Chapter 10

1375 Words
Andrea's POV Nasaan ako? Bakit sobrang dilim ng paligid? "Samantha? Nicole? Nicolai? Simon?" Ilang ulit kong tinawag ang pangalan nila pero wala akong natanggap na sagot. Sobrang lamig ng paligid at pakiramdam ko nasa loob ako ng isang kuweba dahil nageecho ang boses ko. Naglakad lakad ako para hanapin kung nasaan ang daan palabas pero parang pakiramdam ko ang layo na nag nalalakad ko eh wala pa rin akong nakikitang kahit ano sa paligid. Puro kadiliman lang nakikita ko kahit saan ako lumingin. "Andrea..." Napalingon ako sa kaliwa ko nung marinig kong may tumawag sa pangalan ko. "Andrea..." Ngayon naman nasa kanan ko na ang tumatawag sa pangalan ko. "Andrea..." Kilala ko ang boses na 'yon! "Simon?! Simon, nasaan ka?!" Nagpalinga linga ko para hanapin kung nasaan si Simon. "Andrea..." Nung lumingon ako sa likuran ko ay nakita ko si Simon na nakangiti sakin pero malungkot ang mga mata nya. Nabaling ang tingin ko sa suot nyang damit. Ito pa 'yong damit na suot nya nung huli ko syang makita at --- "Hon?! Oh my God! Hon, anong nangyari sayo?!" Patakbo ko syang nilapitan dahil puro dugo ang damit nya. Hindi ko na napigilang umiyak nung yakapin ko sya. "Hon, palagi kayong mag-iingat. Huwag mong pababayaan ang mga anak natin." Ani Simon saka nya ako marahang inilayo sa kanya. Umiiyak sya at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata nya. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago sya unti-unting lumayo. Hindi sya humahakbang pero palayo ng palayo. Napansin kong habang lumalayo sya ay para lumalabo din ang imahe nya. "Simon!!" Napabalikwas ako ng tayo nung magising ako. Panaginip. Panaginip ang lahat. Lumuhod ako sa gilid ng kama para magdasal. Hindi wala mawala-wala ang kabang nararamdaman ko sa dibdib ko. Diyos ko 'wag naman po sana. Patnubayan nyo po ang asawa ko, Panginoon. Huwag nyo po syang pababayaan. --- Nicole's POV Pinagmamasdan ko ang mga tao sa labas na nagtake over nitong subdivision namin mula sa veranda ng kwarto ni Brandon. Hanggang ngayon ayaw pa rin nilang umalis. Simula kagabi ay wala na kaming kuryente dahil ilang minuto pagkatapos naming makapaglipat ng ilang mga gamit namin pinatay na nila ang kuryente sa buong subdivision. Kaya buong gabi tuloy kaming walang tulog. Kinailangan naming bantayan ang lahat ng pwdeng maging entry point dito sa bahay at inayos na rin nila ang mga traps sa palibot. Kagabi ko napatunayan ang kasabihang "don't judge the book by it's cover" kasi kahit pala mukhang timang tong magkakapatid na 'to eh napakatalented at ang tatalino pala nila. "Hindi pa rin naaayos ang linya ng kuryente kaya hindi tuloy makapanood ng tv. Kahit 'yong cellphones natin patay na rin." Narinig ko na nagsalita sa likuran ko si Brandon kaya napalingon ako sa kanya. "Wala pa rin silang balak umalis dito. Hanggang kailan ba nila balak na manggulo dito? Hind ba sila naaawa sa'tin" Napapailing na lang ako. "Honestly? Naiintindihan ko sila eh. Gustong gusto nilang umuwi para makasama ang pamilya nila. Sa tindi ng virus na kumakalat ngayon, walang ligtas kahit sino sa'tin. Siguro iniisip nila kung mamamatay din naman sila dahil sa virus eh mas okay ng makasama nila ang pamilya nila hanggang sa huli." Seryosong sagot nya. "Pero hindi naman tama na ipapahamak nila ang ibang tao dahil lng sa pangsariling kagustuhan nila. May tao silang sinaktan dito. May mga properties silang sinira." Napakunot ang noo nung makitang magkakasabay na lumalakad ang mga tao sa labas papunta sa gate ng subdivision. Lumapit pa ako sa veranda at medyo tumingkayad para mas makita ko ang nangyayari sa may bandang unahan nila. "Anong nangyayari? Saan sila pupunta?" Pati si Brandon napadungaw na din sa veranda at nagtatakha kung saan pupunta ang mga tao. Nagkatinginan kaming dalawa ni Brandon bago kami sabay na lumabas ng kwarto at tumakbo pababa. May nangyayari kaya mukhang aalis na ang mga tao. Kailangan naming malaman kung ano 'yon. Pagkababa namin ay hindi ko pinansin sila Mama na tinatawag pa ang pangalan ko. Patakbo akong lumabas ng bahay at dumiretso sa gate nitong subdivision. Hindi naman kasi pwdeng grabe 'yong pagmamatigas nila na hindi sila aalis dito hangga't hindi sila pinapayagang makalagpas sa mga checkpoint tapos bigla nalang silang aalis. Pagdating ko sa labas ng gate ng subdivsion halos bumaligtad ang sikmura ko. Lahat ng mga pulis at sundalo na nagbabantay dito sa labas ng subdivision ay walang buhay na nahandusay dito sa kalsada. Sariwa pa ang mga dugo sa katawan nila kaya mukhang kani-kanina lang nangyari ang pagpatay sa kanila. Inilibot ko ang paningin ko and all i can see is a dead body. Nagkalat din ang mga basyo ng bala sa sementadong daan. "F*ck! Anong nangyari dito?" Si Brandon na kakarating lang. "Sh*t! What the hell happened here?" Si Justine. "Si Mama at Nicolai 'wag nyong palalapitin dito!" Utos ko sa kanila na sinunod naman nila agad. "Oh my God!" Ate Samantha ran to check kung may mga survivor ba. She immediately scanned the area. Maya't maya syang mawawala dahil pumupunta sya likod at loob ng mga police and military vehicle para tingnan kung maililigtas pa. Si Kris ang naiwan kasama nila Mama at Nicolai para hindi na sila lumapit pa dito. Si Alfie naman tumulong din kay Ate Samantha sa paghahanap ng survivor. "Anong nangyari dito?" Tanong ng isa sa mga kapitbahay namin na lumapit din para tingnan kung anong nangyari. "May mga sasakyang dumating at pinagbabaril sila. Mukhang planado pa nga eh kasi lahat sila nakasilencer. Walang nagawa 'yang mga pulis at sundalo nung pinagbabaril sila." Pagkukwento naman nung sundalo. What the hell is happening? Bakit sila pinagpapatay? Ano na ba talagang nangyayari? ---- Samantha's POV Habang tinitingnan ko ang mga bangkay dito sa labas ng subdivision namin ay panay ang dasal ko na sana may makita pa akong buhay. Sana kahit isa man lang may nakaligtas sa kanila. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga tama sila ng bala. Sinong mga walang puso ba ang gumawa nito? Nagkakagulo na ang mundo pero may mga tao pa ring nakakaisip na gumawa ng kasamaan. Halos nacheck ko na lahat ng bangkay nung may mapansin akong gumagalaw sa kaliwa ko. "Tulong..." Isang sundalong nakadapa at duguan ang napansin kong pilit itinataas ang kanyang kamay. "May buhay pa rito! Tulong! Dito! Bilis!" Sigaw ko. Ilang segundo lang ay naglapitan na ang mga kapit bahay namin, maging sila Brandon at Justine ay nandito na rin. Tulong-tulog silang nagbuhat sa sundalo habang ako dinodouble check ko 'yong mga kasama nya kung may buhay pa pero wala na talaga. Isa sa mga kapitbahay namin ang nagkataong may bisitang kamag-anak na doktor kaya sya ang gumamot dun sa sundalo. Grabe ang tama nya sa tagiliran and dibdib pero himalang wala raw timaang mga internal organs kaya mabubuhay sya. Wala pa syang malay nung iniwan namin sya sa bahay nila Mrs. Rosales pero ang sabi nung doktor normal lang naman daw iyon. Hayaan lang syang makapagpahinga kasi maraming dugo daw ang nawala sa kanya. Pagdating namin sa bahay pare-pareho kaming nagiisip kung ano ang nangyari. Lahat kami iisa ang tanong sa isipan. Bakit may pumatay sa mga pulis at sundalo na nagbabantay sa labas ng subdivision? "Ano sa tingin mo Sam? Bakit kaya sila inambush? Is it political? Or is it something much much worst?" Napalingon ako nung magsalita si Justine. "Alam mo, 'yan din ang iniisip ko eh. Iba ang kutob ko sa nangyari sa kanila. Mukhang meron pang mas malala na dapat nating paghandaan." Pag-amin ko. Napayuko si Justine at mukhang nag-iisip ng malalim. Guwapo nga pala talaga ang isang ito. Kaya siguro maraming bali-balita na napakababaero daw nya. Sa itsura nito mukhang maraming babae ang naghahabol dito eh. Nagagawa pa kaya nitong magseryoso sa relasyon? Oh kagaya din sya ng iba na paplay play at pafling fling lang? "Sam?!" Nagulat ako nung may nagsnap ng daliri sa harap mismo ng mukha ko. "Ano ba?! Bakit mo ginawa 'yon?!" Inis na tanong ko para hindi nya mahalatang nahihiya ako sa kanya dahil nahuli nya kong nakatitig sa kanya. "Alam kong guwapo ako, Sam. Pero 'wag mo naman akong titigan. Naiilang ako eh." Nakangising sagot nya. Binabawi ko na ang sinasabi ko. Hindi ko na sya pinansin at nagtungo nalang ako sa kusina para maghanda ng makakakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD