Chapter 16

1161 Words
Narrator's POV "Amo, tatlong araw na pong hindi umuuwi sila Tonyo." isa sa mga tauhan nila Jack pumasok sa kanilang opisina. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni Jordan. "Umalis po sila para kunin 'yong mga residente ng Pines Subdivision sa Makati pero hanggang hindi pa po sila bumabalik." Pagpapaliwanag ng kanilang tauhan. "Baka nainfect at nagsimatayan na." Wlaang ganang sagot ni Jack Hindi nila napansin na pasimpleng nakikinig si Simon sa pag-uusap nilang dalawa. He was cleaning Jack and Jordan's office nung pumasok ang isa mga tauhan nito para ipaalam ang tungkol sa mga kasamahan nyang hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik. Bigla syang nakaramdam ng kaba nung marinig nya kung saang lugar nagpunta ang mga kasamahan nitong umalis nung nakaraan. It was the subdivision where he and his family lives. "Gusto nyo po bang magsama ako ng mga tauhan para puntahan 'yong subdivision?" Alok nito. "Hindi na muna. Hayaan nyo na muna sila doon. Wala naman silang ibang pupuntahan kaya saka nyo na sila kunin. Kailangan ko kayong lahat para sa pagsugod na gagawin natin sa mga kampo. Naubos na natin ang mga police stations at paniguradong may alam na ang mga matataas na opisyal tungkol sa mga nangyari. 'Yon na muna ang pagtuunan natin ng pansin. Uunahin nating ubusin ang mga kapulisan pagtapos isusunod naman natin ang mga militar." Nakangising pagsasaad ni Jack. "Sige po Amo. Masusunod po." Sagot nito bago lumabas. Nakakalabas na sila Simon sa kwarto nila ng walang piring. Nakakapagikot na rin sila sa buong property dahil ginawa na silang taga-silbi ng grupo ni Jack. Sa umaga naglilinis sila ng buong paligid, sa tanghali naman sila na ang nagluluto at naghahatid ng pagkain sa mga kapwa nilang bihag. Magmula noon, wala na silang ginawa kundi pagmasdan at pag-aralan ang mga nakikita nila sa paligid. Sa tingin nya isang malawak na hacienda ang lugar na kinaroroonan nila. Binilisan ni Simon ang paglilinis para makaalis na agad sya at masabi sa mga kasama nya ang narinig nya. ---- Pagkalabas ni Simon sa opisina ng magkapatid ay hinanap nya agad ang mga kasama nya. Kailangan na nilang bilisan ang pag-iisip ng paraan kung paano sila makakatakas. Masama ang kutob nya sa mga narinig nya. Hindi na sya makakapghintay pa ng ilang araw. Kailangan na nyang makaalis sa lugar na ito. Baka kung ano na ang nangyayari sa pamilya nya. Hindi na sya patatahimikin ng kanyang loob sa pag-iisip ng kung anu-anong masamang pangyayari na na pwdeng sinapit ng pamilya nya. "Hoy! Ikaw? Saan ka pupunta?" Tawag sa kanya ng isa sa mga armadong lalake. "Hinahanap ko lang 'yong mga kasamahan ko para tulungan sila sa ginagawa nila. Tapos na kasi ako sa paglilinis ko sa loob." Magalang na sagot nya. "Bago mo puntahan ang mga kasama mo buhatin mo muna itong mga 'to papunta doon sa shed na 'yon. Daliaan mo." Utos nya kay Simon. Hindi na sya sumagot at nagumpisa na sa pagbubuhat. Hindi alam ni Simon kung ano ang laman ng mga sakong buhat nya pero sa tingin nya ay para ito sa mga itinatanim na gulay sa halamanan. Hindi nya agad napansin pero sa pangalawang balik nya sa shed ay napansin nyang walang bakod sa likod nito. Mukhang extension ito ng property. Pagkatapos nyang ilapag sa loob ng shed ang mga sakong dala nya tiningnan nya muna kung merong mga armadong lalake sa paligid. Nung mapansin nyang walang nakabantay na kahit isa ay mabilis syang pumwesto kinatatayuan nung lalakeng nag-utos sa kanya kanina. Pagkatapos ay nagpalipat lipat pa sya sa iba pang parte ng lugar na kinaroroonan nya para tingnan kung kita ba ang likurang bahagi ng shed. Pagdating ng gabi ay sigurado syang hindi na mapapansin kung may naglalakad ba sa gawing iyon dahil madilim na. Wala syang napansing mga ilaw na nakasabit sa paligid. Naabutan niyang naglilinis sa halamanan sila nurse Alvin at iba pa nilang kasama. Napansin nyang marami pa ring mga armadong lalake ang nagbabantay sa kanila kaya kumuha muna sya ng gamit panglinis at pasimpleng lumapit sa mga kasama nya. Ilang sandali syang nag-isip kung sasabihin nya ba sa mga kasamahan nya ang nakita nya. Alam nyang kung siya lang mag-isa ay hindi sya mapapansin pero kung marami sila, malamang na hindi sila makalayo. Nagtatalo ang isip nya sa kung ano ang dapat nyang gawin. Gusto nya ng makasama ang kaniyang pamilya pero hindi rin kaya ng konsensya nyang iwanan ang kanyang mga kasama. "Narinig kong hindi pa umuuwi 'yong grupong umalis nung nakaraan. May mga kukunin dapat silang tao pero hanggang ngayon hindi pa sila bumabalik. Ang ipinag-aalala ko ay 'yong narinig kong lugar kung saan sila nagpunta." Sa huli ay napagpasyahan nyang ipaalam ang narinig nya sa pag-uusap ng mga bumihag sa kanila. Mahahalata sa mukha ni Simon na may malalim syang iniisip. "Bakit? Ano bang narinig mo?" Tanong sa kanya ni nurse Jessica. "Yong mga umalis nung nakaraan para kumuha ng mga panibagong bihag, doon sila sa subdivision namin nagpunta." Malungkot ang boses ni Simon ng sabihin 'yon. "Ano?!" Sabay na sumagot si nurse Alvin at nurse Marites. Mabilis silang sinenyasan ng mga kasamahan nila dahil napatingin sa kanila ang mga bantay. "K-kung masakit ang tiyan mo bakit hindi ka magpunta sa cr?" Muntik ng humagalpak ng tawa si Simon dahil sa naisip na palusot ni nurse Marites. ----- Eksaktong pagdilim ay nagsimula ng humanap ng tiyempo si Simon para makapunta ulit sa shed ng hindi napapansin ng mga bantay. Pero ang hindi nya alam na meron palang nagmamatyag sa mga kilos nya. "I wouldn't do that if i were you." Natigilan sya sa tangkang paghiwalay sa grupo nilang naatasan na maghanda ng pagkain para sa mga tauhang bagong dating galing sa ibang lugar. Mabilis syang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Dr. Santillan ang nakita nyang nagsalita sa likuran nya. Kumunot ang nuo nya dahil sa sinabi nito. Napatingin nya sa mga kasama nya pero wala naman silang narinig. Patuloy lang sila sa pag-aayos ng mga pagkaing inihahain sila. Ibinalik ni Simon ang tingin nya kay Dr. Santillan at nagkunwaring hindi naiintindihan ang gusto nyang iparating. "I know that you saw the shed earlier. Alam ko ring napansin mo ang likurang bahagi nun. Kung ako sayo, huwag mo ng subukan dahil hindi mo magagawang tumakas ng ikaw lang mag-isa. Nakalimutan mo na bang binibilang nila tayo bago palabasin para magtrabaho at bago ibalik sa loob? He said habang patuloy sa pagpupunas ng mga baso at utensils. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ko alam ang sinasabi mo." Nagkunwari si Simon na naguguluhan sa tanong ng kasama. "I've been on that dirt road at ang dulo nyan ay isang barangay na binabantayan ng mga tauhan nila Jack. Kaya kahit makarating ka sa dulo hindi ka rin makakaalis dito. Buhay man o patay." Natigilan si Simon sa sinabi ni Dr. Santillian. "Paano ka nakarating doon? Paano mo nalaman ang tungkol doon sa shed?" Tanong ni Simon. Bigla syang nagkaroon ng pakiramdam na meron syang hindi alam tungkol Dr. Santillian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD