Chapter 4

1336 Words
Simon's POV My wife was crying when she hang up and it's breaking my heart. She wanted to go back but i insisted that she needs to be with our kids. Kailangang may maiwan sa kanila kung sakaling things get worst. I'm still in shock habang lulan ako ng ambulance na pinadala ng hospital na pinagtatrabahuhan ko. It's already here. This is no longer an "akala" o "baka". Nakapasok na ang virus sa bansa at hanggang ngayon wala pa ring balita galing sa China. Para kaming mangangapa sa dilim kung paano haharapin ang ganito katinding virus. Kahapon pa pala may mga reported incidents ng mga individuals na bigla nalang nagcollapse with no apparent reason at puro DOA silang lahat kagaya ng lalaking lulan ng ambulansya kasama ko. He was standing in the sidewalk one minute and then gone the next. Papunta palang kami sa hospital pero pakiramdam ko hindi ko na ulit makikita ang pamilya ko. Nakakatakot isipin na napakadali lang mabawi ang buhay na ipinahiram ng Diyos sa mga tao. Na hindi natin malalaman kung kailan nya tayo tatawagin pabalik sa kanya. Kahit anong dami ng pera natin o anong taas ng naabot natin sa buhay, lahat ng 'yan mawawalan ng halaga kapag tinawag na tayo ng lumikha. Napakadaling balewalain ng buhay na ipinahiram sa atin ng Diyos without realizing the fact that this life is not permanent. Na hiram lang natin ito. Na maaari itong bawiin anumang oras. Pagdating namin sa hospital ay dumiretso agad ako sa opisina ko. Good thing that i always have extra coat in my office cabinet kaya maaari akong magduty ngayon kahit na hindi na ako nakauwi ng bahay. Paglabas ng opisina ay ipinatawag agad ako para sa isang urgent meeting. I was walking on the hospital corridor when one of the nurses approached me and told me na may mga bago pang dinalang bangkay with the same cases kani-kanina lang. Oh God! Is this really happening? ---- We already have a total of 400 confirmed cases here in Metro Manila sa loob palang ng dalawang araw. Still no news from China and according to DOH hindi sila nakikipagcooperate sa WHO. Ano ba talagang nangyayari? Bakit hindi ayaw nilang maglabas ng information tungkol sa virus na 'yan? We were also informed na maglalabas na ng announcement ang Malacañang about sa immediate implementation ng nationwide total lockdown. Sana naman maiimplement na ito agad para mapigilan ang tuluyang pagkalat ng virus. "Hello Hon? Kamusta kayo ng mga bata? Nakauwi ka ba ng maayos?"I asked as soon as she answered the phone. We talked for about fifteen minutes and she cried almost the whole duration of the call pagkasabing pagkasabi ko na confirmed ng nakapasok na ang virus dito sa bansa and that i need to stay in the hospital until tomorrow so we can come up with an effective strategy para mamanage ng maayos ang hospital. Awang awa ako sa asawa ko at gustong gusto ko syang yakapin pero all i was able to do eh ang i-assure sya na everything is going to be okay. I did the best that i could to calm her down kahit na ako mismo sa sarili ko eh hindi sigurado kung magiging okay nga ba ang lahat. Masyadong kakaunti ang information na hawak namin para maintindihan ng maigi kung ano ang talaga ang nangyayari. The hospital initiated that all of the hospital staff, from the doctors to the maintenance can't go home until we know what we are up against. They've assigned people to bring the hospital ambulance to pick up our things from our home. This way, makakasiguro kami na hindi namin madadala ang virus sa mga pamilya namin at masisigurado namin ang safety nila. That's fine by me dahil alam kong magiging okay ang pamilya ko habang wala ako. Alam kong hindi sila magugutom at alam kong safe sila sa bahay. I'd rather suffer here alone to ensure their safety than to be with them and put their health at risk. ----- Within the last four hours umabot na ng 900 ang nadadalang bangkay dito sa hospital. Puro DOA lahat. According sa current consolidated report na galing sa iba pang mga hospital nasa 10, 000 na ang total death count dahil sa virus na 'to. Walang ibang reported cases kung hindi death. Ganoon lang kasimple. Once you get infected, you die. Naglabas na ng directive ang Malacañang na lahat ng cases related sa kumakalat na virus ikecremate na agad para maiwasan ang lalo pang pagkalat ng virus. Sana nga effective yon. Hanggang ngayon kasi wala pa ring update kung ano ba talaga ang way of transmission ng virus. Ni hindi pa rin na-a-identify kung anong klaseng virus ito. "Ano ba talagang nangyayari? Bakit wala pa ring update galing sa China? Nagpapress conferrence na ang pangulo na nananawagan sa China para maglabas na sila ng report tungkol sa kumakalat na virus." "Wala ngang nakakaalam. Diyos ko, ito yata 'yong sinasabing paghuhukom. Naguumpisa ng maglabasan 'yong mga religious group leaders at nagsasabing malapit ng magunaw ang mundo." "Huwag ka namang magsalita ng ganyan. Hindi pa ako nakakapagasawa ano!" I heard some of the nurses talking. I can't blame them or those religious group leaders for thinking na paparating na ang end of the world. Sino ba namang hindi iyon ang maiisip. Bigla bigla nalang nagkakamatayan ang mga tao. "Dr. Angeles, tumawag po ang asawa nyo. Pinapasabi po nyang tawagan nyo daw po sila kapag wala na kayong ginagawa." Another nurse informed me. I went back to my office and dialed my wife's number. I waited for her to pick up her phone but i was routed to her voicemail. Bakit kaya hindi nya sinasagot? I tried to call her again pero hindi pa rin sya sumasagot. I texted her to let her know na tumatawag ako and waited for a response or kahit 'yong sya nalang ang tumawag pero wala talaga. I tried Samantha's phone three times pero hindi rin sya sumasagot. I then dialed Nicole's phone pero wala pa rin. Medyo nakakaramdam na ko ng kaba pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Samantha and Nicole always have their phone with them kaya imposibleng hindi nila mapansin na tumatawag ako. I opened my phone's mobile data connection and checked on messenger if they were online and yes, online nga sila. Pero bakit hindi nila sinasagot ang tawag ko? Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinutuban ng masama. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ako mapakali. Sinubukan ko ulit silang tawagan pero wala talagang sumasagot kahit sino sa kanila. Chinat ko silang tatlo pero walang nagrereply. I went to the information's desk to use the landline para tawagan ang landline namin sa bahay pero wala ring sumasagot kahit sa landline. My palms are starting to sweat dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero iba talaga 'yong pakiramdam ko. Pagdaan ko sa lobby para sana subukang magpaalam sa head ng hospital that i need to go home when i saw the news on the tv. Parang nagflashback sakin 'yong napanood namin ni Andrea patungkol sa China na nagpadoble ng nararamdaman kong kaba. Diyos ko! Huwag naman po sana. Parang awa nyo na! Protektahan nyo po ang mag-iina ko. There in the LCD tv monitor is a live report about what's happening after the Malacañang palace announced an immediate nationwide total lock down. Nagkakagulo na ang mga tao. Lahat nagpupumilit na makalabas sa mga lugar kung nasaan sila upang makauwi sa kanya kanya nilang pamilya. May mga duguan na at mga napilayan dahil sa nangyayaring pagtutulakan. Pinagsamang pwersa na ng AFP at PNP ang nakabarikada sa bawat entry at exit point ng bawat siyudad. May mga kuha ng mga law enforcers na gumagamit na ng water cannon para itaboy ang mga taong nagpupumilit makalagpas sa barikadang ginawa nila. Some are already using warning shots. May mga sundalo at pulis na rin na nasaktan dahil sa pagpipilit ng mga tao. All you can see everywhere is chaos...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD