Andrea's POV
(Ito yong nangyayari after tawagan ni Andrea 'yong hospital at habang tinatawagan sya ni Simon)
Habang pinapanood ko ang balita tungkol sa nangyayari after i-announce ng pangulo ang pagpapatupad ng nationwide immediate total lockdown para akong nanonood ng World War Z. Sobrang g**o. Nagkakasakitan na ang mga tao dahil sa pagpipilit na makalagpas sa barikda ng mga pulis at sundalo. I can't believe that all of this happened so fast. Kahapon lang namin napanood ang nangyayari sa China ngayon Pilipinas na ang nagkakagulo. Parang ang hirap paniwalaan na bigla bigla nalang nagkaganito ang sitwasyon.
Tutok ako sa pinapanood kong balita nung marinig kong may salaming nabasag sa baba. Hanggang sa unti-unti kong narinig ang ingay na nanggagaling sa iba't ibang direksyon nitong subdivision. Parang nagkakagulo?
I looked out the window and saw a lot of people running. May mga nambabato ng mga bahat, naninira ng sasakyan at --- Oh my God!. I ran as fast as i could nung makita kong may mga pumapasok sa mga bahay bahay. Halos talunin ko ang lahat ng baitang sa hagdan para lang mabilis na makarating sa unang palapag nitong bahay. I was calling my children's name pero walang sumasagot. Bakit hindi sila sumasagot?! As soon as i reached the end of the stairs may humablot ng buhok ko. Napasigaw ako sa sobrang lakas ng pagkakahila sa buhok ko and then i started clawing the arm of the man na kumakaladkad sakin. He brought me to the kitchen at halos manglambot ako nung makita kong nandito ang mga anak ko umiiyak habang tinututukan ng kutsilyo ng iba pang kasamahan ng lalakeng kumaladkad sakin.
"Anong kailangan nyo?! Huwag nyong sasaktan ang mga anak ko! Nakikiusap ako!" Pagmamakaawa ko pero nagtawanan lang silang lahat. Marami na rin akong naririnig na sigawan sa paligid. Mukhang mas lalo ng tumitindi ang nangyayaring kaguluhan.
"Pare magaganda itong mga anak nya. Baka pwde na naming arborin 'tong dalawang 'to?" Nakangising tanong ng isa sa mga lalakeng nangloob dito sa bahay namin.
"Bakit nyo ba ginagawa ito?! Umalis na kayo! Pabayaan nyo na kami!" Matapang na itinulak ni Samantha ang lalakeng may hawak sa kanya na mas nagpagalit pa sa kanila. Isang malakas na sampal ang natanggap ng panganay kong anak.
"Hayop ka! Hayop! Lumayo ka sa anak ko!" Galit na galit kong sinugod ang lalakeng nanampal sa anak ko pero malakas na namang hinila ng lalake sa tabi ko ang buhok ko.
"Sige na bahala na kayo dyan sa dalawang babae. Ikaw, kunin mo lahat ng makukuha mo dito sa bahay na ito." Maawtoridad na utos ng lalakeng katabi ko sa mga kasama nya.
"MAMA!!! MAMA TULONG! BITAWAN NYO KAMI! MAMA!" Diyos ko ano po ba itong nangyayari sa amin? Huwag nyo pong pabayaan ang mga anak ko.
"Parang nyo na po. Ako nalang ang saktan ninyo. Huwag na pong idamay ang mga anak ko. Nakikiusap po ako. Gagawin ko pong lahat ng gusto nyo huwag nyo lang silang idamay." Pagsusumamo ko. Hindi baling ako nalang ang maghirap at mapahamak huwag lang sila.
"Ayaw nila sa'yo. Matanda ka na eh. Gusto nila 'yong mga anak mo! Mga sariwa pa! HAHAHAHAHA----"
"Demonyo! Hayop! Lumayas kayo sa pamamahay ko!"Buong lakas ko syang pinagsasampal pero sadyang mas malakas sya sakin. Halos mawalan ako ng malay nung sinikmuraan nya ko pero pinilit kong manatiling gising dahil nakarinig ako ng mga kalabog sa itaas. Ang mga anak ko...
Tila naguluhan din ang lalaking naiwan kasama ko kung bakit nagkaroon ng mga pagkalabog sa itaas kaya iniwanan nya akong magisa at dali-dali syang umakyat. Lumipas ang ilang sandali ng sunod sunod pang kalabugan ay nakarinig na ako ng mga yabag ng paa. Nahihilo ako at nahihirapang tumayo pero pinilit ko dahil gusto kong malaman ang lagay ng mga anak ko. Kumapit ako sa kitchen counter saka hinila ang katawan ko patayo. Nagdodoble ang paningin ko pero pinilit kong magfocus. Dahan dahan akong naglakad papunta sa sala pero nagkamali ako ng hinawakan kaya muntik na akong matumba. Mabuti na lamang at may sumalo sakin pagkatapos ay inalalayan ako hanggang sa makarating ako sa sofa.
----
Napabalikwas ako ng bangon nung magising ako. Halos mabali ang leeg ko sa paglingon para tingnan ang buong paligid. Wala na ang mga lalakeng nangloob sa bahay namin.
"Samantha! Nicole! Nicolai!" Napalingon ako sa may bandang kusina nung makarining ako ng mga mabibilis na paghakbang.
Una kong nakita si Nicolai na mabilis na tumakbo palapit sakin at saka yumakap. Kasunod nya sila Nicole at Samantha. Pareho silang may mga pasa sa mukha. Bigla kong naalala ang binalak na gawin sa kanila ng mga nangloob sa amin.
"Nicole! Samantha! Anong ginawa nila sa inyo?!" Sinuri ko pang maigi ang mga katawan nila kung meron pa silang ibang sugat o pasa pero wala naman.
"Hindi po natuloy ang pinlano nila Mama kasi dumating itong sila Justine. Doon po sila nakatira sa kabilang bahay." Pagkasabi nun ni Samantha ay syang labas naman ng apat na binatilyo. Natatandaan ko nga sila.
"Magkakapatid kayo hindi ba? Mommy nyo si Mrs. Sarmiento?" Paninigurado ko.
"Opo, ako po si Justine ang panganay, ito naman po si Kris ang sumunod sakin, si Brandon po ang pangatlo at si Alfie naman po ang bunso." Magalang at nakangiti nyang pagpapakilala sa sarili at sa mga kapatid nya.
"Kung hindi po sila dumating baka kung ano na pong nangyari sa amin ni Ate." Mangiyak ngiyak na sambit ni Nicole.
"Patawad mga anak kung hindi ko kayo naipagtanggol. Hayaan nyo, at sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang nangyaring ito." Sabi ko habang yakap yakap silang dalawa. Natawa pa kami ng sumingit si Nicolai para makiyakap sabay sabing "Sali ako".
"Wala ka namang kasalanan Mama. Marami sila at puro lalake pa. Pare-pareho tayong walang laban sa kanila." Pang-aalo sa akin ni Samantha.
"Speaking of, paano niyo kinaya yong mga lalakeng iyon? Hindi ba kayo nasaktan?" Nagtatakhang tanong ko.
"Nasa states po sila Mama kaya kami lang ang naiwan sa bahay. Naglalaro po kami ng basktetball sa likod nung narinig namin nagkakagulo. Paglabas po namin napansin namin na may mga lalakeng pumasok sa bahay nyo. Nung nasa kusina po kayo nakasilip na po kami sa bintana nun. Alam naming hindi namin masasalisihan yong lalakeng nakabantay sayo kaya inuna naming iligtas sila Samantha. Inakyat po namin yong veranda ng kwarto nyo para makapasok kami dito sa loob ng bahay. Dala dala po namin yong mga baseball bat namin at 'yon ang pinanghampas namin sa kanila." Pagpapaliwanag ni Justine.
"Hindi ko alam kung paano ko kayo mapapasalamat sa ginawa nyong pagliligtas sa mga anak ko. Kung hindi dahil sa inyo baka kung ano ng nangyari sa kanila. Teka, eh nasaan na yong mga lalake?" Ani ko.
"Eh yong mga lalake po kasi na nangloob dito sa bahay nyo nasa taas. Itinali po namin sila nung nawalan sila ng mga malay tao dahil sa pagkakapalo namin sa ulo nila. Tapos ikinulong po namin sa guest room." Sagot naman ni Alfie sa tanong ko.
"Tumawag na rin po kami ng pulis para kunin sila dito Tita." Dagdag pa ni Brandon kaya tumango ko.
"Si Daddy po ba tumawag na?" Tanong naman ni Nicolai. Ngayon ko lang naalala na dinala din pala sya taas nung mga lalake kasama ng mga ate nya.
"Nicolai, anak? Ayos ka lang ba? Pasensya ka na hindi kaagad kita nakamusta. Masyado kasi akong nagalala sa mga ate mo. Sinaktan ka ba nila?" Pinagmasdan ko pa sya mula ulo hanggang paa kung may mga sugat ba sya o pasa pero salamat sa Diyos at wala naman.
"Hindi naman po nila ako sinaktan Mama pero isinama po nila ako sa loob ng kwarto na pinagdalhan nila kila Ate. Sorry po Mama, mga ate. Big boy na ako pero hindi ko man lang kayo naipagtanggol sa mga bad guys na nangloob dito sa bahay." malungkot na pahayag ni Nicolai.
"Nicolai wala kang dapat ihingi ng tawad. Ikaw ang baby brother namin ni Ate Samantha. Kami ang dapat na nagtatanggol at nagpoprotekta sayo." Nakangiting sagot naman ni Nicole sa kanya.
Diyos ko, maraming salamat po at hindi nyo pinabayaan ang mga anak. Maraming maraming po Panginoon.
Sabay sabay kaming napalingon sa may pinto nung may marinig kaming kumatok. Magkakasama kaming lumapit sa pinto pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay pinigilan ako ni Justine at sumenyas na sandali lang daw. Napakunot naman ang noo ko nung mabilis syang tumakbo papuntang kusina pero hinintay ko syang bumalik. Pagbalik nya ay may dala na syang baseball bat na may bahid pa ng dugo. Inihanda nya ang sarili nyang paluin ang sino mang papasok kapag binuksan ko ang pinto. Isang police officer ang bumungad sakin kaya napalagay ang loob ko at sinenyasan si Justine na ibaba ang hawak nyang baseball bat. Sumilip pa ko sa labas nung mapansin kong may naaninag akong ilaw. Isang police car ang nakita ko at apat pang police officer.
"Magandang araw po Ma'am. Ako po si PO1 Anthony Talavera. Narito po kami para hulihin yong mga nangloob sa bahay nyo. Pasensya na po kung natagalan kami. Nahirapan kasi kaming makalagpas sa mga nagkakagulong tao dito sa loob ng subdivision nyo." Nakangiting bati sakin ng pulis na nasa harap ko. Pinapasok ko sila at itinuro naman ng mga bata kung nasaan ang mga lalakeng nangloob sa amin.