Chapter 11

1064 Words
Simon's POV It's been a day since they took us. Hindi nila kami sinasaktan hangga't hindi namin sila binibigyan ng dahilan. Hindi namin alam kung saan nila kami dinala dahil nakapiring kami sa buong byahe. Wala naman silang sinaktan sa mga kasama naming naiwan sa hospital na ipinagpapasalamat ko. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kailangan pa nila kaming kunin? Inalis lang nila ang piring sa mga mata namin nung naipasok na nila kami sa isang kwarto. Walang bintana sa kwartong pinaglagyan nila sa amin kaya hindi namin alam kung umaga pa ba o gabi na. "Kumakalam na ang sikmura ko. Kahapon pa tayo hindi kumakain. Ano ba talagang nangyayari? Bakit ba nila tayo kinuha? Ano bang kailangan nila sa atin?" Umiiyak na tanong ni nurse Jessica. "Oo nga, bakit ba kailangan pa nila tayong isama? Wala naman silang mapapakinabang sa atin. Isa pa, may virus outbreak na nga ganito pa ang ginagawa nila." Maging si nurse Karen hindi na rin napigilang umiyak. "Huwag na kayong umiyak. Tatagan nyo ang loob nyo. Gagawa tayo ng paraan para makatakas dito. Makakaalis tayo dito." Kumpyansang sagot naman ni nurse Alvin. Kaming dalawa ni Dr. Elton Gabriel ay tahimik lang sa isang tabi. Maging si Dr. Santillian ay tahimik lang din dun sa kabilang sulok. Kinuha nila ang mga ang cellphones at wallet namin. Tapos ang narinig ko sa isa sa mga lalakeng kumuha sa amin ay mapapakinabangan daw kami ng husto. Mamapakinabangan sa paanong paraan? Ano bang binabalak nila sa amin? Tumayo ako at sinubukang sumilip sa maliit na salamin ng pinto. Parang sinadyang ganito lang kaliit ang salamin na ito para hindi makasilip ng maayos ang kung sino mang nasa loob. Mataas din masyado ang posisyon ng salamin na ito para magamit sa pagbubukas ng pinto kung sakali. Nung una wala akong nakikitang kahit ano sa labas. Maliwanag pero wala akong makitang kahit anong gamit. Sinubukan ko pang gumilid at sipatin ang nasa kaliwa't kanang bahagi ng kinaroroonan namin nung mapansin kong parang isang mahabang pasilyo ang kinaroroonan ng kwartong kinalalagyan namin. Nakita kong may paparating na lalake kaya dali-dali akong bumalik sa pagkakaupo ko. "Oh, kumain na kayo." Padabog nyang inilapag sa harap namin ang pagkain at tubig. Tinapay na hindi ko alam kung anong klase ang pagkaing inihain nila para sa amin. Kahit hindi ako tiwala sa itsura ng tinapay ay napilitan akong kumain. Ganoon din ang mga kasama ko. Kung gusto naming makatagal dito hanggang sa makakuha kami ng pagkakataong makatakas eh kailangan naming panatilihin ang lakas namin. Tiningnan ko ang mga kasama kong tahimik din na kumakain habang hindi mapigilan ang pag-agos ng luha sa mga mata nila. Paniguradong kagaya ko, iniisip din nila ang mga mahal nila sa buhay. --- Nicolai's POV Simula kagabi hanggang ngayon hindi pa rin kami nagkakaroon ng balita kung ano ng nangyari kay Papa. Hanggang ngayon kasi wala pa rin kaming kuryente. Wala naman kasing marunong mag-ayos nung sinira nung mga taong nanggulo dito sa amin. Hindi na mapakali si Mama sa kakaisip kung ano na bang nangyari kay Papa. Si Ate Samantha naman at Ate Nicole busy sa pagpapakalma sa kanya. Wala pa namang naiinfect ng virus dito sa subdivision namin. Kaya feeling ko safe pa rin kami. Pero sila Kuya Justine hindi mapakali. Inilabas ni Kuya Brandon ang mga hunting rifle nya kanina. Manghang mangha nga ako kasi ang dami. Pero bawal naman daw akong humawak kasi bata pa ako. Ang daya nga eh. Tapos alam nyo ba? Akala nila Ate Samantha at Kuya Justine hindi ko sila napapansin. Palagi silang magkasama at palagi din silang nagtitinginan. Si Kuya Justine tititigan nya si Ate Samantha kapag akala nya walang nakatingin. Si Ate Samantha naman napapangiti nalang kapag kausap nya si Kuya Justine. Alam nyo, para sakin, bagay silang sira dalawa. Ito namang si Kuya Brandon palaging iniinis si Ate Nicole. Palagi nyang ginagalit si Ate Nicole then kapag galit na si Ate papatawanin nya naman. Nakakakilig sila, ano? "Hoy, bata. Anong nginingiti-ngiti mo dyan? Tanong sakin ni Kuya Alfie paglapit nya. "Wala po Kuya Alfie. May iniisip lang ako." Pagdadahilan ko. "May napapansin ka ba sa mga kapatid natin? Tingnan mo silang apat." Ngumunguso pa sya sa direksyon nila Ate Samantha habang sinasabi 'yon. "Alam mo po Kuya Alfie, 'yan din talaga ang iniisip ko eh." Nakangiting pag-amin ko. "Boto ka ba sa mga Kuya ko kapag nagkataon?" Nakangiting tanong nya sakin. "Hmmmmm, tingin ko naman po okay ang mga Kuya mo. Basta wag lang nilang papaiyakin ang mga ate ko dahil lagot sila sakin!" Ipinakita ko pa ang kamao ko sa kanya kaya natawa sya. ---- Meanwhile.... "Tol, talagang balak mong ituloy 'yong plano mo? Hindi ba't para mo na ring inilagay ang buhay natin sa alanganin nun? Paano kung may makuha tayong infected? Eh di nahawa pa tayo." "Kaya nga ang pinapakuha ko sa mga bata ko eh 'yong mga mukhang malalakas at malusog. Malaki ang mapapakinabang natin kapag nakaipon tayo ng maraming survivors." "Ano ba kasi talaga ang naiisip mo? Hindi ko talaga magets kung anong tumatakbo dyan sa kokote mo eh." "Ang hina mo talaga tol eh. Kapag nasakop na natin ang buong Metro Manila mapapasa-atin na ang lahat ng nasasakupan nito. Magkakaroon tayo ng malaking emperyo! Pagkatapos nating masakop ang buong Metro Manila, yong mga kasunod na lugar naman ang sasakupin natin hanggang sa makasakop natin ang buong Luzon! Hanggang sa ang buong Pilipinas ang pagmamay-ari natin. Kapag nangyari 'yon mapapalawak at mas mapapalaki pa natin ang drugs and guns smuggling business natin. Kakailanganin ng mga tao ang b***l dahil sa paglala ng epekto ng virus outbreak na 'yan! Kaya kakailanganin nila ng proteksyon!" "Aba, oo nga ano. Ang galing mo talaga tol. Iba talaga ang talino mo. Tama ka dyan sa naisip mo. Mas malaki ang kikitain natin kapag nagkataon." "Ikaw lang eh. Wala kang kabilib bilib sa utak ko. Tayo ang maghahari dito sa Pilipinas. Magtiwala ka lang sakin.' "Oo tol. Bilib na bilib na talaga ako sayo. Ibang klase ka talaga." Nahinto ang magkapatid sa masaya nilang paguusap ng may kumatok sa kanilang opisina. "Pasok!" "Eh Sir, nandyan na sila Gaston kasama nung mga bagong batch. Hawak na natin ang Mandaluyong, Parañaque, Makati, Quezon City, Pasay at Manila." "Magaling! Hahahahahaha! Magaling!" "Mukhang mahuhusay nga ang mga bata mo tol. Mahuhusay." "Talagang mahuhusay ang mga 'yan. Maaasahan ang mga 'yan sa lahat ng bagay. Hahahahaha!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD