatagpuan dito sa Teresa ay biglang lumitaw ang imahe ng lalaking bookworm. Mag-isa siyang naglalakad patungo sa counter part saka mabusising pinagmasdan kung ano ang available meal ngayong lunch. Ang inosente niyang tingnan.   Busy naman si Leila sa kinakain niya ngayon at kapwa kami tahimik. Pero hindi ko makontrol ang sarili ko. Hindi ko mapigilang i-monitor 'yong kilos ng lalaking ito!   Isa pang subo ang ginawa ko bago ko muling ibalik sa kaniya ang atensyon. Ngayon ay naglalakad na siya patungo sa isang bakanteng pwesto habang may dalang tray. Pasimple kong inangat ang aking paningin nang makita kung ano ang pinili niya. It was tapsilog.   Suddenly, Leila looked back to see what I'm seeing. Binalik ko agad ang tingin sa kinakain at agad na sumubo ng adobo.   "W-wala 'yon—"   "Si Cullen pala," she uttered then faced me. Agad akong nataranta dahil baka marinig ng lalaking iyon ang pangalan niya mula rito.   So, his name is Cullen?   "Tumahimik kang bugak ka. Baka marinig pa tayo n'yan," I whispered with wide eyes. Yumuko ako nang bahagya upang hindi ako mapansin. Paminsan-minsan kasi ay malikot ang mata nitong Cullen. Buti na lang ay hindi siya napapatingin banda rito.   Leila chuckled, na bahagya ko namang kinainis. "Crush mo?"   "No, hindi ba pwedeng curious lang?" sagot ko.   Tumango siya at muling namayani ang katahimikan. Gusto ko sanang tanungin sa kaniya kung paano niya nalaman ang name nu'n kaya lang, baka marinig naman niya kami.   Kaya nang makalabas kami sa karinderya at habang naglalakad papasok ng PUP ay doon ko na siya pinaulanan ng tanong.   "God! He's Cullen, hindi mo kilala? Ah, sabagay, hindi ka naman pala updated talaga sa mga chika." I rolled my eyes after hearing that, pabitin pa kasi.   "Ano nga? Paano mo nakilala 'yon?"   "I think everyone knows him, sino ba namang hindi? Siya 'yong bali-balitang nasa s*x scandal na kumakalat kamakailan."   Scandal?   Pinilig ko ang aking ulo, totoo ba ang pinagsasasabi nito? Mabait at matinong tao ang first impression ko sa taong iyon and suddenly, ito ang maririnig ko? What the hell?   Biglang dumapo ang reyalisasyon sa akin, na kaya siguro walang nakikipagkaibigan o lumalapit man lang sa kaniya dahil sa eskandalo. But who knows? Hindi ko pa alam ang buong kwento, hindi rin dapat ako maniniwala nang basta-basta.   I find him interesting though.   "B-baka naman kamukha lang?" I insisted, namalayan ko na lamang na papasok na kami ng room. Si Cullen agad ang hinanap ng aking mga mata and as expected, mag-isa na naman siyang naka-upo sa pinakadulo, hindi na nagbabasa ng libro kundi nakatulala sa bintana.   Leila shrugged, nanahimik na rin ako dahil tahimik ang buong klase.   Halos thirty minutes din kaming abala sa cellphones nang biglang may pumasok. Agad kaming tumayo dahil sa pananamit pa lang at postura ay mahihinuhang isa siyang prof.   Bigla akong kinabahan. Akala ko sa isang araw pa darating ang mga prof!   Umupo kami nang tahimik nang magbigay siya ng senyas. Pagtapos ay inutusan kaming maglabas ng index card at isulat ang pangalan namin doon.   Nanginging ang kamay ko. Ano kayang ipapagawa nito?   Sabay naming ipinasa lahat ng index card namin. Kung hindi lang tahimik ay hindi ako kakabahan nang ganito. Para kasi akong binabalot ng tensyon, feel ko ang competitive dito.   Nagpakilala muna si Sir saka ni-shuffle ang index card. Pinaglaruan ko ang hawak na bolpen at tahimik na nagdadasal na sana hindi ako ang mauna. Hindi dapat ako mahihiya nang ganito pero, bakit ang awkward nito para sa akin?   "Fontaviende, Cullen."   Just as I heard that name, shivers suddenly crawled my spine. God, siya ang nauna!   Palihim akong sumulyap sa likuran at namataan ko ang dahan-dahan niyang pagtayo.   Nang magtama ang mga mata namin ay agad akong bumalik ng tingin sa harap, bigla akong nilamon ng hiya. Gosh!   "From what school?" Sir asked, tahimik ang lahat dahil ramdam kong nai-intriga rin sila. Malaking bunot ng tinik na rin sa lalamunan ang hindi pag-require na pumunta sa harap dahil ayokong matingnan siya uli sa mata. Naiilang na ako!   "San Beda. College of Law, Sir," he answered. Biglang nagpanting ang mga tenga ko. Oh, law.   Ngunit bigla ring kumunot ang aking noo. Kung galing siya sa law, ano ang naisip niya at napunta siya dito? I bet mas matanda na siya sa amin ng ilang taon.   "Tell everyone about yourself."   Bahagya ko nang pinihit ang aking ulo upang makita man lang siya kahit ng peripheral vision ko. This curiousity swallows me, I need to know more about him.   "I shifted real quick from Law to Bio, that's all."   Agad kong tiningnan si Sir kung okay na ba ang sagot na iyon at nang tumango siya ay ginapang ako ng inis. Iyon lang? Pwede na iyon?   Titingin pa lang sana ako kay Leila nang biglang tawagin ang pangalan niya. Napayuko tuloy ako at pinakinggan na lamang ang diskusyon nila.     Tinawag ang lahat at nawala rin kalaunan ang kaba dahil mabait naman at palatawa itong si Sir. Sinimulan kasi ni Cullen ang maikling pagpapakilala sa sarili kaya siguro nag-sisunod ang lahat na para bang nagpapaiklian na lang kami ng pagsasalita.     When dismissal came, si Cullen agad ang hinanap ng aking mga mata. Nahuli ko siyang nag-aayos ng gamit at walang ibang ginawa kundi ang kumaripas ng labas. Wala siyang pinansin ni isa at wala ring pumapansin sa kanya.   Ang misteryoso naman niya.   Nagpaalam agad si Leila sa akin dahil naghihintay na rin ang kanyang sundo sa labas. Mas naghigpit kasi 'yong mga magulang niya mula noong nagpagabi kami sa SM. Wala naman akong magagawa roon.   Nag-commute ako patungo sa japanese resto. Nagugutom na kasi ako at hindi ko alam kung bakit sa lugar na ito gusto kong tumungo. Maybe because of the food at ang view sa labas nito na nakagagaan ng loob. Regardless of that first encounter with their manager, wala na akong paki roon.   It's five thirty already, medyo tanaw pa ang sikat ng araw kaya siguro hindi pa bukas ang lights. But before I entered into this resto ay siniguro ko munang open ito, mainam nang matuto sa mga pagkakamali noon.   Pagtapak ko roon ay hinanap kaagad ng aking mga mata 'yong manager. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil halos crew lang naman itong napansin ko.   I ordered Gunkan sushi and Gyudon for a price of 215 pesos. Siguro twice a week akong pupunta rito nang mapagkasya ko ang allowance ko. Maganda at masarap ang pagkain oo, pero saksakan naman ng mahal. Wala rin, diba?   Pumunta agad ako sa aking favorite spot dala ang excitement para sa lights mamaya. Umupo agad ako at nilabas ang dalang netbook. Makanood nga ng movie habang naghihintay.   "Hey."   May babaeng tumapat sa aking harap. Nakangiti siya ngunit nakataas ang isang kilay.   "Why?" I asked. Napahinto ako sa pag-browse.   "Pwesto kasi namin 'yang inuupuan mo."   Tumango ako at humingi ng paumanhin. Hindi na ako makikipagtalo, ang mahalaga nandito ako. May pwesto pa naman sa tabi na pwede kong mauupuan.   Pag-upo ko ay saktong nilapag na ng crew 'yong inorder ko. Bigla naman akong natakam sa nakita kaya hindi ko na pinahirapan ang sarili.   Ngunit bago pa man ako makasubo ay biglang tumayo ang babae na nakaupo ngayon sa favorite spot ko. Nakatingin siya sa counter at malawak ang ngiti.   "Oh! Jarco!"   Sinundan ko ang kanyang tingin, nang makita ko 'yong Jarco na sinasabi niya ay agad kong binalik sa pagkain ang atensyon at tahimik na sumubo.   So, Jarco ang pangalan niya huh?   Kahit nakayuko ako ay pansin ko kung paano niyakap ng babaeng iyon si Jarco. Since nakatalikod mula sa akin ang babae at nakayakap siya ngayon sa supladong manager, kita ko kung paano siya nakatingin sa akin nang sinubukan kong iangat ang aking tingin.   I rolled my eyes. Anong tinitingin-tingin niya?   "Have a seat," malalim niyang sabi. Ang lamig din nitong boses niya. Nairita naman ako dahil nabo-bother ako sa presense niya. Nakakainis.   Hindi na rin ako magtataka kung girlfriend nga niya itong kasama niya. And who cares? It's not my business anymore.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD