Narrator's POV
Pagkatapos gamutin ng emergency team ni Simon ang mga sugatan dahil sa nangyaring road accident ay nag-ikot ikot sya sa buong hospital na sana pala hindi nya nalang ginawa. Bawat building na puntahan nya ay may nakikita syang mga nakahandusay na hospital personnel. Guards, nurse, orderlies, maintenance even doctors. May mga natitira pa namang buhay pero iilan nalang. Nalaman nya na sa Pedia ward pala nagumpisang may magcollapse hanggang sunod sunod na ang nagcollapse sa buong building. Within a matter of an hour halos lahat na ng employado sa buong hospital ay patay na. Kinikilabutan, nanghihina, nawawalan ng pag-asa, naaawa sa mga katawang wala ng buhay. Ilan lang 'yan sa mga emosyong magkakasabay nyang nararamdaman.
"Dr. Angeles ano na pong gagawin natin? Iilang nalang po tayong natitirang buhay. Naikot ko na po ang buong hospital at sobrang lala na po ng sitwasyon." Mangiyak ngiyak si Nurse Anna ng iapproach sya.
"Let's be careful for now. I'll talk to Dr. Santillian para malaman natin kung anong gagawin natin." He tried to smile at her para kahit papaano mabawasan ang takot na nararamdaman nya.
---
It's already 4 in the morning at wala pa rin syang tulog. Nagtulong tulong na silang lahat para maialis ang mga bangkay na nakakalat sa loob ng hospital. He decided not to tell his family about what happened dahil ayaw nyang mas lalo pa silang mag-alala sa kanya. Isa pa, isa syang doctor, kaya sa mga ganitong klase ng sitwasyon dapat hindi sya matakot. Kaya nyang alagaan at protektahan ang sarili nya. Kailangan nya ring maging matatag dahil uuwi pa sya sa kaniyang pamilya. Gagawin nya ang lahat makasama nya lang muli ang pamilya nya.
There were 40 people left alive sa loob ng hospital out of the 2,000 employees na present last night at 6 patients na natirang buhay which are all in the ICU units. Sa sobrang dami ng mga namatay punong puno na ang morge kaya wala na silang choice kundi pagpatung-patungin nalang ang mga bangkay. Doc. Santillian commanded for the morgue to be locked as well the exit near it and the whole floor where it is located dahil walang funeral homes ang gustong kumuha sa mga bangkay. Naiintindihan naman nila kung bakit ayaw magpadala ng mga funeral homes ng mga tao nila para kunin ang mga bagkay para maicremate. The virus outbreak has doubled since the last updated coming from the WHO. From 10 million deaths, nasa 24 million deaths na around the world. The hospital board already reported everything to DOH at nagrequest na sila ng lockdown ng hospital para maiwasan na may mahawa pang iba kung tatanggap pa sila ng iba pang mga pasyente na inaprubahan naman ng DOH. Kaya simula ngayon bawal ng tumanggap ng mga bagong pasyente itong hospital. Kahit ang mga kamag-anak ng mga natitirang pasyente na nasa ICU ay hindi na rin papayagang dumalaw.
"Sandali lang, oras na pala ng rounds ko sa ICU. Ichecheck ko muna yong mga pasyente doon." Sabi ng isang nurse.
"Samahan na kita." Alok naman ng isa pa.
Tumango ang babaeng nurse kaya sabay na silang naglakad palayo. Masaya silang nagkukwentuhan at nagbibiruan para libangin ang kanilang mga sarili kaya hindi nila napansin ang paglapit ng ilang kalalakihan mula sa kanilang likuran. Nagulat na lamang sila ng may maramdaman silang matigas na bagay na nakadiin sa kanilang tagiliran.
"Walang sisigaw, sumunod nalang kayo kung ayaw nyong masaktan." Banta ng isa sa mga lalake.
Nagkatinginan ang dalawang nurse at saka sabay na tumango kahit parehong nakakaramdam ng sobrang takot. Saka lang nila napansing b***l pala ang nakatutok sa kanilang tagiliran. Hindi rin nila mamukhaan ang mga lalakeng nakapalibot sa kanila at tinututukan sila ng mga b***l dahil lahat sila ay nakaprotective mask
"Lakad!" Patulak na utos ng mga lalakeng may hawak sa kanila."
----
Mula sa pagiging maingay ng hospital ilang oras na ang nakakaraan ay nabalot naman ito sa matinding katahamikan. Wala ng mga doctor at nurse na paikot ikot o mga orderlies na nagkukwentuhan. Wala ng mga maintenance crew na naglilinis habang nagchichismisan. Halos lahat sila ay patay na. Nagsama-sama sa may lobby ang mga empleyado ng hospital na naiwang buhay. Minabuti nilang huwag ng maghiwa-hiwalay para mabawasan ang nararamdaman nilang kalungkutan at takot.
"Hindi ba dapat ialis na rin tayo dito? Sa sobrang dami ng mga namatay sa hospital na 'to siguradong nakatambay na dito yong virus na 'yon." Wika ng isa sa mga orderlies na nakaligtas habang umiiyak.
"Kaya nga eh. Gusto ko ng umuwi at makasama ang anak ko." Dagdag naman ng nagiisang maintenance na naiwang buhay.
"Empty battery na ang cellphone ko. Malas pa kasi naiwan ko sa bahay 'yong charger ko. Siguradong alang-ala na sakin ang nanay ko. Sino ba'ng may iphone charger sa inyo? Pahiram naman oh." Tanong naman ng isang nurse.
Tahimik lang silang pinagmamasdan ni Simon habang siya ay hawak ang kanyang cellphone at pinagiisipan kung tatawagan ang kanyang pamilya. Gusto nyang ipaalam sa pamilya nya kung ano na ang nangyayari sa kanila pero ayaw naman nyang mas lalong mag-alala kanyang mag-iina.
"Sinong nagugutom? Kukuha ako ng makakain. Kanina pa kumakalam ang sikmura ko." Tumayo na ang orderly para pumunta sa employee pantry at kumuha ng pagkain.
"Samahan na kita para makakuha tayo ng pagkain para sa lahat." Ani ng isa pang babaeng nurse habang tumatayo.
"Tingnan natin kung ano na ang nangyayari. Manood tayo ng balita." Wika ng isa sa mga kapwa doctor ni Simon bago tumayo at binuksan ang tv saka nilakasan ang volume.
"Samahan ko na kayo para hindi kayo mahirapang magbibit ng pagkain." Si Simon na tumayo na rin mula sa kinauupuan nya. Sabay sabay silang nagtungo sa employee pantry para kumuha ng kanilang makakain. Hindi pa sila nakakalayo nung mapansin ni Simon na may mga lalakeng de b***l na naglalakad papunta sa kinaroroonan ng mga kasamahan nila. Mabilis nyang hinila paupo ang dalawang babaeng kasama nya at sinenyasan na huwag maingay.
"May mga lalakeng armado na pumasok dito sa hospital. Hawak na nila si nurse Jessica at nurse Alvin. Papunta sila ngayon sa lobby." Pabulong nyang sabi sa mga kasama nyang nurse na napatakip sa kanilang bibig dahil sa gulat at takot.
Pagapang na lumapit sila sa Simon sa pader na nilikuan nila kanina para tingnan kung ano na ang nangyayari sa mga kasama nila. Lahat sila ay napatakip sa kanilang mga bibig ng makita nilang nakaluhod ang kanilang mga kasamahan habang may mga nakatutok na b***l sa kanilang ulo. Lahat sila ay nagiiyakan na. Pinapanood nila ang isang reporter na nagbibigay ng update tungkol sa virus outbreak sa tv kaya hindi nila napansin ang pagdating ng mga armadong kalalakihang nakasuot din ng mga protective gear. Kung pagbabasehan ang tindig at kilos ng mga lalakeng iyon ay mahahalata mo ang kasanayan sa kanila. There's no confusion or uncertainty in there eyes. All Simon can see is pure and utter evil.
"Oh my God! Anong gagawin natin?" Pabulong pero umiiyak sa sabi ni nurse Liza.
"Ano pa?! Eh di umalis na tayo! Mamamatay tayo dito kapag hindi tayo umalis!"Madiin pero pabulong namang tugon ni nurse Karen.
"Ano?! Iiwan nalang natin sila sa mga lalakeng 'yan? Paano kung anong gawin sa kanila ng mga hayop na 'yan?"Naguguluhang sagot naman ni nurse Liza.
"Lalabas tayo para humingi ng tulong. Maghahanap tayo ng mga pulis na nakadestino sa malapit para mailigtas ang mga kasamahan natin. Hindi tayo pwdeng magstay dito dahil for sure makikita at makikita nila tayo." Buo ang loob na pahayag ni Simon. Nagkatinginan muna si sila nurse Liza at nurse Karen bago sabay na tumango.
Gumapang silang tatlo hanggang marating nila ang fire exit saka patakbong tinahak ang hakdan hanggang makarating sila labas ng likurang bahagi ng hospital. Nakahinga sila ng maluwag nang makitang walang kahit isang kasamahan nung mga armadong lalake ang nagbabantay sa parteng ito ng hospital. They ran as fast as they can papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse ni Simon. He drove the car as fast as he could palayo ng hospital. Nakahinga sila ng maluwag ng walang humabol sa kanila. Nang makalayo na sila sa hospital ay hindi na napigilang umiyak ni nurse Liza.
"Muntik na tayo doon! Muntik na!" Niyakap naman sya ni nurse Karen para pakalmahin. Simon just kept driving para maghanap ng pulis o sundalo na mahihingian ng tulong. Malapit na silang mawalan ng pag-asa dahil lahat ng madaanan nilang tao ay patay na. Either may tama ng bala, sunog ang katawan o mga mukhang namatay dahil sa virus. They almost gave up ng may mamataan silang police car sa di kalayuan. Kumaway ang isa sa apat na pulis na nakita nila nung mapansin sila nito. One of them approached Simon's car paghinto nito.
"Magandang umaga po Sir. Saan po tayo?" Magalang na tanong nito kay Simon.
"Good morning Sir. I'm Dr. Simon Angeles from Santillian Medical Center. May mga armadong lalake po na nagtake over ng hospital right after kaming maglockdown. Hawak po nila 'yong mga kasamahan naming naiwang buhay. Tulungan nyo kaming mailigtas sila." Tumango ang pulis na kausap nya bago ito tumawag sa police radio na hawak niya at naglakad pabalik sa kanyang mga kasamahan. Ilang sandaling naghintay sila Simon bago nila nilang magkakasabay na ang apat na pulis na lumapit sa kanila. What happened next is something they never expected.