Video of Heal The World By Michael Jackson is attached enjoy!! Muwaps!
Narrator's POV
On other parts of the country and the world
"The White House announced that United States already have 1.5 million confirmed deaths because of this still unknown virus. The president is begging every Americans to be vigilant and careful. Strict implementation of social distancing and a country wide total lockdown has already begin. This is Andy Simmers reporting live for the Washington Daily"
"Mass hysteria has erupted after the president announced the total number of confirmed deaths a few minutes ago. The joint force of the Dallas Police Department and 2nd infantry battalion of the Fighting Eagle Platoon from Texas military camp has already positioned their selves on every entry and exit point around Dallas. Hospitals are in full alert for possible injured citizens because of this situation. Alex Friggs reporting live for Dallas News Daily."
"Riot and chaos has erupted in every state of the United States after the president announced the country wide total lockdown and the true number of the confirmed deaths. The virus is still unknown and China is still maintaining their silence. Reports coming from across every states are coming in about new incidents of a death possibly caused by the virus. There is nowhere to go. How will the White House fight this unseen enemy? This is Marcos Evans reporting live for U.S Today."
"Napapanood nyo ngayon sa inyong mga television screen ang nagaganap sa bawat siyudad sa kalakhang maynila. Bawat lansangan ang may nagaganap na kaguluhan at marami ng mga pulis at sundalo ang nasasaktan. Ilang oras matapos ibaba ng pangulo ang kautusan sa agarang pagpapatupad ng nationwide total lockdown ay patindi na ng patindi ang kaguluhang nagaganap sa ating mga kakalsadahan. Nagpadala ng mensahr ang heneral ng AFP na nakikiusap sa mga tao na huminahon at huwag daw munang matipon tipon. Ilang kaso na rin ang naiulat tungkol sa mga indibiduwal na bigla bigla nalang tumutumba sa ginta ng mga nangyayaring kaguluhan. Ito po si Carl Quintos nag-uulat para sa channel 5 news."
Kahit anong channel ang panoorin mo sa tv puro kaguluhan ang makikita mo sa kahit saang parte ng mundo. Bawat bansa ay nag-anunsyo na ng kani-kanilang country wide total lockdown. Lahat ng flights sa lahat ng paliparan ay kanselado na rin. Ang bawat schedule ng pagbabyahe ng mga sasakyang pangdagat ay pinatigil. Lahat ng klase ng transportasyon panghimpapawis, pangtubig o panglupa ay pinagbawalan na munang bumyahe. Lahat ng business establishments ay pinasara na rin. Ang nananatili nalang bukas ngayon ay mga medical facilities at funeral services.
In just two days after the virus was made public it already killed a total of 10 million people world wide. Meron pa bang katapusan ang pagdurusang ito? Ito ba ang kabayaran sa maling pag-aalaga natin sa mundo? O kabayaran sa pagkalimot natin sa amang nasa itaas? Ito ba ang kaparusahan sa mga maling paraan natin ng pamumuhay? O totoo ngang nalalapit na ang paghuhukom? Paparating na nga kaya ang katapusan ng mundo? Paano na lang ang mga kabataang ngayon palang sumisibol? Paano na ang mga pangarap na ngayon palang nila binubuo? Paano na ang mga magulang na nangangarap na makita ang kanilang mga anak na inaabot ang kanilang mga pangarap? Hindi na ba mabibigyan ng pagkakataon ng ang mga taong pinaglayo na muling magtagpo? Is this the end of humanity? Hindi na ba mabibigyan ang mga tao ng pagkakataon na magbago? Na pagsisihan ang kanilang mga kasalanan? Na itama ang kanilang mga pagkakamali? Na isaayos ang kanilang mga buhay? Hanggang dito nalang ba ang kasaysayan? Hindi ba't parang hindi makatarungan kung ating iisipin?
Makikita sa bawat tv at maririnig sa bawat radyo ang mga ulat tungkol sa mga kaguluhang nagaganap sa buong mundo. Tunay na nakakapanindig balahibong malaman na hanggang ngayon ay hindi pa rin ang nagsasalita ang China sa kung saan nagmula ang virus, kung anong klaseng virus ito at kung paano it natatransmit. Hanggang ngayon ay wala pa ring kibo ang China sa mga paliwanag na hinihingi ng WHO kung bskit hindi nila agarang inireport ang virus outbreak na kanilang naranasan. Dahil sa mga nangyayaring kaguluhan ay naglalabasan na rin ang mga balita tungkol sa maaaring pagsiklab ng digmaan ng mga malalakas na bansa kagaya ng U.S laban sa China. Maging ang North at South Korea ay nagpahayag na rin ng kanilang galit dahil sa pagpapabaya ng China patungkol sa virus outbreak. Ang United States ay nagpahaging na ng bahagya na ang ganitong uri ng kapabayaan ay hinding hindi nila mapapalagpas. Ang pangulo ng Pilipinas ay nananatiling tahimik tungkol sa issue ng digmaan dahil alam nyang hindi kakayanin ng bansa na makisali sa isang digmaan.
Bawat tao ay nakatutok sa kanilang mga radyo o telibisyon at tinututukan ang mga kaganapan tungkol sa virus. Lahat ng mga mayroong kamag anak sa iba't ibang bansa ay nakatutok sa kani-kanilang mga telepono o f*******: accounts para mag-abang ng update mula sa kanilang mga mahal sa buhay na nasa malayo. Lahat ay takot na baka isa na ang kanilang mga mahal sa buhay sa napapabalitang mga namatay dahil sa virus. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng pagkakakilanlan ng mga namatay ang mga pamahalaan ng bawat bansa. Kaya naman ang mga taong walang natatanggap na balita tungkol sa kanilang mahal sa buhay na nasa malayo ay hindi mapalagay. Hangga't wala silang natatanggap na balitang isa ang kanilang mahal sa buhay sa mga namatay dahil sa virus ay hindi rin sila tumitigil sa pagdadasal na sana ay manatili ang mga itong ligtas at malayo sa sakit. Patuloy pa rin silang umaasa na tatawag, magtetext o magchachat din ang mga ito sa kanila. Magdasal lang tanging nilang magagawa sa mga oras na ito.
May mga taong nakita ang halaga ng kanilang pamilya dahil sa nangyayari ngayon sa mundo. Ang mga pinalad na maabutan ng total lockdown kasama ang kanilang pamilya ay nakita ang kahalagahan ng paglalaan ng sapat na oras para sa pamilya. Ang mga anak na noon ay mas ninanais na maglakwatsa kasama ang kanilang mga barkada ay lubos ang pagpapasalamat na inabutan sila ng lockdown kasama ang kanilang mga magulang. Ang mga magulang na hindi nakakapaglaan ng sapat na oras para sa kanilang mga anak ay nakita ang kahalagahan ng kanilang pamilya. Ang mga magkakapatid na halos hindi na magkita kita ay nagkaroon ng pagkakataong muling magsama sama. Ngunit ang mga hindi pinalad at nasa malayo ay walang magawa kundi ang managhoy at mas lalong mangulila sa kanilang mga mahal sa buhay. Hinihiling na sana ay mabigyan pa sila ng pagkakataong makita ang kanilang mga asawa, mga magulang, mga kapatid o mga anak.