Chapter 19

1118 Words
Samantha's POV May limang minuto na yata akong nakasiksik dito sa ilalim ng lamesa at halos hindi na huminga para lang masigurado kong hindi nila ako mararamdaman. Nasaan na ba kasi si Justine? Bakit ang tagal nyang dumating? Pagkatapos nya kong halikan— hinalikan nya ko? Oh my God! Hinalikan nya ko! Ang walang hiyang 'yon?! Pero bakit parang... ano ba 'tong nararamdaman ko? Nababaliw na ba ko? "May malakas na explosion na nangyari sa Pines Mall. Nasaan na ba kayo?" Pines Mall? Nandun sa sila Alfie ah?! Diyos ko! "Nandito pa kami sa Santillian Medical Center." Oo at kanina pa dapat kayo umalis! Nasaan na ba kasi si Justine? "Pinapatawag na kayo nila Amo dito sa hacienda." Hayyy! Salamat naman... Pagkatapos ng pakikipagusap nung mga lalake sa kung sino man sa radio nila ay umalis na rin sila agad. Hinintay ko pa munang marinig ko ang pagsara ng pinto bago ako lumabas sa pinagtataguan ko. ---- Justine's POV Sana naman ayos lang si Sam. Wala sanang nangyaring masama sa kanya. 'Yan ang paulit-ulit kong dasal habang nagmamaneho papunta sa hospital. Sh*t! May tama ako? Bakit ngayon ko lang naramdaman? Malamang dahil sa adrenaline rush. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nasa may bandang ibaba ng ribs sa may bandang tagiliran ko ang tama ko. Okay pa ko. Malayo sa ikakamatay 'to. Pagdating ko sa parking lot ng hospital ay pinakiramdam ko agad ang paligid. Walang tao dito sa labas. Nagmadali nakong bumaba sa motor at pumasok sa loob ng hospital. Ang creepy na ng itsura ng loob nitong hospital. Bukas lahat ng ilaw, may mga naiwang gamit pero wala kang maririnig na kahit ano. Mahahalata mo 'yong vibe na naiwan ng biglaan 'tong hospital. Hinanap ko agad si Sam sa mga kwarto dito sa ground floor pero nalibot ko na halos lahat ng rooms eh hindi ko pa rin sya makita. Anak ng talangka! Nasaan na 'yon?! Iisang building palang naman itong nalilibot ko kaya hindi dapat ako mawalan ng pag-asa. Paliko na sa sana ako dun sa hallway na may maliit na signage sa itaas na "To The Pharmacy" nung may marinig akong nag-uusap. "Pare? Sa tingin mo ba tama pa itong ginagawa natin? Nandadamay na tayo ng mga inosenteng tao." "Pare, ke tama man o hindi ay wala na tayong magagawa. Hindi na tayo pwdeng kumalas sa grupo." "Alam mo? Tama itong kumpare mo eh. Hindi na tama 'yong ginagawa nyo." Binaril ko yong lalakeng nagsabi na hindi na sila pwdeng kumalas sa grupo nila at itinira ko 'tong isa. Mukhang mas madali ko 'tong makukuhanan ng impormasyon. ---- Samantha's POV Hayy!! Salamat naman at umalis na sila. Akala ko dito pa nila balak matulog. Pagkaalis ko sa pinagtataguan ko eh nag-unat unat pa ko ng katawan dahil talaga namang nangawit ako ng sobra. Bago ako lumabas ay kinuha ko na lahat ng dapat kung kunin. Paglabas ko ng pharmacy nakita kong nakatayo 'yong dalawang lalakeng pumasok kanina sa loob. Papasok sana ulit ako sa pharmacy dahil baka makita nila ako pero nagulat ako nung bumagsak ang isa sa kanila. Parang lumundag naman ang puso ko nung makita ko kung sino ang bumaril dun sa isang lalake kaya nawala na ang takot ko. Kitang kita ko 'yong takot sa mukha nung lalakeng tinututukan ni Justine ng b***l sa ulo. Nakataas na ang mga kamay nito pagkatapos ihagis ang b***l nya sa malayo. Bakit kaya hindi pa sya binabaril ni Justine? "Lakad!" Utos ni Justine sa kanya. "Makikipagtulungan ako. Itanong nyo sakin lahat ng gusto nyong itanong at sasagutin ko kayo ng totoo." Sincere naman na sagot nung mama. "Justine ibaba mo na 'yang b***l mo." Malumanay na utos ko sa kanya. Tumingin muna sya sakin mula ulo hanggang paa siguro para icheck kung ayos lang ako at nung masigurado nyang okay ako ay sinunod naman nya ko pero hindi pa rin nya inaalis ang masamang tingin nyo dito sa lalake na ngayon ay kaharap ko na. Dinukot ko ang wallet ko at ipinakita sa kanya. Sandali nyang tinitigan ang picture ni Papa bago sya tumingin sakin. "Siya si Dr. Simon Angeles na nagtatrabaho dito sa hospital na 'to. Siya ang Papa ko at hinahanap ko sya." Mahinahong paliwanag ko. Mukha naman kasi syang mabait. "Nakita ko na sya. Doon sa hacienda kung saan kami nagkukuta. Kinuha sila dito ng mga kasama ko. May kwarenta yata silang magkakasama." Diretsong sagot nya. "Saang hacienda? Bakit nyo sila kinuha? Sinong nagpakuha sa kanila?" Tarantang sagot ko. "Nasa Hacienda Amor sila ngayon kasama na rin nung iba pa naming mga bihag. Ginawa silang tagapagsilbi ng mga amo namin. Pero may malaki pa silang plano kaya sila nag-iipon ng maraming bihag." Nakatingin ako sa mga mata nya at alam kong nagsasabi sya ng totoo. " Anong plano? At sinong mga amo ba ang sinasabi mo?" Parang bigla na naman akong kinabahan. "Sila Jack at Jordan Manuel. Plano nilang angkinin ang buong Pilipinas at gawing bansang malaya at walang sinusunod na batas. Para magawa nila ng legal ang mga masasamang gawain nila." ---- Justine's POV "Sila Jack at Jordan Manuel. Plano nilang angkinin ang buong Pilipinas at gawing bansang malaya at walang sinusunod na batas. Para magawa nila ng legal ang mga masasamang gawain nila." P*t*ngna talagang Manuel Brothers na yan! Hindi ko napansin na nakatingin na sakin si Samantha dahil naikuyom ko na pala ang mga kamao ko nung marinig ko ang pangalan ng mga hinayupak na 'yon. "Justine, okay ka lang ba?" Nakakunot ang nuong tanong niya sakin. -Flashback- "All units to the left wing! I repeat, all units to the left wing!" Nagkatinginan kami ni Brandon dahil sa narinig namin sa earpiece. "Alpha 1 this is Charlie 1" Hindi tama 'yong pinapapuntahan nilang lugar samin. "Charlie 1 this is Alpha 1, come in." "Alpha 1 this is Charlie 1 clarifying instructions. Head to the left wing?" Paglilinaw ko. "Oo Sarmiento. Sumunod ka nalang!" Buwisit kong tinanggal ang earpiece na suot ko pati na rin ang suot ni Brandon. This is bullshit! "Bakit tol? Anong problema?" "May mali dito tol. Doon tayo sa right wing dumaan." Sumunod naman sakin si Brandon. Kanina pa kami may mga naririnig na putukan. Pagdating namin sa dulo ng right wing patay na lahat ng mga kasama namin. -End of flashback- "Paano pumunta sa Hacienda Amor? Tiim bagang kong tanong sa lalakeng kaharap namin. May iniabot sya saking smartphone na nagpapakita ng mapa kung paano makakarating doon. Kinuha ko 'yong smartphone saka sya binaril sa ulo. Nanglaki ang mga mata ni Samantha sa nakita nya. "Gusto mong malaman kung sino ako di ba?" Napatingin sya sakin. "Kung sino kami ng kapatid ko? Tara na umuwi. Maghahanda pa tayo sa pagliligtas natin sa Papa mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD