CHAPTER 11 "KULUKOYKO"

1625 Words
To : Meisungit Goodnight beautiful sweet dreams! ?? Pag ka uwi na pag kauwi ko galing sa paghatid kay meisha tinext ko sya agad . excited ako bukas lalo na at makakasama ko sya ng matagal. Sayang nga lang di ako ang partner nya sa tent pero tama lang din yon kase baka di ko mapigilan ang sarili ko at mabuntis ko sya pero paano nga pala no? Muntik ko na malimutan wala nga pala kong sperms! hahaha napapraning na naman ako .. Ilang sandali lang nag reply na sya ang bilis ah.. Napangiti naman agad ako .. From: Meisungit Goodnight din kolokoy hahaha ?? Tulog na maaga pa tayo bukas! Kumunot naman agad ang noo ko at nag tataka sa word na tinext nya .. Kolokoy ? Ano yun? Tinapay? Muka ba kong tinapay? Agad ko syang nireplyan .. To: Meisungit What is kolokoy beautiful ? Tinapay ba yon? Muka ba kong tinapay? ? Wala pang ilang minuto nag reply na sya .. From: Meisungit Hahaha ! Tinapay naman ? ano naman kinalaman ng tinapay dito ha? HAHAHA! Alam mo kamuka mo na naman yung emoji mo lex ! Hahaha kolokoy Ka talaga ! To: Meisungit Ano nga yung kolokoy ? Shokoy ? Muka ba kong shokoy ? You outch me mei you outch me from the bottom of my heart! ?? Nag try ako mag inarte sa text . ginaya ko ang techniques ni kyle sabi nya kasi dagdag pogi points daw yun hahaha ... Ewan ko ba pero malay natin gumana diba? From: Meisungit Whahahah ! Ang arte e ! Iyak Ka na nyan ? Kawawa naman kolokoy ko ? Hahaha tulog na maaga pa tayo bukas ! Bukas kana mag inarte ha sweet dreams ? happy bangungot! ? Wait.. Kolokoy ko ? Kolokoy ko ... Kolokoy ko .. Tinawag nya ko na kolokoy nya ? With matching kiss na emoji? What the ? Napa suntok nalang ako sa hangin na akala mo naka jackpot ! To: Meisungit Sge good night ganda ko ?? sunduin kita bukas sweet dreams! Pag tapos ko sya replyan tinignan ko muna ang gallery ng cellphone ko , at pinag masdan ang mala anghel nyang muka habang natutulog , oo aminado ako . kinukuhaan ko sya ng picture tuwing makaka tulog sya sa loob ng kotche ko . Ewan ko ba hindi ko din alam kung bakit ginagawa ko yun. Good night meisha .. Sabi ko sa picture nya na nasa phone ko sabay kiss sa screen . ---- Ang aga ko gumising ngayon . naligo din ako ng maaga at inayos na ang mga gamit na dadalhin namin papunta sa bundok .. Tinext ko narin si kyle na sakanila na sumabay si Inigo yung kaibigan ko na pinsan nya kasama din namin yon sa US mag lakwatcha. kakauwi lang ni inigo galing US kaya naisipan na din naming isama .. Tinawagan ko naman agad si mei kaso di naman sinasagot . baka naliligo na . wag naman sanang tulog pa kung hindi matatagalan ako mag antay sa kanya sa labas ng bahay nila .. Tinext ko nalang sya para I informed .. To: Meisungit Good morning magandang dilag otw na ko dyan ? Pag katapos ko sya itext Agad agad kong pinatakbo ang sasakyan ko mahaba haba ang byahe namin ngayon dahil Batangas pa kami pupunta .. Habang nag dadrive ako biglang tumunog ang phone ko .. Kaya tinignan ko muna . Napangiti naman ako kasi reply nya agad ang nakita ng mga mata ko.. From: Meisungit Sorry di ko nasagot tawag mo kakatapos ko lang maligo saan kana ? Ingat sa pag dadrive ha! Hindi ko na nireplyan si mei at pinatakbo ko na ng mas mabilis ang sasakyan . Wait me beautiful parating na ko.. Sabi ko habang nag mamaneho... ----- MEISHA'S POV Saktong pag laba ko ng gate nakita ko agad si alex na nakasandal sa sasakyan nya hmm.. Mukang pinalipad ang sasakyan kahit walang pakpak ah ambilis kase.. Nasa byahe na kami ngayon papuntang Batangas . Hoy kolokoy , kalabit ko Kay alex na masyadong busy sa pag da drive .. Yes my beautiful ? Kinilig naman ako sa tawag nya saakin kahit alam ko naman na maganda talaga ko Hahaha! . pero syempre nag pipigil ako ng ngiti mahirap na baka isipin pa nitong baliw na to may gusto ko sa kanya .. Wala nga ba ? Biglang umepal naman yong dibdib ko sa sinasabi ng isip ko .. TSS may alter na ata ko ? O baka talagang nahawa na ko kay iyah at elaija saklap naman kung ganon wala ng may matuwid na isip sa aming tatlo Hahaha ... Antok ako lex tulog pwede tulog muna ko ? Mahaba pa naman byahe e. Paalam ko sa kanya kasi bigla kong inantok kaya ayoko ng buma byahe e lagi ako inaantok o baka epekto to ng sobrang kilig kagabi? .. Tumango naman sya agad at nakangiti pa .. Ang Alex na to talagang baliw ! Pero ang gwapo namang baliw neto. Pero syempre dahil magandang baliw din ako nginitian ko din sya at dahil sa di ko din mapigilan ang sarili kumarengkeng nag wink pa ko sa kanya at saka pinikit ang nag gagandahan Kong mga mata .. Nagising ako ng tapik tapikin ako ni Alex sa muka. At gaya parin ng dati napaka lapit ng muka nya saakin.. Hey mei gising na andito na tayo" Narinig kong sabi ni Alex . A dahil sa inaantok pa talaga ko kinalawit ko ang mga braso ko sa batok nya at nag siksik sa leeg nya .. Ambango naman ng kolokoy na to!! "Eheeemm " narinig kong tumikhim si Alex kaya dinilat ko ang mata ko at nagulat ako na sobrang dikit pala ng mga katawan namin ! God ! Bakit ba kasi napaka pala desisyon ko! " ano tapos kana ba amuyin ang leeg ko beautiful ? " halata ang pang aasar ni Alex sakin sa tono ng boses nya kaya bumitaw na kaagad ako .. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya. Self kalmahan mo lang kasi wag kang pala desisyon sabi ko sa sarili ko habang napapalunok sa kahihiyan.. Nahuli ko naman sya na naka ngiti ang hayup nato .. Ano nginingiti mo dyan!? Mataray kong puna sa kanya.. "May pinatupad ho ba na batas sa congreso na pinag babawal ang pag ngiti kagalang galang na Ms. Meisha Angela Griffin?" Napa hawak nalang ako sa noo ko na natatawa sa inaakto ng tao na to. Mukang inaatake na naman sya ng ka abnormalan. Ilang saglit lang mag kakasama na kaming lahat at sabay sabay na kumain . katabi ko si Alex pero nahihiya parin ako sa ginawa ko kanina. Bakit kasi ang gaga ko at nagawa kong i pulupot ang braso ko sa leeg nya? . Di ko naman pwede i reason na heheadlockin ko sya unang una hind kami nag re wrestiling. Hoy meisha OK ka lang ba ? Tanong ni elaija mukang napansin nya ang pagiging tahimik ng mas maganda sa kanya .. Oo naman no Okay lang ako lumamon kana dyan baka pag nabilaukan ka isisi mo pa sakin! . bulyaw ko sa kanya nag tawanan naman ang lahat tss.. Ano nakakatawa sa sinabi ko? At tsaka mahirap na baka mapansin nya ang tense na nararamdaman ko at asarin na naman ako ng asarin nakakahiya sa mga kasama namin.. Shit ! Bulong ko ng biglang hawakan ng pasimple ni Alex ang kamay ko . pakirmdam ko may kuryenteng dumadaloy sa buo Kong katawan . inalis ko agad ang kamay ko sa pag kakahawak nya at lakas loob na tumingin sa kanya ng nakataas ang kilay .. Are you okay mei masama ba pakiramdam mo ? Mababakas sa boses ni alex ang pag aalala. Nakonsensya naman agad ako kaya ngumiti nalang ako at tumango sa kanya para iparating na okay lang ako. Di lang talaga mawala sa isip ko ang kagagahan kong nagawa kanina. Nang makita ni alex na okay lang naman talaga ko ngumiti sya agad saakin. Ang gwapo talaga haisst bat ang pogi pogi nya ata sa paningin ko ngayon? "Alexis ! Why you so gwapo" .. Sabi ng isip ko.. Pag katapos namin kumain nag pahinga lang kami saglit para mag patunaw ng kinain. At eto na sasabak na kami sa gyera tang ina .. Mei ? Kalabit ni Alex saakin .. Bakit ? Tanong ko sa kanya .. " Beautiful sa akin ka lang didikit ha ? Akong bahala sayo " .. Biglang bumilis ang takbo ng t***k ng puso ko lalo na ng ngumiti sya umoo nalang ako sa kanya para di na mangulit .. Bakit ganto ? Di ko ma ipaliwanag ang nararamdaman ko . di ko maipaliwanag ang di normal na pag bilis ng t***k ko sa galaw ni Alex ayoko bigyan ng dahilan . ayoko na mag assume at lalong ayoko masaktan .. Masaktan ? Tanong ko sa isip ko .. Bakit nga ba ako masasaktan ? Wala naman akong gusto sa kanya .. Wala nga ba ? Sabat ng isip ko.. Di kami talo diba? Hindi nga ba? Kontra ulit ng isip ko .. Haiisssstt !! Nakaka baliw nakaka praning!! Alex ano Ka nga ba talaga saakin ? At nag kaka ganto ko sa maliit na bagay na pinag gagawa at pinag sasabi mo .. Let's gooooo !! I'm ready !! Naputol ang pag iisip ko sa sigaw ni elaija na excited na excited .. Let's go mei don't be afraid okay? I will always be here for you beautiful no matter what.. " Nakangiting sambit ni Alex .. Oh Alex why you so sweet ... Sabi ng isip ko na naman.. bago tuluyan mag lakad at tumingin sa katabi ko na biglang hinawakan ang kamay ko .. Alex....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD