My mother has been skeptical about my profession since I decided to pursue journalism. Katunayan, muntik na akong huminto sa pag-aaral noon dahil ayaw nila akong mapahamak sa desisyong ito. Paulit-ulit nilang idinidiin na pangarap ko raw ang papatay sa akin. Para saan pa raw ang lagpas isang dekadang paghihirap upang makapagtapos kung sa isang iglap ay mawawala lang ako na parang bula?
Let’s face it. Journalists all over the world have been one of the favorite victims of threats, violence, and intimidation. And it’s proven already by some investigative reports given the national and international situations. Matagal na itong problema at nangyayari na kahit noong hindi pa ako naipapanganak. Lumalala lang sa lalong pagtanda ng mundo kaya hindi ko rin masisisi kung bakit ayaw ng mga magulang kong sumabak dito.
But this is who I am.
And no matter how deadly my job will be, this is my calling.
Dalawang linggo na ang lumipas mula noong maharap ko si Basil Cussler. Ginawa ko na ang makakaya ko upang mag-reach out sa kaniya ngunit ayaw akong bigyan ng pagkakataon. Dumating pa nga sa punto na halos magawa ko nang manatili sa gate kung saan nagbabantay ang security guard nila. Nagtiyaga ako nang ilang oras kahihintay pero ayaw daw talaga magpa-interview sa media.
Nilihim ko ang lahat ng ito kay Ridge dahil kung hindi niya ako pauulanan ng mga tanong, nasisiguro kong gagaya siya kina Mama. Alam kasi niya kung gaano kailap ang mga Cussler. Nabanggit pa niya noon na maaaring ang mga Cussler din ang pasimuno sa mga taong pinatay dahil sa paninirang puri.
Walang nakakaalam kaya hanggang ngayon ay walang sigurado. Kaya kung magtatagumpay ako sa nais kong magpaunlak ng panayam sa kanila, paniguradong dudumugin ang isusulat kong balita.
“Hey,” nangingiting salubong ni Ridge nang buksan niya ang pinto ng kaniyang apartment. Inilapit ko agad ang mukha ko sa kaniya upang dampian ng halik sa pisngi.
He’s half-naked. Basa pa ang magulo niyang buhok habang may mga butil ng tubig na gumagapang mula ulo hanggang dibdib. I then gasped to smell the scent of his aftershaves. Nag-init na lang ang sistema ko dahil `di ko naman inaasahang ganito ang bubungad sa’kin.
Inangat ko ang aking dala upang ipakita ang sadya ko rito. Bag ito kung saan nakalagay ang aking laptop, senyales na rito ako magtatrabaho.
He widened the door’s opening. Bumuntonghininga ako.
“Sorry kung dito ulit ako. Nagtalo kasi kami ni Mama,” sambit ko at sinimulang maglakad paloob. Umupo kaagad ako sa swivel chair kaharap ang working table. Narinig ko naman ang pagsara niya ng pinto habang ako’y nag-s-set-up na ng laptop. Wala pang ilang segundo ay naramdaman ko na ang pagpatong ng kaniyang mga palad sa aking balikat.
“Dahil na naman ba sa propesyon mo?”
I managed to stay silent but I cannot endure that sweetness of his voice. Tumango ako nang nalulungkot.
“Walang bago, babe,” I told him. “Wala na yata itong katapusan.”
“Huwag kang panghinaan.”
“Sinusubukan ko silang intindihin, okay?” Bumitaw ako sa laptop saka inikot ang inuupuan. Sa puntong ito ay nakaharap na ako kaya kita ko ang pag-aalalang umukit sa kaniyang mga mata.
I continued, “Ilang beses na akong nanahimik. Inunawa ko hanggang sa makapagtapos ako. Pero ano `yon? Bakit ganito? Bakit sa halip na suportahan nila ako ay puro talak pa rin ang maririnig ko?”
“Maybe, you just need to give more time—”
“Time? Hindi pa man tayo magkakilala noon, ganito na sila.”
He shrugged. “J-just shake it off. Ibaling mo muna sa iba ang atensyon mo. Mamaya na natin pag-usapan.”
Pagkasabi nito ay yumuko siya upang halikan ang noo ko. Saka siya nagpaalam para magluto ng hapunan kaya naiwan akong mag-isa rito sa living room. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos ng set-up upang simulan na ang revision na nais ipagawa ng editor ko. News article ko ito tungkol sa recent case ng isang journalist na natagpuang patay sa kaniyang condo. Murder ang hinihinalang dahilan dahil tadtad ng dalawangpung saksak ang katawan. Hindi pa nakuntento ang `di pa matukoy na suspek lalo’t pinutol pa ang dalawang kamay nito.
Aksidente itong nabasa ni Mama habang ine-edit ko kanina. At kahit anong tago pa siguro ang gawin ko, mababasa at mababasa pa rin niya dahil daily consumer siya ng dyaryo. Pinangalandakan pa niyang baka magaya raw ako sa paraan kung paano namatay ang biktima. Narindi na lang ako hanggang sa nagtalo na kami at ako na itong kusang nag-walk-out.
Natulala ako sa screen ng laptop. Nakabalandra na ang document ngunit nangangapa ako kung paano ko ito ire-revise para sa mas magandang anggulo. Nag-focus lang kasi ako sa crime scene ngunit ang gustong mangyari ng editor ay maglagay pa ako ng historical background tungkol sa kaparehong insidente.
Dinukot ko sa aking bulsa ang phone upang tawagan si Janah, ang katrabaho kong expert sa investigative report. Nakakadalawang ring pa lang ay nasagot na kaagad niya.
“Aubriella?” banggit niya sa aking pangalan.
“Busy ka?”
“Hindi naman, bakit?”
“M-may ililipat sana akong article sa’yo.”
“Tungkol saan?”
“Recent death ng fellow journalist—” Hindi ko na natapos ang aking sinasabi.
“No.”
Nagtaka ako bigla roon. “H-huh?”
“Riel, ako ang unang binigyan ng assignment tungkol diyan pero tinanggihan ko. `Di ko masikmura.”
Napalunok ako. Hindi naman sana ako takot ituloy ito ngunit hindi ko kasi ito mabibigyan ng hustisya. This kind of article deserves a better writer.
“Janah, hindi ko forte ang crime news. Mas magaling ka rito.”
“Then train yourself. Gamitin mo `yan para mahasa mo ang sarili mo.”
I was about to respond but she dropped the call. Napahilamos na lang ako dahil blangkong blangko na ang utak ko upang ituloy ang balitang ito.
Buwisit. Kung hindi lang ako pinakialaman ni Mama kanina ay baka nasa mood pa ako ngayon. Paano na gayong mamayang hatinggabi ang deadline?
May lumitaw na notif sa phone ko. Akala ko ay follow-up ni Janah pero nanlumo ako nang makitang text message iyon ni Papa. Pinindot ko kaagad at tahimik na binasa.
Papa: Umiiyak ang Mama mo. Umuwi ka na muna kaya rito para makapag-usap kayo?
Kinagat ko ang aking labi saka nilapag sa tabi ng bukas na laptop ang cellphone. Muli akong napatakip sa aking mga mata dahil lalo lang akong binalot ng iritasyon. Ngayon pa lang, naririnig ko na naman sila sa mga salitang hindi raw ako bubuhayin ng journalism.
But I love what I do as much as I love them. I love what I dream and this is what I am. Kahit na ano pa sigurong sabihin nila, hindi na nila ako makukumbinsing umatras. Because a true journalist dares to protect her visions and aspirations just tell the truth and reveal everything at the cost of her own life. She unveils what must be said, regardless of what’s on the line.