bc

Days of Defendants

book_age18+
394
FOLLOW
1.1K
READ
dark
sex
student
heir/heiress
tragedy
twisted
bxg
heavy
ambitious
ancient
like
intro-logo
Blurb

DAY SERIES #9

Madilim at kahindik-hindik na trahedya ang sinapit ni Saiah Cruz nang dakpin siya ng mga pirata sa gitna ng masaya niyang bakasyon sa isang dalampasigan sa Palawan. Hindi niya lubos-akalain na totoo pala ang mga habilin sa kaniya ng magulang bago siya magpaalam na tumungo rito kasama ang kaibigan. Musmos pa lang ay nakaririnig na siya ng mga nakatatakot na kwento ukol sa mga pirata. Hindi niya ito kailanman pinaniwalaan hanggang sa makita na lang ang sariling nakasakay sa katakot-takot na imahe ng pirate ship.

Mula sa barko ng mga pilipinong pirata na humuli sa kaniya, makalipas ang isang araw ay inilipat siya sa isang mexican pirate ship kung saan may naghihintay sa kaniya. Inasahan niya na gagawin siyang bayaran kagaya ng pananakot na sinambit ng mga pilipinong pirata. Ngunit hindi, iba ang nangyari. Sa halip na maging isang prostitute ay ginawa siyang katulong o personal assistant ni Rael Viendijo, ang mayaman at mexicanong kapitan.

Inakala niyang dito na matatapos ang kaniyang kabanata; na hindi na siya pababalikin nang buhay sa kaniyang pamilya sa Maynila dahil inalipin siya sa gitna ng malawak na karagatan dala ang kapiranggot na sinag ng pag-asa. Ang hindi niya alam, ito na pala ang simula ng kwentong-pag-ibig na `di inaasahang uusbong sa barko ng mga pirata. Ang kwentong magbubuklod sa isang alipin, isang kapitan, at isang bihag na iba-iba ang pinagmulan ngunit iisa lamang ang pinanghahawakan— ang magtanggol sa kani-kanilang depinisyon ng masalimuot na pagmamahal.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
DAY SERIES #9 Umuugong ang dagat. Labing walong taon na ako sa mundong ito ngunit ngayon ko pa lang nasaksihan kung gaano ito kalupit. Malalakas ang hampas ng mga alon. Humahagibis ang mala-yelo sa lamig na hangin. Animo’y nakikipaglaban ang buong katubigan sa dagudong at kalupitan ng kulog, kidlat, at ulan. Kanina pa ako nanginginig sa takot. Kanina pa ako taimtim na bumubulong ng dalangin. Kailangan kong pigilin ang pagtulo ng luha ko habang nakatali sa poste ng barkong ito. Hanggang ngayon kasi ay pinanghahawakan ko pa rin ang araw-araw na payo noon ni Lola noong nabubuhay pa siya. Huwag na huwag ko raw ipakita sa mga piratang ito na umiiyak ako at natatakot sa kanila. Dahil sa oras na matiyempuhan nilang makita na mahina ako, isa ako sa mga ilalaglag sa galit na karagatan. “Saiah… `di ko na kaya. N-natatakot ako…” Mula sa pagkakapikit, mabilis kong iminulat ang mga mata ko. Sa takot na baka may nakarinig nito ay agad kong sinulpayan ang piratang nagbabantay sa amin. Mabuti na lang dahil tumatama ang liwanag ng gasera sa puwesto nito. Nakita ko itong masarap ang tulog at para bang sanay na sanay na sa pagwawala ng langit at lupa. “Yolia, utang na loob, gayahin mo ako!” nanggigigil kong bulong. Pinanlisikan ko siya ng mata ngunit tila ba wala pa ring epekto. “Papatayin ka nila kung… kung ipagpapatuloy mo pa `yan.” “Mas gusto ko na mamatay kaysa maiwan at gawin kung anong ipagagawa nila. Mas takot na akong mabuhay ngayon, Saiah.” Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa mga sinabi ng kaibigan ko. Halos dalawang dipa lang ang layo niya sa akin dahil isang pagitan lang ng poste ang nakaharang sa amin. Hindi ko inakala na magagawa niya itong sabihin gayong halos agaw-buhay kami kanina para lang makatakas. Sa halos sampung nadakip kanina, apat na lang kami ang natitira. Ang dalawa na kasama namin ngayon ay hindi namin kilala habang iyong anim na puro ring babae ay pinagtatatapon sa pusod ng dagat dahil nagsiiyakan agad nang mahawakan. Pinilit ko na lang magmukhang estatwa para lang ipakita na hindi ako apektado sa mga ginagawa nila. Pinilit ko magkunwari dahil gusto ko pang mabuhay— hindi para sa sarili ko kundi para kay Nanay na sigurado akong kahapon pa naghahanap at naghihintay sa akin. Tuwing naaalala ko kung paano kami nadakip at napunta rito nang basta-basta, sana ay hindi na lang kami nagpasyang maligo sa dalampasigan ng Isla Agunaya. Sana… sana `di ko pinili maging makasarili sa desisyon kong i-celebrate ang birthday ko nang kasama si Yolia. Sana nakinig ako kay Nanay. Sana naniwala ako nang sabihin niyang delikado sa mga pirata ang Isla Agunaya. Bata pa lang, kinukwento na sa akin ni Lola at Nanay ang tungkol sa kalupitan ng mga pirata. Paulit-ulit nilang kinukwento na mahilig umano itong dumakip ng mga babae upang gawing alipin, utusan, at ang nakakatakot sa lahat, ang maging bayaran. Ito rin ang dahilan kung bakit hinding hindi nila ako pinahintulutang sumama sa mga kaibigan ko sa tuwing aanyayahan akong maliligo sa dagat. Ito ang dahilan kung bakit hanggang sa litrato lang ako nakakakita ng totoong imahe ng alon at dalampasigan. Pero naging makulit ako. Ipinagpilitan kong kathang isip lang ang mga pirata, na gawa-gawa lang ito ng kung sino mang mahihilig lumikha ng kwento para bawalin ang sinuman na maligo sa dagat. Sa labing walong taon kong buhay sa Maynila, puro imahe lang ng magulong siyudad ang nakikita ko. Nakakasawa. Nakakasawa iyong hanggang tingin na lang mula sa malayo. Hanggang sa sumapit ang debut ko… hanggang sa nagpumilit akong mag-celebrate sa lugar na kay tagal ko nang pinapangarap na puntahan. Ang kasiyahang inaasahan ko na sasalubong sa ika-labing walong taon kong kaarawan ay nabasag nang makita kami ng mga pirata at dinakip sa maputing buhangin ng Isla Agunaya. Totoo. Totoong totoo pala. Totoong totoo pala ang mga kuwento noon nila Lola. Naniniwala na ako ngayon kung gaano sila kalupit. Kung gaano kabagsik ang mga itsura nila. Kung gaano sila karahas sa mga taong dinadakip nila at kung gaano kamanhid ang mga puso nila. Kahapon ko pa iniisip kung may pag-asa pa ba kaming makawala sa kanila, kung maaawa ba sila sakaling magmakaawa akong palayain na at pauwiin. Ngunit base sa mga napansin ko, mukhang wala na akong dapat pang asahan. Malala pa sa kriminal kung gaano sila kalupit. Sobrang lala na para bang wala na silang Diyos na kinikilala. Nanumbalik ako sa reyalidad nang muli magsalita si Yolia. Kung kanina ay kaya pa niyang magpigil ng luha, ngayon ay kitang kita ko na ang repleksyon ng gasera sa kaniyang mga mata. Kumikinang na iyon at halos nanggigilid na sa pagtulo. Hinang hina na talaga siya… hindi na maaninagan ng pag-asa. “Sabay na tayo, Sai… wala na tayong magagawa kung oras na talaga natin—” “Sinasabi mo `yan dahil mayaman ang pamilya mo. Paano naman ako Yolia? Paano ako na marami pang hindi natutupad sa buhay?” Umiling siya. “H-hindi ba’t ikaw naman ang nag-aya sa akin na pumunta sa delikadong islang iyon? Napilitan lang ako sumama dahil gusto mo. Napilitan ako dahil tinakot mo ako sa friendship over na sinasabi mo.” Sasagot na sana ako ngunit hindi ko na naituloy nang biglang magsalita mula sa kawalan ang pirata. Napatiim-bagang ako at lalong nanginig sa takot. Marahan kong ibinaling ang tingin sa kaniya hanggang sa makitang nakatayo na siya sa mismong harapan namin. Hinihimas niya ang mahaba’t kulot na balbas habang ang isang kamay ay may hawak na batuta. Ito ang ginagamit nilang pandisiplina sa mga mahuhuli nilang nag-uusap kaya kahapon ko pa pinipigilang itikom ang bibig ko. Gusto ko sanang humingi ng tawad at humingi ng isang pagkakataon basta’t huwag lang niya kaming hampasin o saktan. Pero bago ko pa man magawa iyon, tumikhim na ang kaibigan ko at nagmura nang pagkalutong-lutong. “Pirata ka ba talaga? Parang hindi eh. Mukha ka kasing punyeta.” “Yol—” “No, Saiah. I had to do this. Mas gugustuhin ko na `to kaysa sa nais mo.” Nangilid ang aking luha. Sa sobrang pagpipigil, nagawa kong umiwas ng tingin at tumingala sa panggabing langit. I can’t help but betray my own eyes. I had to stop these tears from flowing just to tell this pirate that I’m willing to be their slaves just to be alive. Dahil kahit babuyin nila ako at gawing alipin, handa akong isuko ang dignidad ko. Handa kong isuko ang sarili ko basta’t makauwi lang ako nang buhay. Sa tuluyang pag-ingay ng paligid dahil sa marahas na pagwawala ni Yolia ay doon ko na ipinikit nang mariin ang aking mga mata. Hindi ko man nakikita ang ginagawa sa kaniya ay batid ko kung gaano kabagsik ang bawat hampas ng batuta sa kaniya. Panay siya mura na mas lalo pang ikinapikon ng pirata. Paulit-ulit na sumisigaw na siyang nagpagising sa mga tulog nitong kasamahan. Hindi ko na nakayanan pang tiisin ang mga sumunod na nangyari dahil sa huling hampas, iyon na ang pinakamalakas at hindi ko na narinig pa ang boses ng kaawa-awa kong kaibigan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook