Chapter 02

1182 Words
This mall’s parking space is enclosed enough to bottle up the silence. But the throbbing fear that suddenly crept was more than I expected. I could feel my pulse striking my skin while he stripped his sunglasses. It showcased his cold darting eyes which appeared like a prim eagle—as if preparing for an unforeseen attack. Nangatog ang mga daliring nakapalibot sa hawak-hawak kong cellphone. Wala pa ring nangahas na pumagitna kahit simpleng hagibis na hangin kaya naisip ko na baka nakatakda talaga itong mangyari. Should I record this upcoming conversation? Damn. He didn’t move. And I didn’t dare as well. Subukan niya lang akong gamitan ng kakayanan niya, hinding hindi ko siya aatrasan. “Who. Are. You.” I gulped. Nakita ko kung paano na naman nagalit ang litid ng ugat sa kaniyang leeg. Hindi ko alam, unang beses pa lang ba niyang nasundan nang ganito? I mean, siguradong hindi lang ako. `Di lang ako ang nagmukhang tanga na sunod nang sunod sa kaniya! “It doesn’t matter who I am, Mr. Cussler,” I replied with my forehead raised. I was trained for this. I knew I was trained for people like him. “Wala ka namang paki sa mga journalists na nais magtanong sa inyo, `di ba?” He hissed. Kahit na mahina iyon, rinig na rinig pa rin ng mga nag-aabang kong tenga. “What you’re doing is a clear invasion of someone’s privacy. Are you not afraid?” Hindi muna ako sumagot doon. He got his point but I certainly have this right to disseminate the public where exactly he is. Kung ayaw palang malaman ng iba na nasa bayan siya ng San Felipe, bakit pa siya lumabas? Kahit na anong tago pa ang gawin niya sa likod ng sunglasses niya kanina, mangingibabaw pa rin siya sa dagat ng madla. I responded, “I’ve been working in this field for almost two years. Kaya kahit na anong pananakot ang sabihin mo, what’s more important is that I’m doing my job to update your father's people—” Hindi ko na natapos ang mga sinasabi ko dahil sa biglang entrada ng matigas at madiin niyang linya. “Update them for what? For what purpose?” “You’re a Cussler! Alam ng mga tao na nagbakasyon ka sa States at ikaw ang nag-iisang anak ng bilyonaryong tiba-tiba na sa pera.” “And I don’t f-ucking care even I’m the richest man alive!” Na-estatwa ako sa lakas ng alingangaw na nilikha ng galit at malalim niyang boses. It was greater than the sound of a blaring skyline, louder than the loudest wrath I’ve ever heard. Hindi pa man ako nakaka-recover sa nasaksihan, sunod-sunod siyang humakbang upang isarado ang humahating distansya sa aming pagitan. Huli na ang lahat nang matanto ko kung gaano siya kalapit. He’s now few inches away which made me adore his towering height, his manly scent, and his unmovable posture. God. “Why can’t you shut that goddamned mouth, huh?” he whispered. “Don’t f-uck the hell out of me. I’m weary. I’m tired.” Tinitigan niya ako sa loob nang mahabang segundo. Ngunit sa bawat patak at paglipas nito, hindi ko pinalagpas kung paano makipaglaban sa kaniya ng titigan. I’ve never done this close with someone except my boyfriend. But it seemed forbidden. His eyes seemed like a poisonous torch of darkness, enough for me to conclude why he’s dominant and intimidating. But then, he turned. And when he left me alone hanging in the midst of silence, that’s when I finally found myself speechless. He went inside his obsidian-black Lexus, a branded car that only those privileged could afford. Sa hindi malamang dahilan, nawalan na lang ako ng gana upang nakawan iyon ng litrato. Natulala lang ako na parang batang naliligaw sa kalye hanggang sa humarurot na ito palabas ng parking facility. My phone rang. Hindi na ako nag-atubili pa upang alamin kung sino iyon. Sinagot ko na lang kaagad at sinalubong nang `di pinapakinggan ang maaari niyang itanong. “I’m on my way. Saan ka ba gawi naka-park?” I inquired with a worried expression. He replied on the other side, “Lumipat ako sa harap.” “So that explains why I can’t find you here.” Binaba ko na ang tawag at nagsimulang maglakad-lakad patungo sa puwestong tinutukoy niya. Pilit ko pang hinahanap ang sarili ko sa bawat hakbang dahil hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa boyfriend ko ang tungkol sa mga nangyari. He’s a political science graduate. Paniguradong hindi niya ako tatantanan ng katanungan gayong gusto ko muna maging mapayapa sa gabing daraan. Hindi rin ako nakakuha ng matinong litrato kaya kahit na magsumite ako nito sa editor, paniguradong hindi rin matatanggap. A controversial thing like this needs a clear evidence of Basil Cussler’s presence in San Felipe. Kung susulatan ko man ng article, gagamitan ko ng anggulong mag-e-emphasize sa posibleng rason kung bakit siya bumalik sa Pilipinas. Is he on vacation? A vacation or his preparation for the upcoming elections? “Oh God, finally…” sambit ni Ridge nang maabutan ko siyang nakasandal sa headlight ng isang taon niyang Maruti Celerio. He sealed my lips with a smack kiss then cupped a hand against my chin. “I missed you.” My lips parted in awe. “What? Kalahating oras lang akong nawala.” “It felt thirty years…” “Ang OA!” I bursted amid my sudden laugh. Sunod na lang niya akong pinagbuksan ng pinto nang nakangiti, subalit kaagad ding naglaho dahil sa biglang pagbali ng kaniyang kilay. “Wait, wala kang nabili?” Nakapasok na ako nang itanong niya ito. Nasa labas pa rin siya at hinayaang bukas ang pinto. Umiling ako. “Wala.” Truth is, may nakita naman akong button-through na maaari sanang i-purchase. Kaya lang, sa sobrang bigat sa bulsa, kung bibilhin ko iyon ay baka maubusan na ako ng budget sa buong linggo. Wala pa akong sahod kahit full-time job ko naman ang pagsusulat sa dyaryo. Bukod pa roon, hindi rin fixed ang monthly salary. Nakadepende pa iyon sa evaluation ng head bago pa ma-finalize ang lahat. Wala eh. Ginusto ko rin. Dapat kong panindigan dahil ito ang trabaho na na-visualize ko bago ako noon tumuntong ng kolehiyo. Hindi na bago sa’kin kapag maririnig na hindi naman daw ako yayaman sa journalism. Bakit, hindi naman ako nag-aral para yumaman. Nag-aral ako upang abutin ang pangarap ko at maging isang ganap na manunulat na walang kinatatakutan. But am I really fearless? If I am, then why did I act like a coward in front of that Cussler’s outrage? Ridge, my three-year boyfriend shut the door of his car. At habang hinihintay siyang pumasok sa kabilang pinto, pinindot ko ang power button ng phone ko at hinagilap ang mga litratong na-capture kanina. If not blurry, the shots are tainted with unnecessary lights and glitches. Umasa ako na sana’y may matino kahit na isa… ngunit wala. Hindi bale na. Babawi na lang ako sa susunod. Sisiguraduhin kong magtatagpo ulit kami. At sa oras na mangyari iyon,`di ko siya uurungan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD