Simon's POV
Simula nung makausap ko ang asawa ko ay hindi ko na inalis ang cellphone ko sa bulsa ng coat na suot ko. Sobra kong sinisisi ang sarili ko dahil wala ako sa tabi nila sa oras na pinakakailangan nila ako. Hindi ko man lamang sila naprotektahan laban sa mga masasamang loob na nagtangka sa buhay nila. Hindi ko magawang isipin kung ano ang kinailangan nilang pagdaanan sa kamay ng mga walang hiyang iyon. Mabuti nalang at mayroong nagmalasakit at tumulong sa kanila. Ano nalang ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa pamilya ko.
-Flashback-
"Bakit ba hindi sila sumasagot sa mga tawag ko?!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko dahil abot abot na ang kaba ko. Halos isang oras ko na silang tinatawagan pero hangang ngayon ay wala pa ring sumasagot kahit sino sa kanila.
Hindi na talaga ako mapakali! Uuwi na ako!
Pagdating ko sa lobby ng ospital ay nagmamadali na akong tumungo sa exit pero pinigilan ako ng guwardiya bago pa ako tuluyang makalabas.
"Dr. Angeles saan po kayo pupunta?" Tanong niya.
"Uuwi na ako. Kailangan ako ng pamilya ko." Sagot ko.
"Pasensya na po Dr. Angeles pero hindi ko po kayo mapapahintulutang lumabas hangga't hindi po ang head ng hospital ang nagbibigay ng pahintulot."
Hindi ko na sya sinagot at patakbo na akong tumungo sa opisina ni Doc. Santillian. Ni hindi na ko kumatok at dire-diretso nalang na pumasok sa loob. Naabutan kong may mga binabasang papel si Doc. Santillian kaya tumikhim ako para makuha ko ang atensyon nya.
"Yes Dr. Angeles?"
"Dr. Santillian i'm sorry, but i need to go home. I think my family needs me right now." Diretsong sabi ko.
"I'm so sorry Dr. Angeles. I know that you are worried about your family but i can't let you leave. Delikado para sa pamilya mo na umuwi ka lalo na't hindi pa natin natetest ang mga hospital personnel. Gusto mo ba na kung halimbawang infected ka man ay pati sila mahawaan mo pa?"
"I understand the situation Dr. Santillian but i really think that my family needs me now." i insisted.
"Even if i allow you to leave hindi ka pa rin makakauwi Dr. Angeles dahil lahat ng entry at exit points sa buong Metro Manila ay ipinasara na.--
"I know Dr. Santillian but i really need to ---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tumunog ang cellphone ko. It was my wife. Oh! Thank God!
I looked at Doc. Santillian and he just smiled and mouthed "Go" so i nodded and went out of his office before answering the phone."
-End of flashback-
Pagkatapos ikuwento sakin ni Andrea ang lahat ng nangyari sa kanila ay napaupo nalang ako sa isa sa mga upuan sa waiting area. Hindi ako makapaniwalang muntik ng mapahamak ang pamilya ko. Pati ang buong subdivision ay natake over na ng mga taong nagpipilit na makalagpas sa mga checkpoint. Napakagulo na ng nangyayari sa mundo. Habang kausap ko si Andrea ay pinapalabas naman sa tv dito sa may lobby ang kaganapan sa iba't ibang parte ng mundo at kung ano ang nangyayari dito sa Metro Manila ay doble o triple pa ang nangyayari sa ibang mga bansa. Nagkaroon na ng insidente ng p*****n, may mga nagsimula ng manunog ng mga bahay at establishments. People are afraid, hysterical and depressed.
Hindi rin nakaligtas sa pandinig ko habang kausap ko ang pamilya ko na may mga bangkay na sunod sunod dinala sa morge kanina. Puro DOA ang lahat ng mga bangkay na dumating. Ang last update na natanggap namin ay 10 million na ang total number of deaths. Kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon eh hindi malabong maubos ang lahat ng tao sa buong mundo bago matapos ang taong ito.
I walked around the hospital. Hindi naman ako natatakot na mainfect ng virus dahil hindi ko tinatanggal ang face mask na suot ko hangga't wala ako sa opisina ko. Sinisigurado ko rin na bago ako pumasok sa loob ng opisina ko ay nahubad ko na ang protective suit na gamit ko at nakapagsanitize na. While walking around the hospital nakita ko ang mga pasyente at nurse even mga doctor na nagiiyakan. May mga narinig akong umiiyak dahil ang kanilang mahal sa buhay ay isa sa mga nasawi dahil sa virus. It's already ten in the evening pero buhay na buhay ang paligid dito sa hospital dahil sa dami ng isinugod na nasaktan dahil sa mga nangyaring riot. Maikoconsider ng lumamig na ang sitwasyon sa mga lugar sa palibot ng hospital dahil mangilan ngilan nalang ang dinadala ditong biktima ng kaguluhan pero ang mga tao ay hindi pa rin bumabalik sa kanilang mga tinutuluyan. Hanggang ngayon nagpipilit pa rin silang makalagpas sa mga checkpoints at makauwi sa kanilang pamilya. Napahinto ako sa paglalakad nung marinig kong tumunog ang cellphone ko.
"Hello Samantha? Ayos lang ba kayo?" I asked immediately.
[Yes, Papa. Eveything's fine. Tumawag lang ako para ipaalam sa inyo na lumipat po kami pangsamantala dito sa bahay nila Justine. Every now and then po kasi umiinit ang sitwasyon sa pagitan ng mga nagtake over ng subdivision at ng mga law enforcers sa labas. Kaya naisip namin na mas safe kami dito. Isa pa po Papa, gumawa po kasi kami ng mga barricade and traps sa palibot ng property nila Justine kaya safe po kami dito.] Paliwanag naman sa akin ng panganay naming anak.
"Ang mga kapatid mo? Ayos lang ba sila?" Tanong ko ulit.
[Opo Papa, maayos po sila, pati na rin po si Mama. Ako na lang po tumawag sa inyo dahil pinatulog na po muna namin si Mama. Sobra po kasi syang napagod sa mga nangyari.] She stated.
"Samantha anak, maraming maraming salamat sa pag-aalaga mo sa mga kapatid mo at sa Mama mo habang wala ako. Patawarin mo sana ako anak kung wala ako sa tabi nyo para ipagtanggol kayo." Hingi ko ng paumanhin.
[Pa, we understand po. Doctor ka at sa mga panahong kagaya nito kailangang kailangan ka ng bansa. Basta po alagaan mo ang sarili mo dyan at palagi kang mag-iingat. Huwag kang magpapainfect Papa ha? Oo nga pala, si Nicolai daw po kakausapin ka.] Napakaswerte ko sa pamilya ko.
[Hello po Papa! Alam nyo po, katulong po akong gumawa nung barricade at traps dito sa bahay nila Kuya Justine. Ang galing ko po ano? Papa mag-iingat kayo dyan ha? Promise mo po magkikita pa tayo ulit.] My son. Oh, i miss my son.
"Talaga? Katulong ka nila sa paggawa nung mga iyon? Ang galing talaga ng anak ko. Oo naman anak. Pangako ko, magkikita pa ulit tayo. Mahal na mahal ko kayo." Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng luha sa mga mata ko.
[Mahal na mahal ka rin namin Papa. Ay, Papa may sasabihin pala ako sayo.] Napakunot naman ang nuo ko sa sinabi nya pero hindi muna ako nagsalita. [Si Ate Samantha po saka si Kuya Justine magboyfriend na tapos si Ate Nicole at Kuya Brandon naman nagliligawa-----
(Hoy! Nicolai! Anong pinagsususumbong mo kay Papa ha? Huwag kang sumbong ng sumbong ng kung ano ano dyan ah!) Narinig kong sita ni Nicole sa kanya. Gusto kong matawa pero pinigilan ko ang sa sarili ko at saka seryosong nagsalita.
"Sabihin mo sa mga kapatid mo hintayin nila ang pag-uwi ko ha. Anak, kailangan ko ng bumalik sa trabaho. Bye na ha? I love you anak." Nakita ko ang isang nurse na tinatawag ako kaya nagpaalam na ako kay Nicolai.
"Code blue Dr. Angeles" Pagkarinig ko nun at tumakbo na agad ako sa emergency room.
---
I have never seen a situation like this. I've been a Doctor for 20 years pero ito ang unang beses na nakakita ako ng ganito kalagim na situation. We have 30 people in the emergency room, all covered in blood. I quickly assessed the situation at lumapit sa isang tingin ko ay pinakanangangailangan ng immediate attention. I checked the man while giving instructions to the nurses on what to do in each patient.
"Oh my God!" Lahat kami ay abala sa pagaasikaso sa mga dumating na sugatan mula sa nangyaring road accident sa di kalayuan ng makarinig kami ng sigawan ng mga tao. Nagkatinginan kami pero alam naming hindi namin pwdeng iwan ang mga pasyenteng inaasikaso namin. Pagkalipas ng ilang sandali ay may nurse na pumasok ng emergency room. Halata ang takot at pag-aalala sa mukha nya
"Five nurses and two doctors collapsed at Pedia ward, four nurses collapsed in the ICU unit and we have 4 nurses here. They're all dead." Wika ng nurse bago mabilis na tumakbo palabas.
"Oh my God!"
"Paano na tayo nito"
"Calm down everyone. I need your focus. We have people here who badly needs our help. We're wearing protective suits so we're gonna be fine. Keep your focus everybody." Kalmadong saad ko kahit ang totoo ramdam na ramdam ko na ang pagpapawis ng buong katawan ko dahil sa takot. Diyos ko, gusto ko pa pong makauwi sa pamilya ko.