Chapter 17

1306 Words
Andrea's POV "Samantha, Nicole?" Nag-aalangan akong kausapin ang mga anak ko tungkol sa posibleng kalagayan ng kanilang ama. "Oh, Mama? Bakit po?" Tanong ni Nicole sa akin. Si Samantha naman ay mataman akong pinagmamasdan. "Mga anak, meron tayong dapat pagusapan." Masakit man tanggapin ang posibleng katotohan pero kailangang malaman ng mga anak ko kung ano talaga ang maaaring lagay ng kanilang ama. Alam ko kung gaano kalapit ang mga anak namin kay Simon kaya sigurado akong magiging napakasakit ng sasabihin ko para sa mga anak namin. Minabuti kong kay Samantha at Nicole nalang muna sabihin ang totoo dahil alam kong kaya nilang dalhin ng mas maluwag sa kanilang puso kung ano man ang posibleng nangyari. Masyado pang bata si Nicolai para maranasan ang mga ganitong klase ng trahedya. "Ano pong pag-uusapan natin Mama?" Tanong ni Samantha sakin. "Alam ko kung gaano nyo kamahal ang Papa nyo kaya alam kong magiging masakit itong sasabihin ko ----" "Ma, don't talk like Papa's dead already." Putol ni Samantha sa sasabihin ko habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata. "Ano po ba talagang nangyayari Ma?" Hindi na napigilan ni Nicole ang mga luha nya. "Naalala nyo ba 'yong first time na lumabas ng grupo nila Alfie to loot? Hindi maganda ang nakita sa labas. They saw a lot of dead bodies in the street. 'Yon din ang dahilan bakit ilang araw din na parang wala sa sarili si Alfie. Kinikimkim kasi nya sa sarili nya 'yong mga nakita nila. Mga anak, if that happened sa mga lugar na malapit dito sa atin ano pa kaya sa ibang lugar? Your father will never ever let more than two weeks past without contacting us at alam nyo yan. Hindi makakatagal ang Papa nyo na hindi tayo nakikita. He would have come home o kahit bisita man lang. Mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan at wala na tayong naging balita pa sa kung ano na talaga ang nangyayari sa mundo". Mahabang paliwanag ko sa kanilang dalawa. It breaks my heart to see them cry. They are both hurt with the possibility. "NO! Papa's alive. I know that and i'll find him!" Pagkasabi ni Samantha ng mga salitang 'yon ay bigla nalang syang tumakbo palabas ng bahay. Sinundan namin sya ni Nicole pero ang naabutan nalang namin ay isang papaalis na motor. "Samantha! Come back here!" Tawag ko sa kanya pero hindi na nya ko pinansin. Nagkataong bukas ang gate ng subdivision dahil paalis na ang looting group nila Alfie para manguha ng mga additional stocks. Muntik pa syang masagi ng pick up na gamit nila nung pinilit nyang makasingit sa paglabas ng gate. ---- Justine's POV Kakagising ko lang nung lumabas ako ng bahay para mag-almusal nang biglang may humaharurot na motor na dumaan sa harapan ko. Hindi ko alam kung sino ang nagmamaneho pero pamilyar sakin ang tunog ng motor. Paglingon ko sa pinagpaparadahan ng motor ko.... "Nasaan ang motor ko?!" Napasigaw ako nung makita kong wala ang motor ko sa pinagparadahan ko kagabi. "Kuya, anong nangyari? Bakit ka sumisigaw?" Hinihingal pa si Kyle nung lumapit sakin, mukhang kakagaling nya sa lang sa pagtakbo. "Justine! Justine!" Si Tita Andrea na mukhang alalang-alala. "Tita ano pong nangyari? Bakit po kayo umiiyak?" "Si Ate Samantha, sya ang kumuha ng motor mo. Sinabi na sa'min ni Mama kung anong nakita nila Alfie sa labas nung nanguha sila ng stocks. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ngayon ni Ate pero ang sabi ni Ate ay hahanapin nya si Papa kaya sya lumabas." Si Nicole na ang sumagot sa tanong ko dahil si Tita Andrea hindi na makahinga dahil sa sobrang pag-iyak. s**t! "Brandon! Pahiram ng motor mo!" Baling ko sa kapatid ko. "Nasa likod Kuya! Ingat!" Sabi nya pagkabato nya ng susi ng motor sa'kin. "Ingat Kuya." Si Alfie na tumango bago ako tumalikod para kunin ang motor ni Brandon. Habang nagsusuot ako ng jacket at motor gloves ay biglang sumulpot si Nicole sa harapan ko. Kita ang pag-aalala sa mukha nya. Hindi ko sya masisisi dahil kahit ako man ay hindi mawala-wala ang matinding kaba sa puso ko. "Kuya Justine sasama ako. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ako nakakasiguradong okay ang ate ko." Pagmamakaawa nya. "Nicole, hindi ka pwdeng sumama. Hindi ko kayang siguraduhin ang kaligtasan mo habang hinahanap ko ang ate mo. Dito ka nalang para may kasama si Tita and Nicolai. Pangako, ibabalik ko si Samantha dito ng ligtas kahit buhay ko pa maging kapalit." Paninigurado ko sa kanya bago pinatakbo ang motor paalis. ----- Samantha's POV I knew how to drive a motorcycle since is was 14. Hindi alam ni Mama na kay Papa ko unang sinabi ang pangarap kong maging pulis. He was the most supportive father anyone could ever ask for. Simula nung sinabi ko sa kanya ang totoong pangarap ko ay sinimulan na nyang dalhin ako sa mga race tracks at pinaturuan nya pa ako sa kaibigan nyang racer kung paano magpatakbo ng motor. I learned how to fire a g*n when i was 16 dahil na rin sa consent ni Papa nung hindi pa rin nagbago ang sagot ko sa kanya when he asked about what i want to be when i grow up. I've fired almost all types of guns ranging from hand guns to sniping rifles and heavy machine guns. My Uncle is a retired AFP Major and he collects all types of firearms kaya hindi ako nahirapan na mag-aral tungkol sa mga b***l. Binagalan ko ang takbo ko when i noticed something in the middle of the road. Road spikes. I turned right into a back alley entry and to the other side of the road. Mabuti nalang mahina ang tunog ng makina ng motor na 'to kaya paniguradong walang nakarinig ng pagdating ko. Justine really have good taste about a lot of things. His motorcycle, the one i'm using right now is a 2023 upgraded version of the HONDA ST1300. It's 2007 version was considered one of the quietest motorcycle and this upgraded version is definitely one of the finest. The sniping rifle he used the other day was a modified Nr.9 Accuracy International Arctic Warfare .50 Caliber. At dala dala ko ngayon ang sniping rifle na 'yon. -Flashback- Paglabas ko ng bahay desido na kong umalis para hanapin si Papa at iligtas sya kung kinakailangan. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa Papa ko. Alam kong buhay pa sya. Nararamdaman ko iyon kaya hindi na ko mag-aaksaya ng panahon. Problema ko nalang ay kung paano makakaalis dito. "Woah! Kaninong b***l 'yan?" Manghang mangha ang mga kapitbahay namin ng makita nilang ilabas ni Kyle ang sniping rifle na ginamit ni Justine nung isang araw. "Kay Kuya Justine. Ibinilin nya sakin linisan ko kagabi eh kaso nakalimutan ko naman. Kaya ngayon ko nalang sya lilinisin." Napansin kong ipinatong din ni Kyle ang isang susi sa lamesang katabi nya. Sigurado akong susi ng motor ang nakita ko. Nagpaalam si Kyle sa mga kausap nya na may kukunin sa loob ng bahay nila kaya dali-dali akong lumapit sa lamesa at dinampot ang b***l at ang bag na katabi nito na alam kong pinaglalagyan ni Justine ng mga extrang bala pati na ang susi ng motor. ---- I backed out a bit para hindi agad ako mapansin dito sa pwesto ko. May mga napansin akong lalake sa di kalayuan kaya naisipan ko silang manmanan. Beside me is a house na naiwang nakabukas at mukhang wala ng nakatira. Pumasok ako sa loob at chineck ang paligid kung may tao. Nung masigurado kong walang tao sa loob ng bahay ay umakyat ako sa ikalawang palapag at pumasok sa isang kwarto. Eksakto ang pwesto ng bintana ng kwarto sa pwesto ng mga lalakeng nakita ko. I set up the g*n and looked at them thru the lense. They were all armed at halatang mga halang ang bituka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD