Chapter 02

1155 Words
Do you know what the problem is with everybody? They all just want to hear what they already believe. Because in my case, I never chose to give myself a chance to listen to what my parents warned me. Instead, I chose to cling onto my own pleasure, not minding their advice and warnings that were bound to save me from the dangers of these pirates.   Sumapit ang umaga nang wala na akong kasama. Pinaslang na si Yolia. Sumuko na ang dalawang natitira at wala akong ideya kung ano ang pinaggagawa sa kanila sa kuta. I just prayed, held my tears, and deceived that I’m too powerful. Sa kaloob-looban ko, unti-unti na akong nilalamon at winawasak ng takot, pangamba, at kawalan ng kasiguraduhan sa kung ano man ang nag-aabang na hinaharap sa akin.   Napalunok ako. Sumisikat na ang araw kaya tumatama na ang mainit-init nitong silahis sa akin. Maganda na ang takbo ng panahon kaya patuloy na sa paglayag ang barko. Medyo basa pa ang suot kong pants dahil sa malakas na ulan at walang sapat na silungan para sa gaya kong binihag. Uhaw na uhaw na ako pero natatakot akong tumawag at humingi ng tubig. Pakiramdam ko, bawal din sa kanila ang mag-demand o mag-request.   Ano pa kaya ang mga bawal sa kanila? Pilit kong inaalala kung ano ang mga sinabi noon ni Lola at Nanay pero wala na akong mapiga pa. Kung nagawa ko lang talagang makinig noon at hindi magpatianod sa mga sarili kong gusto, sana ay pinakikinabangan ko na ito. Sa ngayon, mas sigurado kung hahayaan ko ang sariling manahimik. Saka na lang magsasalita kapag lalapitan at tatanungin.   “Ilan na lang ang natitira?”   “Isa na lang.”   “Hindi ba maingay o mareklamo?”   “Siya ang pinakatahimik. Hindi yata takot sa atin.”   Mula sa pagkakayuko, marahan kong ibinaling ang tingin ko sa mga piratang nag-uusap sa gilid nitong barko. Dalawa sila at malagkit ang tingin sa akin, animo’y gagawan ako ng masama sa kahit na anong sandali.   Nang magsimula na silang humakbang patungo sa akin, abot-abot ang tahip na iginawad ng dibdib ko. Wala silang kahit na anong hawak. Iyong isa ay nakaugalian na yatang humimas sa balbas niya at nakasisiguro akong siya ang pumaslang sa kaibigan ko kagabi!   God. Natatakot ako. Anong kailangan kong gawin sakali mang gawan nila ako ng masama? Saan ako magsisimula? Paano ko ito mairaraos?   Pagkahinto nila sa harap ko ay taas-noo ko silang tinitigan. Mariin kong ipinakita kung gaano ako katapang na siyang wala sa mga napatay na kagabi. Hinding hindi ako yuyuko o gagawa ng anumang kilos na magpapakita sa kahinaan ko. I have to let them feel that I’m strong because that’s what they needed.   Ngumisi ang isa samantalang ang isa naman ay humihimas pa rin ng balbas. They both look civilians in their casual outfit. Sa unang tingin ay aakalaing hindi pirata kundi mga ordinaryong tao sa normal na mundo.   “Ilang taon ka na?”   “Dise-otso,” diretso’t matigas kong sagot. Bahagya akong suminghap upang makahugot pa ng lakas ng loob.   Lumawak ang ngisi ng isa. “Batang bata huh? Sigurado akong magugustuhan ka ng Kapitan namin.”   “Huh?” tugon ng lalaking mannerism ang paghimas ng balbas. “Sigurado ka? Nangangamba nga ako sa isang `yan dahil binalaan tayong huwag bumihag ng bata—”   “Bobo ka ngang tunay, Timoteo. Nasa wastong edad na `yan. Diso-otso. Bingi ka ba?”   Sumimangot ito at tumigil na sa paghimas, para bang hindi niya tanggap kung ano ang pinuna ng kasamang pirata.   “Ilang beses mo na yatang akong sinasabihan niyan ah? Hoy, pare-parehas lang tayong mga utusan dito. Huwag mo akong pagsalitaan na para bang may pinagtapusan ka!”   Akma na sana nitong hihilahin ang kwelyo ng isa ngunit hindi na natuloy dahil sa pagdating ng ilan nilang kasamahan. Kaagad silang napalayo sa isa’t isa at mistulang walang bangayang naganap.   Sa puntong ito, hindi lang dalawa o tatlo ang dumagdag sa kanila, nasa lima sila at seryosong seryoso kung tumingin sa akin. Hindi ko alam kung anong mga motibo nila, kung anong susunod nilang gagawin sa tulad kong mag-isa na lang natitira. Gustuhin ko mang magmakaawa, napayuko na lamang ako upang hindi ipakita ang pagreplika ng takot sa aking mga mata.   “Anong pinag-aawayan niyong dalawa?”   “Tss, itong si Timoteo. Pinagpipilitang bata pa raw itong ibibigay natin kay kapitan. Eh dise-otso na `yan. Hindi ako bobo para sabihing hindi `yan legal.”   “May binilin ba sa inyo si kap bago niya ipagawa sa’tin `to?”   “Dalawa lang naman. Siguraduhin lang daw nating babae at hindi bata.”   Sa usapan nilang iyon, doon ko natanto kung ano ang susunod nilang gagawin sa akin. Mas lalo akong kinabahan dahil sa kapitan daw pala nila ako ibibigay. Isipin ko pa lang na ito ang hahantungan ko ay hindi ko na kaya. Malalagpasan ko kaya sakaling abot-impyerno ang hirap na dadanasin ko?   Gusto ko nang lumuha. Gustong gusto ko na lumuha at humagulhol. Gustong gusto ko na isigaw ang pangalan ni Lola at tawagin ang nag-iisa kong Nanay. Ulila na akong lubos sa aking ama at sila lang ang nakasama ko sa buhay. Bukod sa Diyos, wala na akong iba pang mapaghuhugutan ng loob kundi sila na umagapay sa akin at tumaguyod.   May kung ano pa silang pinag-usapan na hindi ko na lubos maintindihan. Sa sobrang sama ng kademonyohang ginawa nila sa mga kasamahan kong pinaslang nila, para bang sanay na sanay na silang kumitil ng buhay. Wala silang konsensya kung makatawa. Talaga palang nag-e-exist ang ganitong klase ng mga tao?   They look so deceiving. Sa unang tingin, hindi talaga aakalaing ganito ang katauhan nila. Kayang kaya nila lokohin iyong mga taong hindi nakakakilala sa kanila. Madaling kumuha ng tiwala at sa huli, gagawan ng kung ano-anong brutal na tanging mga demonyo lang ang nakagagawa.   Dali-dali akong napaangat sa kanila ng tingin nang maramdaman kong nanahimik na sila. Ganoon na lang ang pangingilabot ko nang seryoso na ulit silang nagmamatyag sa akin.   “Mamaya ka na namin dadalhin kay kapitan. Kung gusto mo pa mabuhay, sinasabi ko sa’yo, magpakatino-tino ka. Hawak namin ang buhay ng pamilya mo.”   Kumunot ang noo ko. “A-anong ibig niyong sabihin?”   “Hindi pa ba sa’yo malinaw? Nakasalalay sa’yo ang buhay ng pamilya mo. Hindi ka namin titigilan sa oras na gumawa ka ng kabulastugan sa harap ng kapitan namin.”   Tuluyang nanginig ang labi ko. Napakuyom ako sa aking palad at nagtagis-bagang sa sobrang galit. Hindi ako makapaniwala. Bakit nila idadamay ang pamilya ko rito? Anong kinalaman nila?   Gigil na gigil ako sa biglang pamumuo ng galit sa aking sistema. Pero kahit gustuhin kong sumagot at tumaliwas sa mga sinabi nila, nilamon pa rin ako ng takot kaya mas pinili ko na lang tumikom at manahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD