CHAPTER 10 MALAPALASYONG BAHAY

1833 Words
Meisha's pov Alam mo yung feeling na ang saya mo kahapon tapos pag gising mo nakaka bwisit na ? Yun yung pakiramdam ko ngayon . kung tatanungin nyo kung bakit ? Mei wake up ! Wake up ! Mei gising na ! Hoy meisha !!!!!! Yan ang dahilan ! Bwisit !! Ang aga aga mang istorbo ni iyah at elaija ! Nakaka leche talaga ang sarap sarap ng tulog ko dahil mag ka text kami ni alex . minsan talaga nag sisisi ako kung bakit binigyan ko ng duplicated ng susi ng kwarto ko ang dalawang to .. Nakaka gigil .. Kayong dalawa ano bang problema nyo ha !! Bwisit kong sigaw sa kanila ang aga aga naman kase e! Pag gantong oras dapat tulog pa ko e , dahil wala namang pasok haisst .. Tsss.. Aalis tayo mei ! Naka ngiti pang pag kaka sabi ni iyah . at si elaija naman mukang tuwang tuwa .. TSS ano bang nakaka tuwa sa umaga na to ? Haisst !! Lumayas na kayo dito sa pamamahay ko wag nyo ko isama sa mga kagagahan nyo !! Beast mode kong sabi sa kanila at takip ng unan sa muka para di ko makita ang mga pag mumuka nila . Sa palagay ko mukang may rampa na naman ang dalawa at ayoko sumama dahil Mas gusto ko pang maka text si alex kesa sumama sa kabaliwan ng dalawa Kong kaibigan na mukang nakulangan ng bakuna haisst.. Speaking of alex ? Kinuha ko agad ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at tinignan kung may text na si kumag . Mukang tulog pa dahil wala pang greet ng good morning . nasanay siguro ko na pag gising ko at titignan ang cellphone ko ay text agad ni alex ang makikita ko .. Mei maligo kana bilis ! Sabi ni elaija na mukang excited na excited at kumikinang pa ang mata .. Bilis na kasi mei! papunta na si kyle dito .. Nag taka naman ako sa sinabi ni iyah ano naman kaya ang gagawin nun dito ? At bakit naman pupunta ang boyfriend mo dito ha IYAH BUENAFLOR! ? Gagawin nyo pang motel ata tong kwarto ko ah .. Napansin ko naman agad ang biglang pag ka bigla ni iyah at pamumula ng muka, pag kasabi ko ng motel . hmm mukang may Tina tago tong babaeng to ahh.. Mukang sumuko na ang perlas ng silangan mula sa pananakop ng mga hapon. Hahahaha! Gaga ! Susunduin tayo ni kyle ! . sabat ng bungangerang elaija nato . at bakit naman tayo su sunduin nun ? As if din naman na sasama ko ? Taas kilay Kong sabi sa dalawa . Ayoko sumama sila nalang mag tetext text nalang kami ni alex malili gayahan pa ko sa mga joke nun kahit napaka walang kwenta. Kesa ma ngunsumi sa dalawang bestfriend ko . Ano nanaman yang ngini nginiti nyong dalawa ! Napansin ko agad na mga naka ngiting aso na naman .. Ano na naman kayang kalokohan ang pumapasok sa mga isip nito wala kong time sa mga kabaliwan nila. Dahil ang iniisip ko ngayon ay mag ipon ng energy para sa puyatan mode namin ni alex mamaya. Di ka talaga sasama mei ? Naka ngiting tanong ni elaija saakin .. Ayaw mo talaga bes ? Siguradong sigurado Ka na ba ? Si iyah naman na mukang tanga . haist ano ba problema ng mga to ? Oo ayoko sige na ! Shuu ! Alis na ! Mga istorbo .. Taboy ko sa dalawa para maka tulog na ko ulit .. Bumalik ako sa pag kaka higa at tumagilid sa dalawa bahala sila sa mga buhay nila malaki na sila .. Narinig ko naman biglang nag ring ang phone ni iyah .. Hello babe ? Ayaw sumama ni mei sabihin mo Kay alex kami nalang ni elaija OK .. OK .. Bye I love you bilisan mo na bago pa ko mapikon !. Sabi ni iyah sa kausap nya sa kabilang Linya mukang si kyle yon babe daw e .. Tsaka narinig ko ang pangalan ni alex , lumingon ako sa dalawa at binigyan lang naman nila ako ng nakaka bwisit na mga ngisi .. Sige na mei ! Matulog kana dyan aalis na kami sweet dream bes ! Mapang asar na sabi ni iyah at tumalikod na .. Kamusta kana lang namin Kay alex mei. Sasabihin ko na din na tulog mantika Ka . bye bes sweet dreams! . ngiting nakaka asar na sabi ni elaija at tumalikod na din pahabol Kay iyah .. Mga bwisit talaga ! Tumayo nako agad .. Wait saan ba tayo pupunta ? Tanong ko sa dalawa kahiy may idea naman na ko kung saan at nag tawanan naman ang mga walang hiya .. Hahahaha !! Kela alex kami pupunta pag uusapan yung para sa hiking bukas ..15 na kaya bukas monthsary na ni iyah at kyle kaya kailangan mag plano para wala na poproblemahin bukas. Sabi ni elaija .. Alam ko ! Alam Kong monthsarry ng dalawa bukas .. Sabi ko Kay elaija gagawin pa Kong tanga ng babaeng to . nako ! Kahit kailan talaga ang gaga tsaka pano ko naman hindi matatandaan at makakalimutan na monthsary nila bukas e parang sirang plaka to si iyah na paulit ulit binabangit ! Akala ko ba di Ka sasama ? Kasi diba inaantok ka pa? Sige mei alis na kami malapit na si kyle sa ---- Wait lang ! Bibilisan ko maligo kumain muna kayo dyan ! Sabay takbo ko sa kwarto ko di ko na pinatapos si iyah sa sasabihin nya .. Dahil mang bu bwisit lang sya lalo .. Narinig ko nalang ang tawa ng dalawang impakta . Kung kanina pa nila sinabi na kela alex ang punta Edi sana kanina pa ko naligo para ready na pag dating ni kyle .. Paligoy ligoy pa kasi ang dalawa .. Tsk tsk may araw ding tong dalawang to saakin . Dali dali ako naligo , nag toothbrush, nag bihis at nag ayos ng konti .. Pag baba ko nakita ko si kyle at ngumiti saakin . nginitian ko naman sya . O Tara na ? Yaya ni kyle Bilis mo ata maligo mei sa pag kaka alam ko nag mo moment ka pa sa banyo diba? Hahahaha .. Pang aasar ni iyah . Di Ka ata inabot ng isang oras sa banyo ngayon ? Himala ? Pang aasar din ni elaija . Sinamaan ko lang ng tingin ang dalawa . kung wala lang si kyle binatukan ko na tong mga best friend ko baka hindi lang batok may kasama pang sabunot! .. Nag kayayaan na umalis at sumakay kami sa sasakyan ni kyle .. Wala pang 15 minutes tumigil kami sa napaka laking gate ano to compound? Sa isip isip ko. pinapasok naman agad ng guard ang sasakyan ni kyle .. Bahay ba to ? Narinig Kong sabi ni elaija , natawa natawa nalang kami sa reaction ni elaija . Kung tutuusin parang di naman kasi talaga to simpleng bahay lang akala ko pa nga compound, kung titignan napaka high class naman talaga .. Mala palasyong bahay .. Magandang araw mga madam ako nga pala si medring katiwala ng pamilya nila alex. Pag papakilala ng isang matada saamin .. Pumasok kami sa loob ng bahay nila alex at lalo akong namangha sa ganda ng loob ng bahay nila . Hindi lang ako ang namangha kundi pati si elaija at iyah . napansin ko ang napaka laking family picture nila alex .. Bes kamukang kamuka ni alex ang papa nya . bulong ni iyah saakin . oo nga carbon copy sya ng tatay nya .Muka silang royal family bakas sa mga muka nila ang maramyang buhay at bonus pa ang mga muka nila na nabiyayaan ng napaka gagandang pigura .. O andyan na pala kayo ! Tara sa garden ! Narinig Kong sabi ni alex . At damn masasabi Kong ang gwapo nya sa sando at board short n suot suot nya ang papi nya tignan.. Talaga bang ganyan ang pambahay nya ? Haisst iba talaga pag mayaman .. Dinala kami ni alex sa sa garden nila at isa lang masasabi ko talagang wow ! Tumabi sya saakin at as usual bumulong ganto naman kami lagi bulungan moments .. Kumain kana ba beautiful ? Bigla naman ako nahiya nung tinawag nya kong beautiful , pakiramdam ko nag iinet ang buong muka ko .Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya .. Alex bakit ganto young bahay nyo mala Palasyo ? Bahay ba talaga to ? Natawa naman kami lahat sa tanong ni elaija Kay alex . kahit naman ako namangha pero ayoko naman ipakita na ignorante ako no . hahaha Hindi katulad ni elaija na pag gusto nya sasabihin nya talaga napaka direct to the point .. Halatang di pa nakaka move on sa pag kamangha sa bahay nila alex . Parang palasyo ba ? Hahaha it means I am the princess in the palace ? Whahahaha! Natawa naman ako sa sinabi ni alex kahit kailan gago talaga to kausap pero isa yun sa ugali nya na tuwang tuwa ako . Nag usap usap na kami about sa mga gagawin at dadalhin bukas may isa pa pala kaming kasama na lalaki bukas. Bali anim kami lahat , si iyah at kyle ang mag kasama sa isang tent . ako naman at si elaija , tapos si alex at yung pinsan ni kyle na lalaki ang mag kasama sa tent kabigan din daw yun ni alex at kakauwi lang galing US kahapon . Hapon palang ng mag pasya kami mag uwian dahil maaga panga daw kami bukas . Kay alex nila ko pinahatid at young dalawa si kyle ang mag hahatid. Tama lang din yon kase istorbo sila sa momentum namin. Habang nasa sasakyan kami nag tatawanan at asaran bigla nyang siningit na sya ang susundo sakin bukas .. Mei ako na susundo sayo bukas ha ? Sabi ni alex.. May choice ba ko? Pang babara ko sa kanya na kinatawa nya naman. At tsaka kelan ba ikaw ang Hindi sumundo saakin ha as if naman na may iba pa ? Haha!. Biro ko ulit sa kanya totoo naman kasi talaga sya naman palagi wala namang iba bukod don silang dalawa lang naman ni kyle ang may sasakyan mga anak mayaman kaya di rin masisi kung bakit feeling gold silang mag kaibigan. Hahaha sorry I forgot . naka ngiti nyang sabi kaya Napa ngiti din ako .. Ewan ko ba kung anong meron Kay alex pero kumportable ako sa kanya komportable ako sa prisensya nya t unti unti ko na din nasasakyan ang trip nya isa lang masasabi ko .. Unti unti na syang napapa lapit sa puso ko ... Hindi ko alam kung saan patungo ang agos ng di ma ipaliwanag na kaligayahan na to. Hindi ko din alam kung hangang kailan to.. Sa isang bagay lang ako sigurado sa mga nang yayari ngayon.. Yun ay natatangay ako ng di maipaliwanag na kaligayahan..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD