bc

Bring Her Back, Mayumo

book_age18+
33
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
neighbor
tragedy
bxg
heavy
serious
small town
wild
sacrifice
Neglected
like
intro-logo
Blurb

SAN MIGUEL SERIES 2

Lubid. Blade. Kutsilyo. December 31. Taong 2018.

Ito ang mga tumatak kay Jarek Evalde nang madiskbre niya kung ano ang laman ng binili niyang cellphone; ang cellphone na nakaw lang pala mula sa nagbenta sa kaniya. September 29 ang kasalukuyang petsa at may tatlong buwan pa siya upang maibalik ito. Kung totoo ang hinala niyang magpapakamatay sa papalapit na Disyembre ang may-ari, mapipigilan kaya niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Mabibingi na yata ako sa malulutong na palitan ng mura. Sa kaliwa ko ay may trese anyos na kulang na lang ay hugutin ang kable ng keyboard at ihagis sa kalaro. Sa kanan ko ay may sintunadong kumakanta ng kundiman. Hindi ko man balingan gaya ng paglingon na ginawa ko sa aking kaliwa, sa boses pa lang ay mahahalatang may katandaan na ang edad. “King ina! Anong klaseng kakampi ka ba, ha?” Tumayo na ang trese anyos at nilapitan ang kasamang akbay-abay niya pa kanina noong pumasok dito. Hindi ko muna ibinalik sa monitor ang tingin dahil tuluyan na nilang naagaw ang pansin ko. Umawang ang labi ko nang iharap niya ito sa kaniya at hilahin paitaas ang kwelyo. Nabali sa pagtataka ang kilay ko. “A-anong ako? H-hoy! Baka nakakalimutan mong libre ko ang b-bayad dito?” Kabado ang ekspresyon ng batang ini-angat niya. “Anong libre-libre? Ulyanin ka na yata eh! May utang ka pa sa’king kinse kaya bayad ko na `yang sinasabi mo!” Akma na sana nitong bibigwasan ng suntok ang kaharap ngunit hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Lumapit na ako upang awatin sila. Hinila ko sa likod ng sando ang sigang nagsimula ng away saka pumagitna. Maiyak-iyak namang nagtago sa aking likod ang batang inangatan ng kwelyo. “Ang tatanda na ninyo para pag-awayan `to. Bakit `di mo na lang tanggapin na natalo kayo?” turan ko sa malaking boses. Higit akong matanda at halos bewang ko lang ang tangkad nila kaya kailangan pa nila akong tingalain upang tingnan nang mata sa mata. Hindi makasagot ang siga. Sa halip ay minura lang ako nang pabulong at kumawala sa hawak ko. Tumakbo ito palabas na para bang wala ng balak na bumalik pa. Nang pasadahan ko ang buong paligid ng tumahimik na computer shop, namataan kong sa amin na pala nakatutok ang mata ng lahat. Ang tatlong dalagita na nakapuwesto sa dulong numero ay napangiti samantalang ang mga lalaki ay napakamot sa batok. Siguro nabitin sa suntukan na kaagad kong naagapan. “Kill joy naman kasi, ano bang aasahan mo diyan kay Jarek?” dinig kong bulong sa gawing likuran. Sampu lang naman kami rito at hindi magkakalayo kaya kahit pinakamahihinang dighay, maririnig ko. “Hayaan mo na. Baka bukas, hindi na `yan babalik dito.” “Anong hindi? Araw-araw nga `yang pumupunta rito. Kung hindi makiki-epal sa magbibirahan, magsusumbong naman sa magulang ng mga maghapon dito. Buwisit.” Hindi ko na napakinggan ang sumunod nilang usapan dahil kaniya-kaniya na rin namang bumalik sa monitor ang mga nanonood. Marahan akong tumalikod upang harapin ang batang nanginginig pa sa takot. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya noong kasing-edad ko pa lang siya kaya naiintindihan ko kung bakit ganito ang reaksyon niya. Unti-unti siyang ngumiti nang magtama ang aming mga mata. “S-salamat Kuya Jarek. Gunggong kasi `yon at pikon. Kung `di dahil sa’yo, baka may pasa na naman ako mamaya.” Umiling-iling ako bilang turan doon. “Umuwi ka na.” “Sige po. Thank you po ulit.” Hindi ko na siya pinaglaanan ng segundo. Pagka-alis na pagka-alis niya, bumalik na ulit ako sa designated computer ko. Sa sobrang bagal ng internet, mukhang inabot ng higit limang minuto bago ma-redirect sa e-mail ko ang webpage. Bumuntonghininga ako nang makitang wala pang balita mula sa kompanyang pinasahan ko ng resumé. Isang linggo na yata mahigit mula nang magpasa ako. Dalawang buwan na akong tambay sa amin dahil wala rin akong trabaho. Sa loob ng mga araw na iyon, hindi na ako umasang matatanggap sa mga pinag-aaply-an ko. Sino ba naman kasing tatanggap sa isang fresh graduate na bukod sa walang experience ay wala ring maipagmamalaki sa resumé? Kung alam ko lang na malaking bagay pala ang pagsali sa mga school organizations at pag-attend sa mga seminars, sana sinikap kong hatiin ang atensyon ko. Akala ko kasi, mas mapapadali ang lahat kapag magtatapos ako nang c*m laude. Iyon pala, sa dinami-rami ng mga may latin honors na nag-aaply din sa mga nais kong pasukan, para bang tinadhana lang sa basurahan ang mga pinaghirapan ko. Dalawang buwan na. Ako na lang yata sa batch namin ang hindi natatanggap sa trabaho. Hinayupak na buhay `yan. May natitira pang kalahating oras para sa timer ko ngunit hindi ko na ginamit pa. Nag-log-out na ako at nag-abot na ng bayad sa matandang tagabantay. Nagtaka siya kung bakit aalis na ako gayong may natitira pa namang minuto para gamitin ko. Dinahilan ko namang may lakad pa ako kaya napatango-tango na lang ito. Pagkalabas ko ng computer shop, sumalubong ang mausok at maingay na kalsada ng Tondo. Maling desisyon na nagputing t-shirt ako dahil paniguradong maninilaw ito mamaya pagkauwi ko. Pagagalitan na naman ako ni Mama. Nagsimula na akong humakbang patungo sa direksyon ng sakayan kung saan maghahatid sa kantong tinitir’han ko. Ngunit wala pa mang ilang segundo, may tumawag na kaagad sa pangalan ko mula sa aking likod, dahilan kung bakit lumingon ako. Natigilan ako nang makita ang isa sa mga tatlong dalagita na napangiti sa ginawa ko kanina. Pinasadahan ko siya ng tingin at halatang bata pa sa suot na floral spaghetti top at high-waisted bottom. “Kuya Jarek, right?” aniya sa matinis na boses. Sa halip na tumango ako, kunot-noo akong nagtaka sa tuluyan niyang pagsarado sa natitirang distansya ng aming pagitan. She also looks so young in her ponytail. Ano bang sadya niya? Inilahad niya ang kamay niya. Sintangkad niya lang ang mga batang inawat ko kanina kaya mamimilipit siya kakatingala. “Aphrodite nga pala,” dagdag niya. “Pangalan mo?” tipid kong tanong. Sumang-ayon siya. “Yes. Mahilig kasi sa Greek myth si Mommy kaya iyon ang pinangalan niya sa’ming magkakapatid.” “Okay, nice meeting you then, Aphrodite.” Tumalikod na ako upang magpatuloy sa paglalakad. Ngunit napahinto na naman dahil sa mabilis niyang pagharang sa aking dinaraanan. “W-wait Jarek!” Nagtaka ako roon. Bakit nawala bigla ang salitang ‘kuya’ bago ang pangalan ko? Pinilig ko ang aking leeg habang nasa harap ko siya. Kapwa niya inangat ang mga kamay niya upang ayusin ang pagkakasabit ng straps ng top sa balikat niya. “A-ano k-kasi…” “Ano?” “Uh, p-pumapatol ka ba sa mas b-bata?” Namilog ang labi ko roon. Muntik na akong matawa dahil kung tutuusin, may hawig siya sa kapatid kong babae! Bakit niya tinatanong `to? “S-sorry kung abala `to, Jarek. C-crush na kasi kita—” “Alam mo? Pasensya na pero ang bata mo pa para lumapit sa akin at sabihin `yan.” “Hindi na ako bata. Malapit na ako mag-eighteen.” “Sabihin na nating hindi ka na bata. Pero `di mo pa season sa ganitong bagay. Mag-aral ka muna.” “Kaya ko naman pagsabayin—” Umiling-iling ako. “Hindi ako pumapatol sa katulad mo, maliwanag? At hindi ako pedo para patulan ka. May kapatid din akong gaya mo kaya alam ko ang magiging reaksyon ng kuya mo o magulang mo kapag nalaman nila `to.” “Mabait naman po sila,” pagmamakaawa niya. Kulang na lang ay maglumpasay na siya sa bangketa. “Mabait man o hindi, kailangan mong intindihin ang sinasabi ko. Bawal `to at hindi puwede kaya huwag ako, okay? Tigilan mo ako.” Hinawi ko siya sa aking dinaraanan. Tiim-bagang akong dumiretso sa toda upang magpahatid na sa amin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
94.7K
bc

His Obsession

read
73.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook