Chapter 02

1377 Words
Matamlay ang mga hakbang ko habang tinatahak ang daan patungo sa parking space ng campus. Nasa kotse na siguro si Echo. Ilang minuto rin kasi akong nanatili sa kinatatayuan ko kanina. Pinahupa ko muna ang mga luha ko dahil ayaw kong makita niya akong nagkakaganito. Months ago, he already knew what’s happening. Pinaliwanag ko kung bakit at sinabi ko na rin kung bakit paulit-ulit. Kulang na nga lang ay magsulat siya ng biography tungkol sa’min ni Cord. Mga hinanakit, galit, rants, at mga bagay na bumabagabag sa’kin– lahat ay nasabi ko na. Siya lang din naman kasi ang taong kaya kong pagsabihan tungkol dito. Siya lang ang nasa tabi ko sa tuwing nalulugmok ako nang ganito. My friends are busy on their lives. Nauunawaan ko namang hindi lang sa’kin umiikot ang buhay ng mga ‘yon. They have their own problems too. They’re probably striving in a conflict that is no different from what I’m having right now. Pero iba si Echo. Ibang iba siya sa mga taong dumaan sa buhay ko. He’s even willing to cancel his plans just to be on my side. At sa tuwing tumatawag ako, kahit na alam kong busy siya ay sasabihin niyang wala siyang ginagawa. Sinong hindi ma-t-turn-on sa ganiyang klaseng lalaki? For the past few months, he proved almost everything, they reason why I’ve been admiring him. He’s not just an ordinary lover. He’s the standard. Tila nawala ang panghihina sa tuhod ko nang makita siyang nakasandal sa pinto ng kaniyang kotse. Nakayuko siya sa relo niya at para bang tinititigan iyon. Wala akong nagawa kundi ang mapahinto at mapatitig sa kaniya mula rito. God, bakit ang guwapo-guwapo niya kahit halatang pagod na sa maghapon? Just as his gaze met my silent stares, I saw his lips pressing together. Ayaw ngumiti at para bang hindi natutuwa sa nakikita. Dahil kaya alam niyang hindi maganda ang naging takbo ng usapan namin ni Cord? O baka nahalata niya sa ekspresyon ko? Pinilit ko na lamang ngumiti kahit mahirap. Hinawi ko na rin ang talikwas ng bangs ko saka nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kaniya. Walang katao-tao at kakotse-kotse sa space na ito dahil marami na ang nagsi-uwian. Expected na ito tuwing biyernes. Hindi na nakakagulat. “Saan tayo pupunta?” tanong ko nang kaunti na lamang ang pagitan naming dalawa. Muli ko na namang naamoy ang pabango niya. This time, naalala ko na naman ang nabitin naming sandali kanina. Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay naglakad siya papunta sa kabilang pinto at pinagbuksan ako nito. Ni wala ring hi o hello. Dito ko natanto na may nahihinuha siya sa totoo kong nararamdaman ngayon. Nagtama ang aming mga mata bago ako umupo sa passenger's seat. Kasabay ng pagsara ng pinto, lumipat ang tingin ko sa upuan niya kung saan nakalapag ang phone niya. Umilaw bigla ang screen nito at napabasa ako saglit sa lumitaw na notification. Ngunit `di ko na natapos dahil saktong pagbukas niya at pagpasok, pinulot niya iyon at ipinatong sa dashboard. Mariona? Sino si Mariona? Iyon ang paulit-ulit kong tanong sa isip ko. To the point na hindi ko napansing hindi pa pala niya sinisimulang paandarin ang sasakyan. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako habang siya ay nakatitig naman sa akin. s**t, Ember. Ano naman kung may kausap siyang babae? Wala naman kaming relasyon kaya malaya siyang gawin kung anong gusto niya! “Anong napag-usapan niyo? Hmm?” His voice resounded like a calm bass. Hindi man siya nakadikit sa’kin, pakiramdam ko ay parang hinahaplos na ako no’n. It’s as if he’s inviting me to pull his shirt and seal his lips with my kiss. Ngunit hindi ko magawa dahil nanunumbalik sa isip ko ang pangalan ng nag-text sa kaniya sa kaniyang phone. I slowly faced him. Mas malinaw na sa’kin ngayon kung gaano kalamig ang kaniyang ekspresyon. I can’t help but stare upon how the back of his head rests against his seat. His stoic eyes are unmoving and unmovable. Sa unang tingin pa lang ay batid ko ng determinado siya upang malaman kung anong iniisip ko. Kay daling limutin ng ginawa ni Cord sa tawag kanina. Pero ang simpleng pangalan ng babae sa notification ng phone ni Echo? Hindi. Hindi madali. Nasanay na kasi ako sa lahat ng mga kagaguhan sa’kin ng boyfriend ko. Pero sa kaniya, hindi. Wala pa akong nararanasang mali kay Echo. “Uh, ayos naman kami,” mahina kong tugon na para bang nagdadalawang isip. Ayaw kong pag-usapan ito. Gusto kong malaman kung sino si Mariona! “Your eyes say you’re not. Kilala na kita, Em.” I shook my head. “Walang problema sa’min, Echo. In fact, binati niya ako kanina,” pagsisinungaling ko. Tumaas ang kilay niya. “Binati? Ng ano?” May kaunting gulat sa akin nang ma-realize kong hindi pa pala niya alam kung anong meron sa amin ngayon ni Cord. Hindi ba’t nasabi ko na sa kaniya noon na tuwing otso ng buwan ang monthsary namin? O baka nakalimutan na niya? “Monthsary namin ngayon…” He slowly nodded upon hearing that. Umiwas na rin siya ng tingin at tumitig sa windshield. “Yeah, August eight nga pala ngayon. Sorry, I forgot.” Namutawi ang mahabang katahimikan pagkatapos no’n. Nakatulala lang siya sa windshield habang ako naman ay nakatitig lang sa kaniya. Napaisip tuloy ako kung hindi ba siya na-c-conscious doon. Wala ba siyang sasabihin tungkol kay Mariona? Kaano-ano niya ang nag-text sa kaniya ng “Let’s meet later?” Tinantanan ko na ang pagtitig sa kaniya. Kunwari ay sa harap na rin ako nag-focus kahit ang totoo ay inaabangan kong kunin niyang muli ang phone niya sa dashboard. Gusto kong makita ang reaksyon niya sa oras na mabasa niya ang text at matanto kung kanino iyon nanggaling. Kailangan kong makita. May kung anong bumugso sa dibdib ko nang pihitin na niya ang susi ng kotse at paandarin iyon. Kasabay nito ay sabay din naming nakita ang repleksyon ng phone screen sa windshield dahil sa biglang pag-ilaw nito. Baka si Mariona na naman iyon. Inasahan kong re-reply-an niya iyon nang saglit niyang tingnan ngunit hindi. Hindi niya pinansin. Sa halip ay pinaandar na niya ang kotse at minando palabas ng campus. How should I tell him this? Paano ko sasabihin nang hindi niya nahahalatang naghihinala ako? Ayaw kong magmukha na para bang nagde-demand. Ano ba naman kasi ang karapatan ko gayong wala namang kami? I don’t want to look like a desperate. He has seen me at my worse at ayaw kong makita niya ang mas malala ko pang side. This is just so inappropriate. Ayaw kong tabasan ang pakpak niya. “Sa condo tayo, ayos lang ba?” he inquired in the middle of his drive. Walang gana akong tumango habang nakasandal ang sentido ko sa window glass. Medyo mabigat ang daloy ng trapiko. Biyernes ba naman kasi ngayon at nagkataong rush hour. Nang huminto muna ang sasakyan, naramdaman ko na ang marahang pagpatong ng kanan niyang kamay sa isa kong hita. He then caressed it. Animo’y naglalambing. “May hindi ka sinasabi, Em. Just tell it.” No. I can’t do that. Ayaw kong isipin niyang nagseselos ako. Hindi pwede. “Wala.” “Wala?” ulit niya sa sagot ko. Ramdam kong nakatingin na siya sa akin ngayon pero ayaw kong tingnan pabalik. Nakakahiya kung malaman pa niya. Simpleng bagay lang pero bini-big deal ko na. I nodded. “Pagod lang ako…” “Eh ‘di mas mapapagod pa kita sa condo niyan?” he playfully said. Lihim akong umirap sa bintana habang siya ay mahinang humahagikhik sa side niya. Pagod my ass. Bakit hindi `yang si Mariona ang pagurin mo? Magkikita naman kayo mamaya ‘di ba? Nang umalis ang kamay niya sa hita ko, kusang dumapo ang mga mata ko sa pinagpapatungan ng phone niya. This time, pinulot na niya iyon. Tiningnan. Ini-swipe. At para bang may tina-type. Mukhang nire-reply-an na niya si Mariona. Ano kayang sagot niya? Magkikita nga kaya sila? May kung anong inis na namuo sa sistema ko nang makita ang pasimple niyang ngiti habang nagtitipa. Mabilis na lamang akong umiwas ng tingin nang mabilis niyang ipalik ang phone dahil nag-green light na ang traffic sign. Sino si Mariona? Bakit gano’n na lang siya kung makangiti?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD