bc

Lies in Illicit Affair

book_age18+
50
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
HE
drama
bxg
brilliant
campus
highschool
selfish
civilian
like
intro-logo
Blurb

If she could only travel back in time, Ember Garcia, a second year Broadcasting student, would have tried her best to avoid the path that led her to a miserable and grief-stricken three-year relationship with Cord Elizondo. Wala siyang ibang hiniling kundi matapos ang kalbaryo dulot ng mga trauma na ipinararanas nito sa kaniya. Palala nang palala, pahirap nang pahirap, patagal nang patagal.

Mas lumalim pa ang sugat mula nang mangibang bansa si Cord upang magtrabaho sa New Zealand. At ang akala niyang pag-asa sa muling panunumbalik ng dati nilang relasyon ay unti-unting natupok. Umasa siyang magbabago na si Cord at hindi na uulitin ang mga naging pagkakamali nito. Ngunit hindi yata siya pinahihintulutan ng tadhana upang maging masaya– kahit saglit, kahit minsan, kahit panandalian.

But not until Echo Avalos came, the man who brought what she thought she deserves, the man she didn’t expect to be the king of her heart. Gustuhin man niyang makipaghiwalay kay Cord upang maging malaya sila, maraming hadlang at aberya na hindi pumapabor sa kanila.

How far will they go in this illicit affair kung ang mga pagkakamali ng boyfriend niya ay nagagawa na rin niya? Ano ang kaya niyang isakripisyo upang mapanatili ang lalaking tumumbas sa mga pagkukulang ng kasintahan niya? Will she ever sustain her happiness in those clandestine meetings and secret stares? Or will Echo stay ever and evermore?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
‘Happy monthsary, Cor–’ Hindi ko na natapos i-type ang mensaheng iyon nang maramdaman kong may lumingkis sa bewang ko. Sa halimuyak pa lang ng pabango, hindi ko na kailangang tumalikod upang alamin kung sino siya. Damang dama ko ang init ng yakap niya. Sa sobrang lapit at higpit, ultimo t***k ng puso niya ay para bang nakikipaglaban na sa’kin. Unti-unting nanginig ang mga daliri ko. Nais ko pa sanang dugtungan kung ano nang tinipa ko sa hawak na cellphone ngunit nanghina na ako. He’s been like this. We’ve been doing this. Sa araw-araw na magkasama kami at patagong naghahalikan, bakit parang bago? Bakit hindi nakakasawa? “Kung saan-saan kita hinanap, dito ka lang pala,” bulong niya gamit ang baritonong boses. Malalim, nakakalasing. Gustuhin ko mang kumawala muna dahil sa takot na baka may makakita sa amin, wala rin akong magawa dahil patuloy na naman akong nilalamon ng pagkahumaling ko sa kaniya. Kasabay ng marahan kong pagbulsa sa aking cellphone, dahan-dahan ko ring ipinilig ang aking ulo. Napapikit na lamang ako nang maramdaman ko ang mainit niyang labi sa aking leeg. I can’t help but shudder amidst his intimate kiss. Ito ang araw-araw kong hinahanap, tatanggihan ko pa ba? His hands moved from my waist up to my chest. Lalong dumiin ang pagpikit ko. Lalo akong nawala sa sarili ko. “Echo… hmmm…” I moaned. He then grunted as he caressed the top of my blouse. Hinawi pa niya ang lanyard ng suot kong ID upang mas magka-access pa siya roon. “I miss you, Em…” he whispered the moment he stopped kissing the side of my neck. Nang mas diinan pa niya ang paglamas sa hinaharap ko, doon na ako napatingala. “Did you miss me doing this?” Hindi ko siya masagot dahil mas lalo na akong nilamon ng sensasyong idinudulot niya. How could I even speak? Napapakagat-labi na lamang ako sa siobrang lala ng epekto niya. But then, hindi ko pa rin maiwasan na nasa public place kami, sa library. Sa likod mismo ng book shelf na tagong tago sa mga estudyanteng nagbabasa sa reading area. Paano kung may makahuli sa’min? Paano kung mga kaibigan pa mismo ni Cord? Naalala kong nandito rin pala sila dahil nakita ko kanina noong pumasok ako rito. Nakita rin nila ako kanina.  God, this is so wrong. Pinigilan kong suminghap nang magbadya na siyang ipasok ang kamay sa ilalim ng aking blusa. I then tried my best to untangle his arms. Nang magawa ko ay isang beses akong humakbang upang dumistansya sa kaniya. Abot-abot ang tahip ng dibdib ko nang humarap na ako sa kaniya at makita ang butil ng pawis na gumagapang mula sa kaniyang noo, pababa sa gilid ng kaniyang tenga. Damn, sinong hindi mababaliw sa kaguwapuhang iyan? He’s Echo. A tanned skin man gifted with those well-defined nose, almond eyes, high-arched brows, and a prominent jawline. Wala akong magawa kundi ang mapatingala dahil sa sobrang tangkad niya. I’ve always been yearning on his lustful stares, intimate cuddles, and warm kisses. Lagi akong nangungulila roon kahit na palagian naman kaming nagkikita. It’s just that… kahit na gusto namin ang isa’t isa, kahit na parehas naman kami ng nararamdaman, this is illicit. We are forbidden. Kasabay ng pangungunot ng kaniyang noo, napansin ko ang pagtikom ng kaniyang labi. Confusion clouded his features, clenching his teeth as he crossed his arms tightly. Kailangan ko pa bang ipaliwanag kung bakit kailangan naming iwasan ang isa’t isa dito sa library?  “Hindi mo ako… na-miss?” he muttered slowly. Sa puntong iyon ay lumukso ang kaba ko dahil may kalakasan na ang boses niyang iyon. s**t. Nakakapraning.  Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. Inayos ko na rin ang pagkakaladlad ng lanyard ko dahil nawala sa ayos habang hinahalikan niya ako kanina. Buti na lang ay walang napadpad sa section na ito. Dahil kung may nakakita man, `di malabong baka ito na ang huling araw namin. Huwag naman sana. “Mamaya na tayo mag-usap Echo. Bawal dito.” He shrugged his shoulders. “Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko.” Heto na naman siya, makulit. Pero hindi ko rin pwedeng ireklamo dahil dito ko rin siya nagustuhan– sa kakulitan niya. He’s always been clingy. Na para bang hindi nagsasawa sa pagbubuhos ng atensyon sa’kin. Isa rin kasi iyon sa mga bagay na hindi ko nagawang maranasan sa halos ilang taon na naming relasyon ni Cord. Kay Echo ko lang nahanap. Sa kaniya ko lang naranasan. Tumingin muna ako sa likod ko at likod niya bago ako humakbang palapit sa kaniya at tumingkayad. Kumapit ako sa kuwelyo ng princeton orange niyang polo saka siya siniil ng maingat na halik sa labi. Akma na sana akong lalayo nang magawa iyon ngunit hinila pa niya ako patungo sa kaniya. He gave me a deep passionate kiss as if we hadn’t seen each other for weeks.  Walang nakakasawa sa ginagawa namin. Walang nakakaalam. Ilang ulit ko nang itinanong sa kaniya noon kung ayos lang ba sa kaniya na ganito ang aming set-up ngunit paulit-ulit din ang sagot niya. Walang problema. Gusto rin daw niya. He said he’ll do all of these even more as long as I let him. As long as we take. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko, sakto nang kumalas na kami ni Echo mula sa malalim halik. Hindi man magkadikit ang katawan namin nang maramdaman kong may tumatawag sa phone ko, nakita ko na kaagad sa ekspresyon niya kung anong reaksyon niya tungkol dito. Maybe he knew that it was Cord, calling. Maybe he knew that this day is a special one. Hindi para sa’min kundi para sa amin ng boyfriend ko. “S-sagutin ko muna,” nauutal kong sabi sa kaniya matapos tingnan ang screen. Wala siyang ibang naging tugon kundi pagtango. Nanlalamig ang kaniyang mga mata. May sulyap ng bahagyang ngiti sa labi ngunit alam kong pinipilit lang niya. “Take your time, hihintayin lang kita sa parking lot,” aniya. Napabuntonghininga na lamang ako at iniwan siyang nakatayo sa puwestong iyon. Tuloy-tuloy akong naglakad palabas ng library at buti’y hindi ako napansin ng mga kakilala ni Cord sa dulo dahil nagkukwentuhan. Siniguro kong nakapuwesto na ako sa pathway kung saan ako lang ang mag-isa rito. Makulimlim ang paligid, dala ng mahihinang pag-ulan kaninang umaga at tanghali. Kaunti na rin ang mga estudyante dito sa campus dahil karamihan sa mga klase ay natapos na kanina. Iilan na lang ang mga nakikita kong pagala-gala sa kabilang side ng oval. Nakadalawang missed call na nang tingnan ko ulit ang phone kaya sa puntong ito ay kinabahan na ako. Napalunok ako nang muli na namang lumitaw ang pangalan niya. s**t. Monthsary namin ngayon. Sana naman kausapin na niya ako sa maayos na paraan. Sana, kahit ngayon lang ay mapatunayan niyang nagbabago na siya. Pero hindi, siguro nga ganoon talaga kahirap para sa iba ang magbago… “Tang ina, nakakailang tawag na ako ha? Bakit ngayon mo lang nasagot?” Iyon kaagad ang mga salitang bumungad sa’kin. Isang bagay na hindi naman na bago sa’kin. Dapat pa ba akong maiyak? Dapat bang masira na ang araw ko dahil dito? Minsan na nga lang kami mag-usap. Minsan na nga lang siya mag-reply sa mga chat ko. Lahat na ng posibleng gawin upang isalba kami ay ginawa ko na. Bakit parang ang hirap sa kaniyang magpaka-boyfriend para sa’kin?  Hindi ako sumagot. Ni hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko habang nanginginig ang mga tuhod. “Ano, ha? Bakit ‘di mo ako masagot-sagot? Ngayon na nga lang ako tatawag, binabalewala mo pa! Anong klase kang girlfriend?” Monthsary… Alam mo bang iyan na ang ilang beses mong nakakalimutan, Cord? Nangako kang babawi. Nangako kang hindi mo na ako mumurahin. Nangako kang hindi mo na ako sasaktan. Nasaan na ang lahat ng iyon? Bakit ginagawa mo na naman ito sa’kin? May kung ano pa siyang isinisigaw sa kabilang linya ngunit pinutol ko na. Namamanhid na ako. Wala na akong pakialam. Wala akong ibang gustong gawin ngayong hapon kundi ang makasama si Echo. Wala na. Siya lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook