bc

Take Me Home, Archangel

book_age18+
673
FOLLOW
1.7K
READ
submissive
twisted
heavy
serious
city
small town
disappearance
secrets
passionate
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

SAN MIGUEL SERIES 1

Masalimuot na buhay sa Maynila ang sumalubong kay Angelique mula nang makipagtanan siya sa kasintahang si Marko. Hindi niya inakala na hahantong sila sa pagnanakaw para lang makaligtas sa isang araw. Ngunit nang makita sila ng pulis, nahuli mismo si Marko habang siya ay nakatakas. Wala siyang muwang na ang pagtakas na iyon ang magdadala sa kaniya sa San Miguel, Bulacan— sa lugar kung saan nakatira ang nag-iisang Arch Valentino Ramirez.

Kung may tangi man siyang hangarin sa pagtagpo ng kanilang landas, iyon ay bumangon mula sa bagsik ng nakaraan. Pero paano siya magpapatuloy kung mas magulong kabanata pa pala ang papasukan niya? Tunay ngang masalimuot ang buhay na tinakasan niya sa Maynila… ngunit mas masalimuot pa pala sa San Miguel na nilipatan niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Pasado alas tres na ng hapon ngunit wala pa ring laman ang sikmura ko. Ilang kalye na rin ang tinahak ko nang mag-isa para lang magawan ng paraan ang problemang ito. Ang sabi kasi sa’min, marami raw mayayamang turista na naglilibot dito. Bukod sa makasisiguro kaming sandamakmak na pera ang laman ng kanilang mga pitaka, maaari ding may mamahaling alahas sa mga bag nila. Ano kaya ang pakiramdam ng isang buhay-mayaman? Gaano kaya kasarap `yong pagala-gala na lang, pakain-kain sa mamahaling restaurants, at pabili-bili sa lahat ng klaseng luho sa buhay? Ano kaya ang pakiramdam ng hindi na mamomroblema sa kung ano ang kakainin sa hapunan, umagahan, at tanghalian? Dahil sa parte ko, mabusog man sa umagahan ay nag-aalala na ulit kung paano kami makakakain sa mga susunod na oras. Ganito na ang klase ng buhay na nakagisnan ko rito Maynila mula nang makipagtanan ako kay Marko. Huminto ako sa ilalim ng isang shed sa bangketa. Nagpalilim muna upang humagilap ng hininga at punasan ang tumatagakgak na pawis. Saka ako napahugot ng bimpo sa aking bulsa at inilingkis sa basa’t marungis kong leeg. Dalawang araw na rin kasi mula nang `di pa ako naliligo lalo’t bukod sa umaasa na lang kami ni Marko sa pagdating ng ulan, wala pa kaming pambayad sa tubig na madalas namin noong pinanliligo. Masyado nang magulo kung iisipin pa namin iyon. Ang kailangan lang muna namin ngayon ay makatiyempo ng mayaman. “Ano, wala ka pang nahahanap?” pagalit na sigaw mula sa `di kalayuan. Naningkit ang mga mata ko nang mamataang patungo na rito sa shed ang nobyo ko. Umiling ako habang humahangos. “Wala pa! Akala ka ba makaka-jackpot tayo rito?” anas ko. “Iyon nga rin ang akala ko! `Tang inang Rodeo `yan.” Nang marating niya ang gilid ko ay tumayo rin siya rito saka inagaw ang bimbong pampatuyo ko. “Naisahan tayo no’n ah?” “Teka! Akin `yan, gamitin mo `yong sa’yo!” reklamo ko sabay agaw sa kaniya ng bimpo ko. Ngunit hindi ko nakuha dahil kaagad din siyang umilag at mabilis na pinunas sa mukha niyang tila binahiran ng uling. “Pahiram nga muna, nahulog ko na `yong akin!” “Anong nahulog? Dios ko naman! Kabibili lang natin no’n ah?” himutok ko. “Malay ko ba kasing hahabulin ako ng gunggong na `yon?” “Hahabulin? H-hinabol ka? Nino?” Umirap siya saka hinagis sa akin ang bimpo. Umaliwalas na lang bigla ang mukha ko nang dinukot niya ang nakaipit sa garter ng trouser niya. Inangat niya iyon at ipinakita sa akin kung ano. Gusto ko na bigla maiyak sa tuwa. “Anak ng— naka-jackpot ka?” usisa ko sabay agaw nito. Napansin kong umiling-iling siya habang hawak ko na ang pouch na ninakaw niya. “Pantawid-gutom lang natin `yan ngayong hapon.” Yumuko ako saka binigyang atensyon ang kulay pink na pouch na may design pang hello kitty. Umasa ako na sandamakmak na perang papel ang bubungad sa paghila ko ng zipper nito pero iba ang aking nakita. Bente pesos lang ang laman nito. Wala ng iba kundi bente lang! “Kita mo? Kung makahabol sa’kin `yong matandang `yon eh akala mong milyones ang laman! Bente? Isang lamunan lang `yan eh!” “Shh!” agap ko sabay kuha ng pera. Dali-dali kong tinapon sa pinakamalapit na basurahan ang pouch kagaya ng madalas naming ginagawa sa ibang mga pitaka na nananakaw namin. Maliban na lang kapag alam naming mamahalin din iyon kaya minsan, umaasa na lang kami sa suwerte. Bumalik ako palapit sa kaniya at hinagod ang basa niyang likod. “Okay lang `yan. Ginawa mo naman ang makakaya mo.” “Okay lang sa’yo?” tila gulat niyang tanong. “`Tang ina talaga. Third anniversary natin ngayon, mahal, hindi puwedeng lumipas ang araw na `to nang `di tayo naliligo at nakakakain sa pangarap mong resto.” Hindi ko pinuwersang ngumiti. Kusa na lang iyon umukit sa labi ko dahil naramdaman ko kung gaano siya kapursigido para lang mapasaya ako sa araw na ito. Kahit na minsan nagtatalo kami dahil sa pera, para sa akin ay kuntento na ako sa kung anong mayroon kami, basta’t kasama ko lang siya. “Bakit mo ba ina-alala `yon? May pantawid-gutom na tayo ngayon. Okay lang naman sa’kin kung `di mangyari ang plano mo. Marami pa namang anniversary para bumawi `di ba?” paglalambing ko. Nakasalubong pa ang kilay niya habang tinititigan ako ngunit hindi rin nagtagal dahil napalitan ng matamis na ngiti. Hindi man maganda ang buhay na natagpuan namin dito sa Maynila, kahit na naranasan kong hindi makakain sa isang araw ay pipiliin ko pa ring manatili sa tabi niya. Dahil nangako kaming kakapit sa isa’t isa habang nasa hirap at ginhawa. Ginusto naming talikuran ang buhay na mayroon kami sa Aklan basta lang magsama at makalayo sa mga taong taliwas sa aming relasyon. Marahan niyang idinampi ang kanan niyang palad sa aking bewang samantalang ang kaliwa’y umangat upang hawiin ang talikwas ng pawisan kong buhok. Bumulong siya, “Sigurado ka? Hmm? Ayos lang talaga?” “Seryoso ako, Marko—” “Mahal,” pagtatama niya upang ipaalala ang aming tawagan. “Mahal pala.” Mas lalo niyang inilapit ang sarili sa akin. Mas matangkad siya nang limang pulgada kaya kinakailangan ko pang tumingala upang magtagpo pa rin ang aming mga mata. Sa puntong ito, habang tangan ko sa aking palad ang bente pesos, hindi niya inalintana ang mga sasakyang dumadaan sa kalyeng kaharap ng kinatatayuan namin. Hindi ko na rin ininda ang hiya dahil bumibilis ang puso ko sa ginagawa niya. Nangingibabaw pa rin ang kilig kahit na ilang beses na niya itong ginagawa. “Hmm, napapansin ko yatang Marko na ang tawag mo sa’kin? Hindi mo na ba ako mahal?” Ikinunot ko ang noo ko. “Anong hindi mahal? Bugok ka ba? Nadudulas lang ako minsan kaya kita natatawag sa pangalan mo.” “Maniniwala ba ako?” Ngumuso naman ako sa pagkakataong ito. “Nasa sa’yo. Kung hindi na kita mahal, eh `di sana bumalik na ako sa Aklan.” “Halos dalawang taon na rin pala mula nang magtanan tayo. Hindi mo pa rin ba ako naiisipang iwan dito?” Determinado akong umiling. “Paano kita iiwan eh mahal nga kita?” “Mahal nga ba kasi talaga?” nang-aasar pa niyang tanong, halatang humahagilap na naman ng lambing. Ganitong ganito siya kapag nakagawa ako ng maliit na atraso kaya kabisado ko na kung paano ito matatapos. “Ang kulit. Kailangan pa ba kitang halikan dito? Maraming nakakakita—” “Come on, gawin mo na… mahal mo ako `di ba?” Ngumisi pa siya. Mukha lang akong indenial pero sa kaloob-looban ko, gustong gusto ko rin gawin iyon. Ilang segundo ang ginugol ko upang titigan siya nang mabuti. Siya na rin mismo ang gumawa ng paraan upang maikawit ko sa kaniyang batok ang aking palapulsuhan. Siguro, kahit na may iilang humihinto at napapalingon dito sa amin, kailangan ko nang gawin ito para matapos na’t makakain kami. Gusto ko rin naman kaya hindi ko na kailangan pang pag-isipan. “Happy third year anniversary sa atin, nag-iisa kong Marko Montero,” bulong ko bago tuluyang idikit ang aming mga labi. “To more…”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook