Chapter 02

1195 Words
Suot ang inihanda kong outfit, bago lumabas ng kwarto ay may nahagip ang mga mata ko. Mga lantang rosas iyon na naka-display pa rin sa bedside table ko— mga bulaklak na binigay sa’kin ni Miguel noong Pebrero.   Agosto na ngayon. Sa dami ng buwang lumipas, iyon na ang kahuli-hulihang binigay niya sa’kin. Walang love letter, walang chocolates, walang ticket upang gumala ulit kami sa paborito naming lugar… wala na.   Mapait akong umiwas ng tingin saka nagdesisyong lumabas dala ang lilac shoulder bag. Isinabit ko ito sa kanan kong balikat habang abala ang isa sa pagsusuklay gamit ang mga daliri. Naihanda ko naman na ang sarili ko. Masasabi kong presentable na ako sa lagay na ito.   Tumayo si Helen nang makita akong pababa ng hadgan. Sinalubong niya ako sa dulo kung saan naroon din si Mommy, nag-aabang. Magka-vibes silang dalawa dahil childhood friends ang mga angkan namin. Sa sobra ngang tiwala niya kay Helen, hindi na namin kailangan pang magpaalam kapag may lakad kami. Sapat nang malaman na siya ang kasama ko o `di kaya’y ang boyfriend ko, si Miguel.   “Kayo-kayo lang ba? Hindi kasama si—”   Hindi ko na pinatapos si Mommy dahil batid ko naman kung sino ang babanggitin niya. Nakita kong napangiwi si Helen sa tinuran ko.   “Nasa work pa po si Miguel, Mom. Alam naman po nating na-promote kaya busy na, `di ba?”   Hinigit ko ang braso ni Helen. Inangkla ko roon ang akin upang ipakita na handa na kami sa lakad.   Mom nodded as if she understood what I said. But deep inside, I knew it. Kahit sila ni Daddy, dama kong naghihinala na.   “Okay. Balitaan niyo na lang ako kung magpapasundo kayo. Mag-ingat.”   Helen and I both smiled. Tumalikod na kami at nagsimulang maglakad palabas, tila nagmamadali bago pa magbago ang isip ni Mommy.   “What was that, Cali? May problema na naman ba kayo ni Migs?” turan ng kaibigan ko sa naiintrigang boses. I rolled my eyes as we stepped along the pathway.   “W-wala—”   “Lagi namang wala ang sagot mo. Don’t you tell me, hindi na naman siya nagpaparamdam?”   Hindi ako sumagot. Ilang hakbang na lang bago kami lumabas ng gate ngunit huminto pa talaga siya.   Shit. I hate talking about this!   “May hindi ka sinasabi, Calliope.”   “I have nothing to tell you—”   “Kung wala, hindi ka sana magkakaganyan. Hindi ka naman defensive kung okay kayo, `di ba? Ano? Wala na naman siyang paramdam? Sagot.”   Kinagat ko ang ibaba kong labi. Sa puntong ito ay hinagilap ko ang strap ng bag ko at mahigpit na humawak doon.   If I kept telling about this, maiiyak lang ako.   Kung iiyak ako, baka mugto ang mga mata kong haharap kay Miguel mamayang alas nuwebe.   “Wala,” I said, holding my emotions. “Promise, walang dapat alalahanin. Busy lang kami pero may updates and connections pa rin naman,” pagsisinungaling ko pa.   Kumunot ang noo niya bilang tugon. Sa huli, wala rin siyang nagawa kundi maniwala sa mga sinabi ko.   We commuted. Nag-special trip kami sa tricycle papunta ng Poblacion kung saan daw magkikita ang dalawa. Ewan ko ba kung bakit kailangan pa akong isama rito gayong silang dalawa lang naman ang may sadya sa isa’t isa. But somehow, naisip ko ring magandang move ito para ma-assure kung hindi sindikato o masamang tao ang ka-meet-up niya. Madali pa namang ma-uto itong si Helen.   Habang nasa biyahe kami, panay ang kwento niya tungkol sa lalaking tinutukoy niya. Nakinig naman ako para mawala saglit sa isip ko si Miguel.   “Twenty four, five feet ten, may lahing European pero pusong pinoy. Ang gwapo ng descriptions niya `di ba? Daig pa ang Miguel mo.”   Napamura ako sa aking isip. Kaya nga ako nakinig ay para maibaling sa iba ang pansin.   Umirap ako sa inis. Sa sobrang bigat ng kinikimkim ko, nasa punto na ako ng pagiging tamad sa maraming bagay. Tamad na akong magsalita. Tamad na akong mabuhay.   “Taga saan `yan?” usisa ko nang pilit.   “Taga-Gapan daw. Malapit lang naman.”   “So hindi pa rin taga-San Miguel. Malayo.”   Tumawa siya. “Okay lang. At least consistent sa chats namin.”   Patuya rin akong tumawa upang asarin siya. “Sa una lang `yan.”   “Gaya ng Miguel mo? Fight me.”   “Tss. Puwede ba, magkikita na kami mamaya kaya huwag mo akong asarin.”   “Oh!” gulat na gulat niyang sigaw. Saka ko lang natanto kung ano ang nasabi ko kaya napabulanghit ako. Kaya ayaw kong sabihin sa kaniya eh. Ang OA-OA ng reaction, akala mong isang taon nang `di nakikita ang nobyo ko gayong mag-iisang buwan lang naman siyang hindi nagpapakita sa San Miguel.   “Sabi ko na e,” bulong ko sabay baling sa labas, partikular na sa mga establishments na dinaraanan ng tricycle.   “Anong oras kayo magkikita at saan?”   I leered. “Mamaya pang nine, sa SM Baliwag.”   “Nine? SM Baliwag? Sure ka? Ten o’clock ang opening time no’n ah?”   “Sa parking lot lang naman.”   Sarkastiko siyang tumawa. “Gosh. Nararamdaman kong sandali na naman ang oras niya sa’yo. Gaya ng dati.”   Dati…   Gusto ko na lang matawa gaya ng tawa niya. Noon kasing nagkita kami ni Miguel sa parking lot ng SM, akala ko ay doon niya lang ako susunduin para gumala at mag-date. Natatandaan ko pa ang excitement ko noon dahil iyon ang pagkikita namin sa loob ng halos tatlong linggo niyang `di pagpaparamdam. Akala ko ay babawi siya. Akala ko mahaba na ulit ang oras naming dalawa. Sinong mag-iisip na pinapunta lang pala niya ako roon para abutan ng regalo?   Take note, twentieth birthday ko pa `yon.   Pero sa kabila ng lahat, mas pinili kong unawain kung bakit kailangan niya magmadali. Sino ba naman kasi ako para sumagabal sa trabaho niya?   Matagal na niyang pinaghirapan ang promotion bilang office manager kaya sino ako para humadlang?   I only asked for an intimate conversation— even bare minimum. But why did I end up questioning my worth?   Ako pa rin ba ang Calliope Ignacio na minahal niya at pinangakuan ng walang hanggan? Nasaan na ang Miguel Sandovar na aking kilala?   Huminto ang sasakyan sa gilid ng gasoline station, ilang hakbang pa patungo sa milktea shop kung saan magaganap ang date at meet-up ng dalawa. Pumasok na kami at naghintay sa pagdating ng lalaki dahil on the way pa raw ito galing ng Nueva Ecija.   While Helen is busy typing on her phone, kinuha ko naman sa shoulder bag ang akin. Bubuksan ko na sana ang data connection ko ngunit bumulaga ang missed calls ni Mommy. Higit sampu iyon ngunit `di ko nasagot dahil naka-silent!   Walang follow-up text si Mommy kaya sa umahong kuryosidad, ako na mismo ang napatawag. Wala pang tatlong ring ay nasagot na niya kaagad.   “Diyos ko! Calliope!” sigaw niya sa kabilang linya, humahangos at malala ang pag-aalala. “Nabalitaan mo na ba?”   Naningkit ang mga mata ko. “Ang a-alin, Mom?”   “Si Miguel!” tugon niya na ikinabasag ng puso ko. “Na-aksidente ang boyfriend mo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD