Kyle's POV
Simula nung umalis si Ate Samantha eh hindi na tumigil sa pag-iyak 'tong si Tita Andrea. Sinisisi nya ang sarili nya kung bakit umalis ang anak nya. Lahat kaming magkakakapitbahay ay nakaabang dito sa gate at hinihintay ang pagdating ng mga kasama naming umalis. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit iniwan ko ang susi ng motor ni Kuya Justine sa lamesa at kung bakit hindi ko nilinis ang b***l nya kagabi kagaya ng inutos nya. Kung nagawa ko lang sana 'yong inuutos nya wala ring madadalang b***l si Ate Samantha at paniguradong hindi sya makakaalis.
Kanina pa nakauwi sila Tom pero hindi nila kasama ang bunsong kapatid kong si Alfie. Lalo tuloy nadagdagaan ang pagaalala namin. Ang sabi nila Tom ay nagpaiwan daw si Alfie sa Pines Mall dahil may aasikasuhin lang daw na importanteng bagay. Iba ang pakiramdam ko sa nangyayari. Sana naman hindi sila napahamak. Patindi na ng patindi ang kabang nararamdaman ko sa bawat minutong dumadaan.
"May dumadating!" Warning sa amin nung isa sa mga nakaassign sa watch tower. Kada tatlong nagpapalitan kaming mga kalalakihan sa pagbabantay sa mga watch tower.
Lumapit kami sa gate para tingnan kung sino ang dumating. Isang red na sports car ang huminto sa harap ng gate kaya alam kong si Alfie ang dumating. Nung makababa na sya ng sasakyan ay lumapit agad ako sa gate para salubungin sya.
"Anong nangyari? Bakit ka nagpaiwan?" Salubong ko sa kanya.
"Doon tayo tol." Itunuro nya sila Tita Andrea kaya sinabayan ko na sya sa paglalakad.
"Tita... Kailangan nyo pong kumalma. Makakauwi po ng ligtas si Ate Samantha." Nakangiting bungad nya kay Tita.
"Nasaan ba si Ate? Si Kuya Justine? Nasaan din sya?" Si Nicole na ang nagtanong.
"Sila nalang ang magkukwento kung anong nangyari Ate Nicole. May kailangan lang akong gawin." Pagpapaalam ni Alfie.
"Kuya, ikaw na munang bahala sa kanila ah. May aayusin lang ako." Ako ang kausap niya pero nasa ibang direksyon ang mga mata nya. Pfft! Si Lea pala ang tinitingnan.
"Sige tol. Ayusin mo na 'yan." Sabi ko sa kanya.
----
Alfie's POV
Habang nasa byahe ako pauwi kanina may narealize akong isang bagay. Hindi ko kailangang matakot na aminin 'yong feelings ko. Hindi ko sya kailangang itulak palayo. Kaya pagkakita ko sa kanya nagpaalam na agad ako kila Kuya Kyle para makausap ko sya. Buo na ang desisyon ko. Aamin na ko. Hindi ko na papatagalin pa 'to.
Nakaupo sya sa isa mga tambayang ginawa namin dito sa labas. Mukhang malalim ang iniisip nya kaya hindi nya napapansing papalapit na ko sa kanya. Sana naman hindi sya ganoong kagalit sakin. Parang bigla tuloy akong natakot nung maalala ko 'yong huling beses na nagkausap kami. Ang sasakit ng mga nasabi ko sa kanya. Sana mapatawad nya ko.
"Lea..." Alanganing tawag ko sa kanya habang kumakot sa batok ko.
Napatingin sya sakin at halatang nagtataka sya kung bakit nakatayo ako sa harap nya ngayon.
"Ah... ehhh... Le-lea, gusto sana kitang makausap." Woooh! Takte! Di ko naman alam na ganito pala kahirap 'to!
"Bakit mo ako kakausapin? Hindi ba ayaw mo ng may asong susunod-sunod sayo?" Mangiyak-ngiyak na sabi nya saka tumayo at naglakad palayo.
"Hindi ko naman sinasadyang sabihin 'yon eh. Hindi ko lang kasi alam kung paano haharapin 'tong nararamdaman ko." Pagtingin ko sa kanya nakahinto na sya sa paglalakad pero nakatalikod pa rin sya sakin kaya tinutuloy tuloy ko na kesa naman dagain ako ulit. "Ngayon ko lang kasi naramdaman 'yong ganito Lea. Kaya naguluhan ako nung una. Hindi ko alam kung bakit naiilang ako kapag nandyan ka. Pero hinahanap naman kita kapag wala ka. Naiinis ako kapag nangungulit ka pero namimiss naman kita kapag hindi ka nangungulit." Yumuko na ko kasi nakatalikod pa rin sya. Nawawalan na ko ng pag-asa. "Akala ko nung una nababaliw lang ako eh. Pasensya ka na sa mga nasabi ko. Alam ko namang naging g*go ako sa'yo eh. Kung hindi mo ko mapapatawad, ayos lang 'yon. Maiintindihan naman kita kasi kasalanan ko din naman pero gusto ko lang sanang malaman mo na—"
"Gusto mong malaman ko na ano? Napapaatras ako bigla nung makita kong nakatayo na pala sya sa harap ko.
"Anak ng tinola! Bakit ka ba nanggugulat?" Hawak ko pa ang dibdib ko nung sinabi ko 'yon.
"Hindi kita ginugulat. Kanina pa ko nakatayo dito. Ikaw ang tulala dyan." Nakataas ang kilay niyang sagot.
"So ano nga 'yong gusto mong malaman ko?" Nakataas pa rin ang kilay nya and this nakapamewang pa sya.
"Gusto kong malaman mo na ano, na... gusto kita." Putcha! Nasabi ko rin! Tangines!
Pero lahat ng kahihiyan na tiniis ko worth it lahat. Kasi ang ganda na ng ngiti nya sakin.
----
Narrator's POV
Pagdating nila Justine at Samantha sa subdivision ay pareho silang tahimik. Hawak hawak ni Justine ang kamay ni Samantha at papunta sila sa bahay nila Justine. Hindi pa rin nawawala sa isip ng dalaga kung bakit ang daming peklat ni Justine sa kanyang likuran. May mga peklat galing sa gunshot wound at meron ding mga stab wounds. Nakita nya ang pang-itaas na katawan ni Justine ng gamutin nya ang tama nito bago sila umalis ng hospital. Nang mapadaan sila sa harap nila Kyle ay nakayuko lang si Samantha. Daig pa nito ang batang pinagalitan ng magulang. Nakasunod lang ng tingin ang mga tao sa kanilang dalawa. Pagpasok nila sa kwarto ni Justine ay inilibot agad ni Samantha ang tingin nya sa buong kwarto.
There were medals, plaque and certificates of recognition. Sa isang bahagi ng kwarto nakadisplay ang isang complete service uniform. Katabi rin nitong nakadisplay ang isang full battle gear.
"Militar ka?" Tanong ni Samantha.
"Gusto mong malaman ang totoong pagkatao ko di ba? Member ako ng Special Elite Force. Kaming dalawa ni Brandon. We were highly trained soldiers meant for high difficulty and high risk missions. I was an SEF for 6 years at si Brandon naman 4 years. Magkasama kami ni Brandon sa isang mission sa Olonggapo para hulihin ang criminal tandem na Manuel Brothers. Nakakuha kasi ang team namin ng tip na doon sila nagtatago. Una palang ramdam ko ng may mali sa mission na 'yon pero binalewala ko lang ang pakiramdam ko. Everybody in our team died in that mission. We were set up. Kami lang ni Brandon ang nabuhay dahil at the last minute i finally decided na sumuway sa order ng c.o namin. Ever since that day nawalan na kami ni Brandon ng gana sa serbisyo. Those were our friends!" Nakakuyom ang mga kamao ni Justine. Halata ang matinding galit sa mga mata nito.
"Manuel Brothers? Parang narinig ko na 'yong pangalan na 'yon during one of our investigation practices..." Pilit na inaalala ni Samantha ang lahat ng napag-aralan nya tungkol sa Manuel Brothers.
"They are the No. 1 and 2 on PNP's most wanted list. Patong patong ang kaso na kakaharapin nila kung sakaling mahuli sila. Three years na silang tinutugis ng batas pero sadyang madulas ang magkapatid na 'yon." Nakatingin si Justine sa full battle gear nya na nakadisplay sa kanyang kwarto.
"Naalala ko na, they are Jordan And Jack Manuel. Mga notorious criminals known for extortion, r**e, murder and drugs. Justine, ang sabi nung lalake ang pangalan ng mga amo nila ay..." Samantha realized something.
"They have your father at ang mga kasama nya sa hospital. Ang hula ko sila rin ang may kagagawan ng pagkamatay nung mga sundalo at pulis na nagbabantay sa mga nagtake over dito sa subdivision at doon sa mga patay na nakakalat sa mga kalsada. They're gearing for something na related doon sa sinabi sa'tin nung lalake." Justine stood up and opened a closet. Nagulat pa si Samantha nung makita nya ang laman ng closet. She was speechless nung humarap si Justine sa kanya.
"They have your father and it means he's in danger. We're going to save him." At nagkasa si Justine ng isang Ruger SR1911.