bc

Don’t Die, San Miguel

book_age18+
51
FOLLOW
1K
READ
forbidden
tragedy
serious
campus
small town
school
cruel
friends
passionate
like
intro-logo
Blurb

SAN MIGUEL SERIES 3

Wala na yatang mas hihigit pa sa pagmamahal ng isang Calliope Ignacio. Nanlalamig na kaniya si Miguel ngunit patuloy pa ring kumakapit. Hindi siya nawawalan ng pag-asa. Mariin pa rin ang paniniwala niyang matutupad lahat ng kanilang mga pangako sa isa’t isa.

Samantala, pursigido na sana si Miguel upang sabihin ang matagal niyang hindi masabi-sabi. Gagawin na niya kung ano ang sa tingin niya’y tama ngunit hindi nangyari. Naudlot ang lahat nang mabangga ng ten-wheeler truck ang kaniyang sinasakyan. Traumatic brain injury ang dahilan kung bakit dineklara siyang comatose.

Ngayon, sa gitna ng paghihintay ni Calliope sa muling pagbabalik ng kaniyang kasintahan, bumalik naman sa buhay niya si Raz— ang kababata niya’t lihim na hinahanggan na hindi na niya nakausap mula nang naglaho, apat na taon na ang nakararaan. Wala siyang alam na dito palang nagsisimula ang kwentong matagal na niyang nais wakasan.

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Kung ramdam mong nanlalamig na siya sa’yo, bibitawan mo ba? Palalayain mo na ba o pipiliing kumapit pa? Hindi ito ang unang beses. Ilang ulit na niyang nakalimutan ang monthsary namin. Dalawang beses na siyang hindi sumulpot noong hintayin ko siya para sa aming anniversary. Hindi na niya ako sinusundo kapag pauwi na ako sa klase. Hindi na siya bumabati ng magandang umaga sa tuwing imumulat ko ang aking mga mata. Ramdam kong nagbago na siya. Alam kong hindi ko na siya kilala. Mag-a-apat na taon na kami. Sa dinami-rami ng pinagdaanan namin bilang magkasintahan, ngayon pa ba kami bibitaw? “Magkita tayo mamaya. May sasabihin ako.” Kanina pa umaalingawngaw ang mga salitang iyon sa isipan ko. Alas siyete pa lang ng umaga at tila inagawan na ako ng lakas dahil sa mga tinuran niya sa tawag kaninang alas kwatro ng madaling araw. Ang tanga ko naman kasi para maghintay ng I love you niya. Hindi gaya ng halos araw-araw niyang pinaririnig sa akin noon, ngayon ay parang umaasa na lang ako sa wala. Pero ano kayang mga sasabihin niya? Tungkol saan? Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ang sunod-sunod na katok sa aking pinto. Naka-pajama pa ako at hindi nag-aayos. “Cali? Bumangon ka na riyan.” Napahinga ako nang maluwag nang matantong si Mommy iyon. God. Akala ko kung sino. “Opo, babangon na,” sagot ko saka uminat. Itutupi ko na rin sana ang pinaghigaan ko nang sundan niya ang mga sinabi sa akin. “Bilisan mo riyan at may bisita kang naghihintay sa sala.” “H-huh? Sino po?” “Sino pa ba? Eh `di si Helen!” Hindi ko na tinuloy ang pag-aayos dahil bestfriend ko lang naman pala. Hinayaan kong buhaghag ang itim at mahaba kong buhok saka nagdesisyong lumabas. Sumalubong kaagad si Mommy na ngayo’y tahimik na nagwawalis sa bulwagan. Sinamaan niya ako ng tingin dahil ayaw na ayaw talaga niyang nagigising ako nang tanghali. Wala akong sinambit. Ngumiwi lang ako at humakbang hanggang sa makababa gamit ang hagdan. Nakita ko agad si Helen na ngayo’y pormado sa suot nitong jumper retro outfit. Ito `yong madalas niyang suotin kapag may lakad siya nang ako ang kasama. Napairap ako sa kawalan. “Oh! Look at you! Bakit hindi ka pa nagbibihis?” bulanghit niya habang hawak-hawak ang cup ng caramel coffee. Hinawi niya ang bangs niya na kulang na lang ay gayahin si Dora sa short hairstyle. “Saan mo na naman ba kasi ako dadalhin?” tanong ko saka umupo sa couch na katapat niya. Pumulot ako ng pandesal sa lamesita at nginuya iyon nang walang kaarte-arte. “Saan pa ba? Eh `di para samahan ako sa ka-meet-up ko!” Pumarte ang labi ko dahil sa gulat. “Oh my God! Tinuloy mo?” Humagikhik siya. “Siyempre, ang gwapo kasi ng typings. Malay natin hot pala sa personal, `di ba?” Hindi ako makapaniwala roon. Akala ko ay biro-biro lang iyong stranger na nakausap niya sa isang dating app na kalauna’y lumipat ng convo sa ibang application. Una ko nang isinaad sa kaniya na walang seryoso sa ganoong website dahil bored lang ang tumutungo doon. Kung papalya na naman siya sa ka-meet-up niya ngayon, hindi lang ito ang magiging una! Eh paano, hindi lang naman siya abala sa online dating mula noong naghiwalay sila ng ex niya. Nagsawa na raw siya sa ibang dating app kaya sa iba naman lumipat. Minsan nga naisip ko na masyado na siyang desperada para makahanap ng pamalit. Ang OA niya rin para sabihing hindi siya magiging masaya kapag walang lalaki! Like, what the heck? “Tigil-tigilan mo nga ako, Helen. May midterms pa tayo sa lunes—” “So? Sabado ngayon at may karapatan naman tayong magsaya ano?” Hindi ako sumang-ayon roon. “Magsasaya lang tayo `pag naka-graduate na tayo.” “Goodness. Ang boring naman kasi kung puro aral lang. Bakit hindi mo na lang ako kasi samahan? Saglit lang `to. Gala tayo after.” “Helen naman…” “Please?” Namungay ang kaniyang mga mata bilang pagmamakaawa. Kaagad naman niyang nilapag ang tasa ng kape at parang timang na nagpa-cute sa akin. Leche. Paano ko ba matatanggihan ang bruhang ito? Napasigaw siya sa tuwa nang abisuhan kong gagayak na ako. Umakyat na ulit ako ng kwarto upang ihanda sa closet ang mga isusuot ko. Sakto na siguro itong denim pants at crop top. Hindi naman ako `yong may date. Dala ang towel bago pumasok ng bathroom, pinuntahan ko muna ang phone ko sa kama. May notification iyon ng text message galing sa boyfriend ko kaya para akong binawian ng kaluluwa! Nagmamadali kong ini-unlock ang cellphone. Pinindot ko agad ang messages upang mabasa iyon nang buo. Mahal: May lakad pa pala ako mamaya kaya agahan na natin. Nine sa parking area ng SM Baliwag, puwede ka? Napalunok-lunok ako roon. Ang orihinal na pagkikita namin ay nasa alas kwatro ng hapon. Masyado naman yata ang adjustment kung gagawin niyang nine ng umaga? Nagtipa ako ng mensahe. Ako: Saan ang lakad mo mamaya? Wala pang isang minuto ay nag-reply na agad siya. Unusual iyon dahil inaabot pa minsan ng kalahating oras bago siya sumagot sa mga messages ko. Mahal: Basta. Para akong sinaksak nang milyon-milyon kahit isang salita lang iyon. Ganito na siya noong nakaraang taon. Dapat sanay na ako. Dapat manhid na ako pero bakit ang sariwa pa rin? Bakit parang unang beses kong makatanggap ng ganito sa kaniya? Ilang gabi akong naghintay sa pagpaparamdam niya. Matiyaga kong tinapos nang mabilis ang mga school works ko, basta’t magka-oras lang sa kaniya. Maraming pagkakataon na rin ang ibinigay ko para makabawi siya ngunit sa bawat pagkakataong iyon, natatapos lang ang araw nang palihim akong umiiyak. Nagtataka na nga rin ang mga kamag-anak ko kung bakit hindi na kami nagpo-post ng pictures sa social media. Napapatanong na minsan ang mga blockmates ko kung kami pa raw ba. Nagsisinungaling na lang ako para hindi na maging laman ng usapan dahil kilalang kilala ang relasyon namin sa campus. Besides, graduated na siya at may trabaho na. Talagang may palusot ako kapag may magtatanong pa ulit sa akin tungkol sa amin. Bumalik ako sa ulirat nang mag-vibrate ulit ang hawak kong cellphone. Isang mensahe na naman pala ang pumasok dahil sa hindi ko pagtugon sa kaniyang tanong. Mahal: Ano? Puwede ka ng nine? Kung hindi, baka next month na tayo magkita. Next month… Seryoso ka, Miguel? Next month? Sarkastiko akong tumawa kahit ang sakit-sakit na sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sa’kin `to. At lalong hindi ko maunawaan ang sarili ko kung bakit sa kabila ng lahat ng ito ay pinipili ko pa ring manatili. Mahal pa ba talaga niya ako o hinihintay na lang niya akong bumitaw? Maluha-luha akong pumindot sa screen bilang reply sa sinabi niya. Bahala na, kailangan ko na lang siguro ihanda ang sarili ko sa mga sasabihin niya mamaya. Ako: Sige, magkita tayo, mamaya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook