Samantha's POV
Pinamamasdan ko si Mama habang kausap niya si Papa sa cellphone. Wala syang tigil sa pagiyak at halatang sinisisi nya pa rin ang sarili nya sa nangyari. Hindi umaalis si Nicolai sa tabi nya at patuloy syang inaalo. Papa can't come home dahil implemented na ang nationwide total lockdown and base sa mga nangyayari mas delikado na galing sya hospital tapos uuwi sya dito sa bahay. Sobrang bilis daw ng pagtaas ng bilang ng infected at ang nakakatakot pa lahat ng nainfected ay namamatay within hours lang after nila mainfect. Hanggang ngayon wala pa ring idea ang kahit sino kung anong klaseng virus ang kumakalat ngayon at kung paano ito natatransmit.
Mabuti nalang at nandito sila Justine kaya may katulong kaming magayos ng mga nasirang bintana pagkaalis ng mga pulis. Tinakpan nila Justine ng plywood ang bawat bintana at hinarangan ng plastic cover ang front at back door nitong bahay. Nagdisinfect din kami para masiguradong walang nakapasok na bacteria dito sa bahay dahil sa mga nangyari kanina. After naming tapusin ang mga dapat naming gawin ay binigyan ni Justine ng kanya kanyang pwestong babantayan ang mga kapatid nya. Si Brandon at si Alfie ang pinagbantay nya sa itaas habang si Kris ang pinagbantay nya sa kusina to watch out for the back door. Sya ang nakatokang magbantay sa front door. Lahat sila may mga hawak na baseball bat.
"Ate, okay ka lang ba talaga?" Tanong ni sakin ni Nicole ng makalapit sya. Diretso syang nakatingin sa mga mata ko.
"Oo naman. Ikaw? Ayos ka lang ba?" Balik tanong ko habang hinahagod ang likod nya.
"Hindi ako okay Ate. Naging sobrang jumpy ko at paranoid. Pakiramdam ko hanggang ngayon na nakatutok pa sa leeg ko yong kutsilyong hawak ng walang hiyang lalakeng 'yon." Naiiyak na pag-amin nya.
"It's okay to feel like that Nicole. What happened to us is very traumatic. Kung gusto mo munang magpahinga at magstay sa kwarto mo, we will understand." Pagkatapos kong sabihin yan ay niyakap ko ang kapatid ko. Awang awa ako sa kanya dahil alam kong sobrang laki ng naging impact ng nangyari sa kanya.
Muntik na kaming marape. Muntik ng mababoy ang p********e namin. Kung hindi dumating sila Justine, kung hindi sila naglakas loob na tumulong siguradong nagawa na ng mga hayop na 'yon ang masamang binalak nila sa aming magkapatid. Alam kong lahat ng nangyayari sa buhay ng isang tao ay may rason. 'Yan ang palaging pinapaalala sa amin nila Mama. Lahat ng bagay may dahilan. Hindi magbibigay ang panginoon ng pagsubok na hindi kayang lagpasan ng isang tao. Pero bakit kailangang maranasan ng isang tao ang ganito kasamang karanasan? Bakit kailangang ipag-adya ng Diyos na maranasan ng isang babae ang ganitong klase ng karahasan? Maswerte kaming magkapatid na merong nagmalasakit at naglakas loob na tulungan kami. Pero paano nalang kung wala?
Nahinto ako sa malalim na pag-iisip nung humiwalay sa pagkakayakap ko si Nicole. Nakangiti na sya kahit may bahid pa rin ng luha ang kanyang maga mata. Nagumpisa na syang maglakad palapit kay Mama na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak at kausap pa rin si Papa. Pinagmasdan ko silang dalawa. Sa aming magkakapatid, si Nicole ang nakakuha ng ugali ni Mama. They're both emotional lalo na pagdating sa mga mabibigat na problema. Nicolai and Papa are the same. Ngumingiti pa rin sila sa kabila ng problema. They trust God so much that they know he will provide all the answers to our every prayer. Me? Relihoyoso naman ako pero i am also a pragmatic person. I always believe in facts and evidence. Sabi nga ni Papa dapat daw medicine ang kinuha kong course. Pero mas gusto kasing maging pulis. Nakakatawa ano? Criminology graduate ako pero wala akong nagawa nung pinasok kami ng mga lalakeng 'yon kanina. Sobrang bilis kasi ng pangyayari. Isa pa, wala tayo pelikula na himalang kinakaya ng bida ang sangkaterbang kalaban nya kahit nagiisa lang sya tapos wala pang armas. This is real life. Hindi ako pwdeng magmatapang dahil buhay ng Mama ko at ng mga kapatid ko ang malalagay sa panganib kung mas pinili kong magpasikat. Besides, hindi pa naman ako pulis. Kakagraduate ko lang last year. Magaapply palang sana ako sa PNP next month pero hindi ko alam kung matutuloy pa ba 'yon dahil sa mga nangyayari ngayon. Napatigil ako sa pagiisip nung mapansin kong may nakatitig sakin.
"What?" I mouthed. It was Justine, Titig na titig sya sakin tapos nakakunot pa ang noo nya. Problema nito? Umiling lang sya tapos ngumiti. Eh?
"Ate Samantha pwde mo ba akong ipagprepare ng pagkain? Nagugutom kasi ako eh." Nagpuppy eyes pa si Nicolai habang sinasabi 'yan kaya napangiti ako.
"Sinong gusto ng meryenda!?" Sinadya kong isigaw ang pagsasalita para marinig ako nung dalawa sa itaas. Natawa nalang ako nung narinig kong nagmamadali silang makababa.
"Tama ba 'yong narinig namin? Meryenda ba kamo?" Hindi ko napigilang matawa ng malakas.
"Oo, anong gusto nyo?" Natatawang tanong ko sa kanila.
"Kahit ano basta meryenda, oks na oks na 'yon!" Sabay nilang sagot. Nag-apir pa silang dalawa. Parang mga tanga.
----
Sinamahan ako ni Nicolai dito sa kusina habang nagpe-prepare ako ng meryenda. Nandito si Kris dahil dito ang toka nyang bantayan. Halos hindi nya inaalis ang tingin nya sa labas at handang handa ang hawak nyang baseball bat. Hindi man lang ba sila natatakot na pwde silang masaktan? Parang sobrang tapang nilang magkakapatid. Pero ang kukulit din naman nila.
"Ate, gawa tayo ng mga barricade sa labas ng bahay tapos mga traps para kapag may nagtangka ulit pumasok dito sa bahay natin hindi na sila magtatagumpay." Nagulat ako ng biglang nagsalita si Nicolai out of the blue. Pati si Kris napatingin sa kanya at sobrang nagtakha.
"Alam mo Nicolai magandang idea 'yang naiisip mo eh. Bakit hindi natin gawin 'yon Samantha? Para bukod sa pagbabantay sa mga possible entrance dito sa bahay nyo eh may outter protection pa tayo di ba?" Pagsang-ayon naman ni Kris. Nung tumingin ulit ako kay Nicolai eh sobrang lapad ng ngiti nya at halatang proud sya dahil nagagree si Kris sa sinabi nya.
"Eh saan naman tayo kukuha ng mga gamit para sa paggawa ng barricade at traps?" Tanong ko.
"Sa bahay. Maraming hunting tools si Brandon kasi hobby nya 'yon kapag nagbabakasyan kami sa probinsya at hilig nya rin ang paggawa ng mga traps para sa mga hinahunt nya." Sagot naman nya.
"Eh di ba bawal ang hunting dito sa pinas? Buti hindi sya nahuhuli." i responded.
"Pagmamay-ari ng family namin ang lupang ginagawang hunting ground ni Brandon. Hindi sya lumalagpas sa boundary ng property." Pagpapaliwanang naman nya.
Napatango ako. I realized that it was actually a great idea. Hanggang ngayon pa rin umaalis ang mga tao sa labas. Ang dinig ko wala silang balak umalis. They already sen't military trucks sa labas ng subdivision pero hindi pa sila nakakapasok dito sa loob dahil hinarangan ng mga tao ang gate. They even held the subdivision's security guards as hostages kaya mas lalong nahihirapan ang mga authorities na pumasok. From what we heard, walang balak umalis dito ang mga tao hangga't hindi sila pinapayagang makalagpas sa mga checkpoint. Wala kaming idea kung gaano katagal ang aabutin ng sitwasyon namin ngayon pero hangga't safe kami ayos na rin. Nakiusap ang isa sa mga police official na nasa labas kanina sa mga taong nagtake over ng subdivision na tigilan na ang p*******t ng mga residente dito na sinang-ayunan naman nila.
Habang nagmemeryenda ay pinagusapan na namin ang paggawa ng barricade at traps to protect our home. Naging maganda ang mga idea nilang magkakapatid kaya madali lang kaming nakabuo ng plano. We were amazed with Nicolai kasi lumabas 'yong talent nya sa engineering. Marami syang ipinakitang how to do videos ng mga bagay na pwde naming gawin para makapaglagay ng mga harang traps sa kabuuan nitong property namin. Pero nagulat kami nung nagsuggest din si Justine na doon nalang kami magstay sa bahay nila dahil mas madaling lagyan 'yon ng mga effective traps at barricade. Nasa end na ng subdivision ang mga bahay namin pero bahay nila Justine ang nasa pinakadulo kaya mataas na pader na ang makikita mo sa likod ng bahay nila. Pagkatapos ng mahabang paliwanagan ay napapayag din namin si Mama. Ang plano is mamayang gabi kami pupunta sa bahay nila Justine para hindi kami gaanong pansin ng mga tao sa labas. Susubukan din naming makabalik dito sa bahay ng ilang beses para makakuha ng mga kakailanganin naming gamit. Mas malaki ang bahay nila Justine kaya mas magkakasya kaming lahat doon. Three palang ng hapon at tirik na tirik pa ang araw kaya ilang oras pa ang hihintayin namin bago kami makalabas pero inumpisahan na naman ang pagaayos ng mga gamit na dadalhin namin.