Simon's POV
Two weeks na simula ng dalhin nila kami dito. Wala na talaga kaming naging balita sa kung anong nangyayari sa mundo. Dalawang linggo ko na ring hindi nakakausap man lang ang pamilya ko. Araw-araw kong pinagdadasal na sana malayo sila sa kapahamakan. Sa pangalawang linggo namin dito pinapalabas na nila kami every other day para maarawan pero nakapiring pa rin ang mga mata namin kaya hindi pa rin kami nagkakaroon ng pagkakataon na makita ang paligid namin.
"May mga bagong dating na naman. Ano ba talagang gusto nilang gawin satin?" Tanong ni Marites. Isa sa mga nurse na kasama naming dinala dito.
"It's like their hording people for something. I just can't figure out what." Tugon ni Dr. Santillian.
Lahat kami lumingon sa pinto nung bumukas ito. Isang malaking lalake na puno ng tattoo sa katawan ang pumasok at may dalang mahabang b***l. Napalunok ako kahit nanunuyo ang lalamunan ko sa takot.
"Kayong lahat, labas. Bilis ang kilos!" Utos nya sa amin.
Walang kibo kaming sumunod dahil ayaw naming may masaktan na kahit sino samin. Magkakasunod kaming lumabas pero nagtataka ako nung hindi man lang kami piniringan. Pagdating namin sa labas ng kwarto there were other armed men waiting for us. Nakakatakot ang itsura nila kasi halata sa mga mukha nilang hindi sila takot pumatay. Sila 'yong mga itsura ng taong hindi mo gugustuhin makasalubong sa isang madilim na eskenita sa kalaliman ng gabi. I know i'm being judgemental pero 'yon talaga ang itsura nila. Sobrang nakakatakot. Tahimik lang silang nakatayo sa labas at nakabantay sa bawat kilos namin.
"Good morning! Mabuti naman at mukhang inalagaan kayo ng maayos nitong mga bata namin." I saw a man on his early 40's maybe, wearing an expensive white polo shirt, black jeans and white shoes. HIndi kami kumibo, basta lang kami nakatingin sa kanya.
"Kapag kinakausap kayo ni Amo magbigay galang kayo!" Tinutukan kami ng b***l nung mga lalakeng nakapalibot samin.
"P-pasensya n-na -po." Magkakasabay kaming yumuko para magbigay-galang. Ngumisi lang sya bago sumenyas sa mga tauhan nya. Nakakaloko pa syang naghand gesture to show us the way.
----
Andrea's POV
Dalawang linggo na mula nung huli kong makita ang asawa ko at apat na beses ko na rin syang napapanaginipan. HIndi ko maintindihan kung bakit ganoon pero sa panaginip ko palagi nalang syang duguan, malungkot at parang hirap na hirap.
"Mama..." Nakita ko si Nicolai na nakatayo sa may pintuan ng kwarto naming mag-asawa. Umuwi na nga pala kami dito simula noong nalagyan ng barikada at proteksyon ang palibot ng subdivision.
"Anak, may kailangan ka ba? Halika, pasok ka." Tawag ko sa kanya. Tumakbo sya palapit sa'kin at umupo sa tabi ko.
"Mama, kailan po ba natin makakasama ulit si Papa? Namimiss ko na po kasi sya eh." Malungkot na wika ni Nicolai.
"Hindi ko rin alam anak eh. Pero magdasal lang tayo at siguradong papakinggan ni God ang dasal natin. Makakasama ulit natin ang Papa mo." Sumasakit na ang lalamunan ko sa pagpipigil na maiyak sa harapan nya dahil ayaw kong mas lalong mawalan sya ng pag-asa na makikita nya pa ang Papa nya.
"Opo Mama. Palagi po akong nagpe-pray na sana umuwi na si Papa. Saka pinagpe-pray ko din na sana okay lang sya." Nakangiting sagot nya sakin.
He's like a child version of his father. Their eyes are the same. The way they smile. The way their eyebrows knit when they're thinking about something. God! I really miss my husband. I know something bad happened. Hindi alam ng looting group na nasa storage area ako nung dumating sila from their first looting day. Narinig ko ang buong usapan nila tungkol sa kung ano na ang nangyayari sa labas.
----
Brandon's POV
Two weeks ago, everything was normal. We are were as normal as a human being can be. Gigising sa umaga doing the same things we did the day before. It was like a never ending cycle of a boring loop. I'm sure maraming humihiling na sana something exciting happens to them. Something adventurous. Something that would make them feel more alive. Sabi nga nila, be careful what you wish for.
Bago nangyari ang virus outbreak at ang lahat ng gulong nangyari pagtapos nun ni hindi niya ko kilala. Madalas ko siyang nakikita kapag umaalis sya ng bahay para pumasok sa eskuwela, para magsimba kasama ang pamilya nya o kaya habang nagdidilig sya ng mga halaman sa bakuran nila. Sobrang simple nya lang. Hindi kagaya ng mga babaeng nakakasalamuha ko na ang daming pintura sa mukha. Sobrang iiksi kung manamit na kulang nalang maghubad na. Pero sya, napakahinhin nya lang. I don't know kung alam nya sa sarili nyang normal na syang maganda kaya hindi na sya gaanong nag-aayos o talagang simple lang sya.
"Kailangan mo ng tulong?" I said nung makalapit ako kay Nicole. Nanlaki ang mata nya nung mapatingin sya sakin na pinagtaka ko naman. Ilang segundo syang hindi nagsalita bago tumalikod at iniwanan ang ginagawa nya.
"Anong ginawa mo dun?" Tanong ni Kris sakin.
Ano nga bang ginawa ko dun?
----
Nicole's POV
Ano bang nangyayari sakin?! Bakit ako umalis? Bakit ako nahihiya? Nakakainis! Urgh!
Dire-diretso akong naglalakad pauwi sa bahay namin. Wala ako sa sarili dahil sa kakaisip dun sa mokong na si Brandon.
"Ate? Okay ka lang?"
"Ay! Brandon! I— uh, i mean Bangkong. Yeah, i mean Bangkong! Bakit ka ba kasi basta basta nalang sumusulpot Nicolai?!" Batang 'to!
"Kanina pa ako nakatayo dito Ate. Nakailang tawag na nga ako sayo pero di mo ko pinapansin. Bakit ka ba tulala? Ano bang iniisip mo?" Nakakunot ang nuo habang tinitingnan ako.
"Ha? Ah.... Hahaha! Iniisip ko kasing magbakasyon sa Bangkong kapag natapos na ang virus outbreak. Ay naku! Bakit ka ba tanong ng tanong? Dyan ka na nga." Mabilis ko na syang tinalukuran
-Flashback-
Walang araw na hindi ako umiiyak kapag naiisip ko ang nangyari sa amin ni Ate Samantha. I almost got r***d! Muntik na! Kung hindi dumating sila Brandon sigurado pinagpyestahan na kami ng mga walang hiyang 'yon!
"Hey.. What happened?" I felt strong arms wrapped around me which made me cry even more. Walang nakakaalam na hindi ako okay. Na palagi kong iniiyakan ang nangyari. That i was and still is afraid of what happened.
"Tell me, what happened. Why are you crying?" He asked when he cupped my face. He was looking straight in to my eyes, full of passion and care. So i told him.
----
That was when it all started. 'Yong pagkailang ko sa kanya. 'Yong awkwardness kapag nasa paligid sya. I don't what's happening to me.
"Nicole, okay ka lang?" Ate Sam asked nung pumasok sya dito sa kwarto ko. I didn't realize that i left my door open.
"Oo, Ate. Ayos lang ako." Nakatungong sagot ko.
"I heard about what happened. May problema ba kayo ni Brandon?" Nakakunot ang nuo nya habang tinitingnan ako ng diretso.
"Nabalitaan ko rin na you and Justine accidentally kissed. Kinausap mo na ba sya?" I didn't mean it but my came out rude. Gusto kong magsorry kasi ngayon lang ako nakasagot ng ganito kay Ate pero nahihiya ako so i walked out of my instead.
Kasalanan ni Brandon lahat ito eh! Ano ba kasing ginawa nun sakin? Ano nga bang ginawa nya sakin? Wala naman di ba? So bakit ako nagkakaganito?