Chapter 3

1242 Words
Narrator's POV Pagkagaling sa hospital ay dumiretso sila Simon at Andrea sa isang boutique para bumili ng ipangpapalit nila sa mga suot nilang damit saka sila nagpunta sa isang kilalang car wash shop at nagpatotal cleaning and sanitizing. Iniwan nalang nila ang kotse sa shop at dumiretso sa isang malapit sa hotel at kumuha ng kwarto para makaligo at magbihis. Inihabilin din nilang balutan ng plastic cover ang bawat car seats maging mga pinto, ang dashboard, manibela, preno at sahig ng kotse para makasiguradong hindi ito madadapuan ng anumang bacteria pagkatapos itong linisan. Sa hotel na rin nila ipinahatid ang sasakyan nila pagkatapos itong linisin. "Samantha, kamusta kayo dyan? Kumain na ba kayo? Ang mga kapatid mo kamusta?" Paglabas ni Simon ay naabutan nyang kausap ng kanyang asawa ang panganay nilang anak sa cellphone nito. Narinig nya pang nagkukwento ang kanyang asawa ng kung ano ang nangyari sa kanila bago nya dinampot ng telepono ng hotel at nagpahatid ng pagkain nilang magasawa. "Kamusta daw sila sa bahay?" Tanong ni Simon sa asawa nya pagkababa nito ng telepono. "Maayos naman daw sila. Nakapagtanghalian na rin sila." Nakangiting sagot ni Andrea sa kanya. Kinuha ni Simon ang remote ng tv para manood ng balita. Ang kasalukuyang pinapalabas ay isang balita tungkol sa nangyaring banggaan sa isang highway na dinaanan nila kanina. Ayon sa balita, ang sabi daw ng mga testigo ay bigla nalang bumangga ang isang puting sasakyan sa sinusundan nitong van. Hindi pa raw malinaw kung lasing ba ang driver ng nasabing sasakyan. Nagkatinginan silang magasawa dahil sa balita. Malakas ang kutob nilang may kinakalaman ang insidente sa loob ng mall sa banggaang ito. --- Isang oras pagkatapos nilang makapananghalian ay tumawag ang receptionist ng hotel para ipaalam sa kanila na naihatid na sa parking area ang kanilang sasakyan. Nagpalipas pa sila ng kalahating oras sa loob ng kwarto para makapagpahinga bago sila nagcheck out. Si Andrea na ang pinagbayad ni Simon at nauna na syang pumunta sa kanilang sasakyan upang matanggal nya agad ang mga nakabalot na plastic para na rin makasigurado syang hindi madadapuan ng anumang bacteria ang kanyang asawa. Maingat at nakagloves na tinanggal ni Simon ang mga plastic sa loob at pinto ng sasakyan at sinugurado nyang hindi nya ito aksidenteng maipapagpag. Naabutan pa sya ni Andrea habang inaalis ang mga plastic kaya sinenyasan nya ang asawa na huwag munang lalapit. Ng maialis na ni Simon ang lahat ng plastic ay nagspray sya ng disinfectant sa loob ng sasakyan at nagsanitize pati na ng kanyang sarili. Nung matapos na si Simon ay saka palang sya sumakay ng sasakyan at tinawag ang asawa pero bago nya ito pinakasay ay pinagsatinize nya rin ito ng mabuti at saka palang sila nakaalis sa parking lot ng hotel. Base sa nakikita nila, wala pa ring pinagkaiba ang sitwasyon sa labas. Mukhang wala pa ring alam ang mga tao sa mga nangyayari. Iniisip tuloy ni Simon kung ano ang dahilan ng China bakit mukhang hindi pa rin nila inirereport ang virus outbreak sa nararanasan nila. Sa kasalukuyang bilang ng mga naapektuhan na ng virus sa loob lang ng pitong araw ay masasabing napakabilis umepekto ang virus sa tao at mabilis din itong maitransmit sa iba. Kulang na kulang ang impormasyon na meron sya para masabi nya kung air born ba o hindi ang virus. At ipinagdadasal ni Simon na sana hindi air born ang virus dahil mas delikado ito kapag nagkataon. Dalawampung taon ng doctor si Simon at marami na syang napagaralang virus pero wala pa syang nalalamang virus na kasing bilis kumalat ng virus na kumakalat sa China ngayon. The Black Death, the 1918 Spanish flu, HIV/AIDS, The Plague of Justinian, The Antonine Plague and cholera are five of the most famous and considered to be deadliest pandemic that has ever occurred in the history of human kind. But none of those plagues spread as fast as the virus that's infecting China right now. 400,000 in the span of seven days. Imagine in a month this virus can infect and kill 1.6M people maybe more. Simon doesn't have even the smallest of idea what is really happening right now. All he can do is hope and believe in God that everything will be okay. --- Malapit na sila sa subdivision na kanilang tinitirhan ng may mapansin silang Isang lalakeng parang gegewang gewang sa paglalakad sa gilid ng daan. Pinahinto ni Simon ang sasakyan at balak sana nyang bumaba nung bigla nalang bumagsak ang lalake.Bubuksan na sana ni Simon ang sasakyan para tulungan ang lalake ng pigilan siya ni Andrea. Nagtataka syang napatingin kay Andrea dahil hindi nya maunawaan kung bakit sya pinipigalan ng asawa na tulungan iyong lalakeng tumumba sa daan. Isa syang doctor kaya't tungkulin nyang tumulong sa sino mang nangangailangan ng tulong medikal o first aid. Hinawakan nya ang kamay ng asawa para sana alisin ito ng sa ganun ay tuluyan na syang makababa ng sasakyan pero biglang nagsalita si Andrea. "Kapag pinilit mong bumaba i'm gonna drive this and i will leave you here. Hindi mo ba nakikita na parehong pareho ang nangyari sa lalakeng yan dun sa babaeng nagcollapse sa mall pati na rin dun sa nakita natin sa tv?" Deretsong sabi ni Andrea na ikinagulat nya. "Andrea, doktor ako. Hindi ko pwdeng iwanan yang lalakeng yan dyan at pabayaan--" "Paano ako? Paano ang mga anak mo? Paano kung infected pala ng virus ang lalakeng yan? Tumawag ka nalang ng ambulansya. Mas kailangan ka ng mga anak mo ngayon. Ayoko man syang iwan pero hindi rin ako papayag na isapalaran mo ang sarili mo na posibleng ikapahamak din namin ng mga anak mo." Matigas na tutol ni Andrea. Nauunawaan ni Simon ang punto ng asawa nya. Hindi nya rin naman gusto na ilagay sa alanganin ang kalusugan ng kanyang pamilya. Pero hindi kakayanin ng konsensya nya na basta nalang iwan ang lalake sa gilid ng daan na magisa. Kaya naman tuluyan nyang binuksan ang pinto sa gilid nya. "Sige na Hon, mauna ka ng umuwi. Kailangan madala ang lalakeng yan sa hospital. Tatawagan ko nalang kayo kapag nasa hospital na ako." Saad ni Simon bago nya isinara ang pinto sa may driver's seat. Napayuko nalang si Andrea at napabuntong hininga bago nya pinaandar ang sasakyan. Abot abot ang dasal nya na wala sanang mangyaring masama sa kanyang asawa dahil alam nyang hindi nya mapapatawad ang sarili nya kapag nagkataon. Ayaw man nyang iwanan ang asawa sa lugar na iyon pero kailangan din sya ng kanyang mga anak. Naiintindihan din naman nya ang ginawang desisyon ng kanyang asawa. Isang doktor si Simon na may dedikasyon at pagmamahal sa propesyon nya. Nasa puso nya ang pagtulong sa kapwa at pagliligtas ng buhay. Alam nyang hindi kakayanin ng kunsensya ng kanyang asawa na iwanan ang lalakeng yon ng hindi man lang ito sinusubukang tulungan. Napangiti nalang si Andrea ng maalalang ang pagiging matulungin ni Simon ang isa sa mga dahilan kung bakit nahulog ang loob nya sa asawa noong nasa kolehiyo palang sila. Kaya naman alam nyang wala syang magagawa kundi unawain nalang ang naging desisyon nito kasama ng mataimtim na dasal na sana ay walang mangyaring masama sa kanya. Malayo na rin ang ang kinaroroonan ni Andrea ng tumawag sa kanya ng kanyang asawa. Para sabihing---"The man is dead and the hospital called me. I need to go to the hospital now. Nandito na ang ambulansyang magdadala sa bangkay ng lalake sa hospital. It's here Andrea. The virus is already here."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD