Simon's POV
We've been here for a week at dalawang beses palang kaming nakakalabas tapos nakapiring pa. Dinig sa kwartong pinagkukulungan sa amin ang ingay ng isang on-going construction na nagsimula two days ago na. Walang kahit sino sa'min ang may idea kung ano o para saan ang ginagawang iyon. Wala pa rin silang sinasabi sa amin kung ano talaga ang balak nila sa amin. Hindi naman nila kami ginugutom. Sa umaga ay may almusal kaming tinapay, sa tanghali ay may kanin at ulam at sa gabi naman ay kung hindi sopas ay lugaw. Nagsimula apat na araw na ang nakakaraan, nagsunod sunod ang dating ng mga panibago nilang bihag. May mga naririnig na kaming nag-uusap sa magkabilang kwartong katabi ng kwarto namin. Nakakarinig din kami ng mga bata at babaeng umiiyak. Sa tingin ko wala pa naman silang sinasaktan. Dala malamang ng takot at pangungulila ang mga iyak na naririnig namin. Masyado silang mahigpit kaya hindi kami makahanap ng pagkakataon na aralin ang lugar na kinaroroonan namin. Gabi-gabi kong napapanaginipan ang pamilya ko dahil sa pangungulila ko sa kanila. Sobrang miss na miss ko na sila.
"Anong iniisip mo Dr. Angeles?" Tanong sa akin ni nurse Alvin.
"Simon nalang. Wala naman tayo sa hospital." Nakangiting utos ko.
"Pasensya na Simon, nasanay lang kasi kaming tawagin kayong doktor. Eh ano ngang iniisip mo?" Balik tanong nya.
"Ang pamilya ko. Sobrang namimiss ko na sila. Nag-aalala na pati ako kung ano ng nangyari sa kanila." Pag-amin ko.
"Kami rin eh. Namimiss na rin namin ang mga pamilya namin. Kailan kaya tayo makakaalis dito? Ni hindi nila sinasabi kung ano ba talaga ang gagawin nila sa atin." Sagot naman ni Elton.
"Nagtatakha na rin ako kung bakit nila tayo talaga dinala dito. Hindi nila tayo ginugutom. Ni hindi nila tayo sinasaktan. It only means kailangan nila tayo. Pero para saan?" Singit ni Dr. Santillian.
Dr. Armando Arguelles Santillian. Isang mayaman na half spanish at half filipino. Pinagkakapitagang doktor at may-ari ng Santillian Medical Center. Bihira lang siyang magsalita at palaging seryoso kung titingnan. Mabait syang boss pero kung hindi mo sya kilala at hindi pa nakakausap iisipin mong masungit at salbahe sya. Bago sya naging doktor ay dati syang magaling na FBI agent sa america. Walang nakakaalam ng totong dahilan kung bakit sya umalis sa pagkaFBI at umuwi dito sa bansa para maging doktor. Hindi rin kasi sya mahilig magkwento. Basta ang alam lang namin wala na ang mga magulang nya, ang mga natitira nyang kamag-anak ay nasa Spain at wala syang asawa o kahit isa man lang na anak.
---
Meanwhile...
Narrator's POV
"Jack, atin na ang buong kalakhang maynila. Kukunin nalang namin ang mga natitirang residente na hindi pa namin nakukuha."
"Very good. Kapag nakuha nyo na silang lahat umpisahan na ang paglalagay ng hangganan sa bawat sulok ng kalakhang maynila. Kailangang samantalahin natin ang pagkakataon na hindi pa nakakatunog ang gobyerno sa kung ano talaga ang nangyayari."
"Ano bang sunod mong plano Jack?" Tanong ni Jordan sa kapatid.
"Ang maging atin ang pinas. Bubuo tayo ng bansa na walang batas. Na tayo ang batas." Nakangising sagot ni Jack.
"Gusto ko yang naiisip mo tol." Pagsang-ayon naman ni Jordan sa kapatid.
"Sa nangyayari ngayon sa mundo walang makakapigil sa gusto natin mangyari. Hindi magtatagal magiging atin na ang Pilipinas." Buo ang kompyansa ni Jack
----
Alfie's POV
Napagpasyahan ng mga residente dito sa subdivision namin na hindi na dapat maulit yong nangyaring g**o kaya gumawa kami ng mga watch towers sa bawat sulok ng subdivision at naglagay na rin kami ng mga barikada sa paligid. Nagtulong-tulong din kami sa paglalagay ng mga traps. Sa loob ng isang linggo from being normal people naging survivalist na kaming lahat. Pinagsama-sama namin ang stocks ng pagkain, gamot at other necessities na meron kami para maging supplies ng lahat. May grupo rin kaming binuo na lumalabas ng subdivision to gather supplies na kailangan namin kaya nakabuo kami ng matibay na barikada sa palibot ng buong subdivision.
Kasama ako sa mga lumalabas kaya nasaksihan ko kung ano ng nangyari sa labas nitong nagdaang linggo. Ang daming mga patay sa kalye. Halos lahat ng madaanan naming mga establishments halatang pinasok na ng mga looters. Mabuti nga't may mga nakuha pa kaming supplies. Nagsuggest din ako na mag-ipon na kami ng mga b***l. Karamihan naman sa mga lalake sa subdivision namin knows how to fire a g*n kaya ayos na rin. Ang hirap kasing magpakasiguro lang basta.
Hindi lang ako pinapatahimik ng konsensya ko kasi hindi ko masabi kila Ate Samantha kung ano 'yong gumugulo sa isip ko.
-Flashback-
"Anong nangyari? Bakit ganito na dito?" Tanong ni Rodney. Isa sa mga neighbors namin na naging member ng looting group.
"Kaya nga eh. Nakakatakot isipin kung anong nangyari dito. Tingnan nyo oh. Parang sariwa pa ang dugo sa katawan nila." Dagdag pa ni Alfred.
"Hala! Eh kung ganito na dito ano pa kaya sa ibang lugar? Paano na 'yong Papa nila Samantha?" Lahat kami napatingin kay Tom nung nagsalita sya.
"Easy! Naisip ko lang kasi. Di ba ang huling alam nila nasa hospital si Dr. Angeles? Eh tingnan nyo nga 'tong mga nadadaanan natin oh." Paliwanag nya.
"Wala munang magsasabi kila Ate Sam ng kung anong nakita natin dito. Hindi pa naman tayo sigurado eh. Mag-aalala ng sobra si Tita Andrea kapag nalaman nya 'to." Tumango silang lahat.
-End of flashback-
Muntik na kong mahulog sa kinauupuan ko nung makita ko si Lea na nasa harap ko na pala. As in sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko!
"Ano ka ba naman! Bakit ba sobrang lapit ng mukha mo?!" Inis na tanong ko.
"Kanina pa kasi kita tinatawag. Hindi mo naman ako naririnig. Tulala ka lang dyan. Ano bang iniisip mo?" Tanong nya.
"Wala ka na dun! Bakit ba? Ano bang kailangan mo?" Masungit na tanong ko.
"Ang sungit mo! Tawag ka ng mga kuya mo! Kakain na kasi! Hmp!" Padabog syang naglakad palayo sakin.
----
Justine's POV
Pinagmasdan ko si Alfie na naglalakad palapit dito sa sinet-up naming lamesang kainan para sa lahat. Ano kayang problema nito? Ilang araw ko ng napapansin 'to na laging tulala eh. Natural na tahimik si Alfie pero hindi naman ganito.
"Bunso, upo ka na dito ng makakain na tayo." Aya ni Brandon kay Alfie na dire-diretso lang naupo sa upuang tinuro ni Brandon sa kanya.
"Anong problema ng kapatid mo?" Dinig kong tanong ni Samantha na nasa kanan ko.
"Hindi ko nga—" Hindi ko inaasahan na mapapaganda pala 'yong paglingon ko.
".........." Kaming dalawa ni Sam. She was wide eyed at halatang nagulat sa nangyari. Ako naman hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Ang ganda nya talaga. Deym! Lahat ng kasama namin ay natahimik bigla dahil sa nangyari. It was just a quick kiss pero para akong kinuryente ng grabe.
Shit! Ang lambot ng labi nya! Ang cute nya pa magblush. Takte!
"Woooooooooooh!"
"Alright! Kasalan na!"
"Walanjo! Ninong ako ah!"
Mas lalong nanglaki 'yong mga mata nya nung nag-umpisa kaming kantyawan ng mga kasama namin. Pfft! Nawala yata sa isip nya na marami kaming kasama. Nagpabalik balik ang tingin nya sa akin at sa mga kasama namin na hanggang ngayon eh wala pa ring tigil sa pang-aasar at pagtatawanan.
'Yong mukha nya para ng kamatis sa sobrang pula. "Pfft!" Hindi ko na napigilang matawa dahil sa itsura nya. Halatang halata na nahihiya sya sa nangyari. Kaso mukhang napasama 'yong pagtawa ko. Bigla nalang kasi syang tumakbo paalis.