bc

The Last Billionaire (Hidden Desire Series #8)

book_age18+
45
FOLLOW
1K
READ
billionaire
revenge
journalists
drama
tragedy
small town
secrets
self discover
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Aubriella ‘Riel’ Constantino believes that she was born to be a journalist. She aspires to reveal the truth even at the cost of her own life. But when Basil Cussler came into the picture, that’s when her visions began crumbling. For in the midst of her journey to unveil Basil's hidden desire, this man will fearlessly claim that he’s the last billionaire.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
I watched how the white light reflected on his black pompadour hair. His right arm raised with its flickering tendons just to touch his masculine peppered stubble. He scoffed. Pinamulahan ako ng pisngi lalo na nang lumingon siya sa puwesto ko na para bang kanina pa niya nararamdamang nakatitig ako sa kaniya. God. Sa dinami-rami ng subject na sinubukan ko nang kunan ng litrato, sa kaniya lang ako nahirapan nang malala! Humigpit ang pagkakahawak ko sa itinatagong cellphone matapos umiwas ng tingin. Kunwari ay naging abala ako sa pag-uusisa ng mga damit na naka-display dito sa women’s apparel, kahit na kanina pa ako pinupunan ng abot-langit na kaba. Hindi ako maaaring magkamali kung sino siya kaya kailangan ko na nakawan ng larawan bago pa siya mawala! “How much?” he asked using his booming voice. As if it’s loaded by vigor, a measure of his prosperous vitality. Sumagot ang sales lady sa mahinhing boses. Halatang nagpapa-cute kahit na hindi ko tingnan. “Uh, sir, two thousand po.” “Wala bang mas mahal?” tanong pa niya. Sa yaman niyang iyan, hindi na nakagugulat kung bakit iyon ang binukambibig niya. “Wala na sir eh. `Yan na lang po.” Hinimas ko ang mga raglan sleeve na nakasabit. Sa gilid ng mga mata ko, nakita ko kung paano niya itinuro ang cobalt blue strapless dress na mukhang natipuhan niyang bilhin. Halos sampung minuto ko na ring tinatanong ang sarili ko kung bakit siya nandito at kung para kanino ang bibilhin niya. Is it for his wife? For his fiancée? For his girlfriend? Ewan. Hindi ko alam ang civil status niya. Nang iliko ko ang aking leeg upang tingnan ulit siya nang pasilip, namataan kong may dinudukot na siya sa kaniyang wallet. Abala na rin ang sales lady sa pagtutupi ng dress at halos `di mawala-wala ang tila mapupunit niyang ngiti. Sino ba naman kasing hindi mamamangha gayong hindi basta-basta ang customer niya? He’s Basil Cussler. Isang Cussler na pinaniniwalaang isa sa maipluwensyang bilyonaryo sa Pilipinas! Kahit akong mamamahayag ay `di inakalang dito ko siya matatagpuan. Wala pa akong tatlong linggo rito sa San Felipe at sa mga araw na lumipas ay ngayon ko lang siya nakita. Talagang ngayon pa kung kailan naghihintay na sa parking lot ang boyfriend ko. Kung alam ko lang na pumupunta pala siya rito sa mall, sana pala’y inaraw-araw ko na ang pagtambay dito. He has that unwavering fame to be featured in my news article. Magsulat lang ako ng balitang natagpuan siya rito sa San Felipe, siguradong aprubado kaagad sa editor ko. Pagkaabot ng paper bag sa kaniya, kaagad niyang inabot ang bayad. Nagtanong pa ang sales lady kung puwede raw ba magpa-picture ngunit hindi niya ito pinansin. Ganiyan siya kahit sa mga gaya kong taga-media na nais magpaunlak ng interview sa kaniya. Aminado akong saksakan siya ng kagwapuhan ngunit sana naman tumanggi siya sa maayos na paraan. Namula ang pisngi ng babae sa hiya. Umalis nang walang sabi-sabi si Basil Cussler sabay suot ng sunglasses upang protektahan ang identidad. Nagbilang ako ng limang segundo bago magpasyang sundan siya. Saktong sa paghakbang, nag-ring pa ang cellphone ko. Sinagot ko iyon habang tumititig sa matipunong likod ni Cussler. Bagay na bagay kung paano nakatupi ang mga sleeves nito hanggang siko na para bang sinasadyang ipakita ang mga ugat sa braso. Are those real? I cleared my throat and whispered on my phone. Malalaki kasi ang hakbang niya kaya mas binilisan ko pa ang lakad. “Babe, a-ano?” asik ko. “Are you done?” he asked in his worrying tone. Paniguradong namumuti na ang mga mata niya kahihintay dahil lumagpas na ang kalahating oras na pinangako ko. “Uh… w-wala pa akong mapili.” “Matagal pa ba `yan? Puntahan kita.” “No!” Simbilis ng kidlat kung paano ko tinakpan ang bibig ko sa takot na baka narinig ako ni Basil Cussler. Marami-rami namang mga tao rito sa mall at mukhang nahahalata na siya ng ibang napapatingin sa tuwing dumadaan siya. I gulped even before I explained. “Kaya ko na `to, babe. You don’t have to go here. Hindi na ako magtatagal dito.” “Okay then, take your time.” Pagkababa ng tawag, nais ko sanang itapat ang cellphone kay Cussler at kuhanan ulit ng litrato pero nagbago ang isip ko dahil sa pangit ng anggulo. Nakailang back view shot na ako kanina. Wala ni isang malinaw na magpapatunay na siya ito lalo’t wala akong lakas na loob humarang at basta-bastang mag-capture. Kilalang kilala ko ang reputasyon niya base sa mga naging trato niya sa kagaya ko. He got that rude, immodest, and conceited arrogance— enough for us to conclude that he’s nothing but egocentric. He stopped right after he stepped on the moving escalator. At para hindi mahalatang sumusunod ako, hinayaan kong may manguna sa harapan ko bago ako tumuntong. From here, I could clearly see his left arm holding now his smartphone. Sinubukan kong silipin kung anong klaseng transaksyon ang kaniyang ginagawa ro’n subalit naibulsa niya rin pagkasilip sa lockscreen. Journalists like me have always been trying to reach out for an interview with a Cussler. We’ve wanted to ask their side to expose their unheard explanations. Kumpirmadong bilyonaryo na sila ngunit palaisipan kung saan nagmula ang kanilang yaman. His father is just a town mayor. Gaano lang ba kaliit ang sweldo ng isang alkalde para maging bilyonaryo? Ngunit sa kabila nito, mahal pa rin sila ng mga tao. Kaduda-duda dahil kahit umaabot na ng isang dekada sa pamumuno ang tatay ni Basil, wala namang prominenteng pagbabago maliban sa road reconstruction projects. Bukod doon, nararamdaman lang ang presensya nila kapag may okasyon o `di kaya’y kapag malapit na ang eleksyon. I am not accusing them of corruption. Neither I’m accusing them for something that politicians call their nightmares. But if one of them explained how they earned that huge amount of money, then everything will be cleared. Sakaling magpaliwang na sila, hindi na ako magmumukhang tuta na kanina pa bumubuntot sa isang aroganteng Cussler. Huli na nang mamataan kong nakalabas na kami ng mall. I then found my pulse beating thickly in my veins because he’s now heading to the parking lot! Shall I call him before my boyfriend sees us? Eventually, Basil Cussler stopped in the middle of his path. Sa sobrang tahimik ng lugar na ito, wala ni sino man ang narito kundi mga kotseng nakapaligid sa’min. He slowly turned to meet the gaze I’ve been trying to hide since I saw him. s**t! I even saw how a line in his neck protruded! “Who are you?” he asked with his deep authoritative voice that echoed like a resounding thunder. “And why are you following me?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook