CHAPTER 6: KV

1855 Words
Back in September 24, 2022. "Hiraya, tingnan mo ito, oh!" Nagmamadaling lumapit si Vina sa kanya upang ipakita ang kumakalat na f*******: post sa social media. Mula sa pangangalumbaba sa bintana, naibaba niya ang kamay at nilingon ang makulit na kaklase. "Ano na naman 'yan, Vina?" "Look!" Halos idikit nito sa mukha niya ang smartphone. Nangiwi siya sa nakitang gore picture. "Bawal 'yan! Report mo nga 'yan." "Iyan ang babaeng biktima sa kabilang Baranggay. Nakakatakot talaga. Bakit kaya hindi nila mahuli-buli ang kriminal na ito?" anito at binawi ang hawak na phone at tinitigan ang larawan. "Pangsampu na itong biktima! Ito na yata ang pinaka-worst na case na nakita ko. Nilaslas muna niya ang leeg, dinukot ang mga mata, pinutol ang dila, bago niya ginahasa ang----" "Tama na nga!" awat niya sa babae. "Alam ko na ang kwento na 'yan. Huwag mo na ulit-ulitin. Ilang beses ko na 'yang narinig kahit sa T.V. Lalo lang nila pinapasikat ang mga masasamang tao. Ginawa pa nilang trending sa social media. Baka next year gumawa pa sila ng movie tungkol d'yan at sampung documentary film. " Napasapo siya sa ulo at napailing. "Grabe rin ang paraan ng mamamatay tao na 'to. He stalk his victim first. Inaalam muna n'ya kung saan nakatira ang biktima. Kapag nakita n'yang nag-iisa sa bahay ang babae, saka siya mag-uumpisang pasukin ang bahay at gawin ang krimen. Ang galing n'yang maniktik. And worst, no one has seen his face yet. Laging nakatakip ang mukha niya at pinapatay n'ya rin ang mga witness," pagpapatuloy ni Vina ng kwento. Nakuha ang kuryosidad na tumingin siya sa dalagita. "Nakuha na ba nila ang pangalan ng serial killer?" Umiling si Vina. "Ang nakuha lang ng mga imbestigador ay ang alyas niyang K.V, pero wala pa silang nakukuhang clue kung sino 'tong tao na ito." *** Iyon ang huling alaala ni Hiraya sa kanyang kaklase bago siya mapadpad sa panahon na ito. Napabuntong-hininga na lamang siya at nagpalumbaba sa desk. Napatingin siya sa wall clock na nasa itaas ng black board. Mag-aalas dose pasado na. Lumipas ang mahabang oras na nakaupo lamang siya sa classroom at malalim na nag-iisip. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya sa katabi. Marami siyang tanong sa isipan. Marami siyang katanungan tungkol sa batang lalaki. "Banoy!" Tinawag ni Dalisay ang batang lalaki na katabi niya. "Sagutan mo nga ang number 5." Tumayo ang bata at sumunod sa utos ng guro. "Banoy?" Nagtataka siya na sinundan ng tingin ang batang lalaki. "Banoy ang pangalan n'ya? Pero K.V ang initial ng killer. Baka naman nagbibintang ako sa walang kasalanan?" Pasimple siyang sumulyap sa kamay ng batang lalaki. "Pero hindi... 'yong peklat n'ya sa kamay, parehong-pareho sa serial killer. Sigurado akong hindi ako dadalhin ng Back-Skip sa panahon na ito nang walang dahilan." "Possible kayang bumalik ako sa panahon na ito dahil sa kanya? Pero bakit? Bakit binalik ako ng back-skip sa panahong bata pa ang lalaking pumatay sa kapatid ko?" Napanganga si Hiraya sa naisip. "Sandali lang! Kung magagawa ko s'yang patayin ngayon, mababago ang future namin. Maaaring mabuhay sa hinaharap ang kapatid ko at ang mga babaeng biktima niya." Tumingin siya sa lalaki, ngunit ang tanging nakikita niya ay ang inosenteng mukha nito. At kanyang napagtanto ang isang bagay. Sa panahon niya, isang mamamatay tao ang lalaki, pero sa panahon na ito, isa lamang siyang walang kamuang-muang na paslit. Umiling siya para tanggalin ang nakakakilabot na ideya. "No. I can't kill someone and he's still an innocent boy. Hindi ko kayang gawin 'yon. Besides, this is not my real body. Mapapahamak din si Aya at ang kinabukasan niya kapag ginawa ko 'yon." Pinabalik ni Dalisay ang batang lalaki sa upuan nito dahil hindi nito nagawang sagutan nang tama ang Math problem. Sinundan niya ng tingin ang lalaki hanggang makaupo ito sa silya. Parang nagising siya sa malalim na panaginip nang lumingon ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. Tila napaso na nag-iwas siya ng tingin at muling humarap sa pisara. Napakislot siya sa gulat nang pagharap niya'y nandoon ang malapad na mukha ni Dalisay. Masama ang tingin nito at nakapameywang. "Aya!" Napaayos siya ng upo sa silya at halatang nagulat sa biglaang sigaw. Inabot sa kanya ni Dalisay ang isang piraso ng chalk. "Nagde-daydreaming ka na naman! Sagutan mo ang number 5 sa board," utos ng guro a.k.a secret grandmother niya. "Ha?" Napanganga muna siya na tila hindi alam kung anong gagawin. Nagtawanan ang mga bata sa paligid niya at nahihiya siyang tumingin sa mga ito. Lalo siyang pinamulahanan ng pisngi dahil napansin din niyang nakatitig sa kanya ang katabing batang lalaki. Kainis. Pinahiya pa siya ni Dalisay. Tumayo siya at walang pasubali na kinuha ang tsalk na inabot ng guro. Sinagutan niya ang aktibidad sa pisara. Parang balewala at laro lamang sa kanya ang Math problem na ibinigay ni Dalisay. Kahit hindi siya nakinig sa tinuro nito, alam niya kung anong gagawin. Napanganga naman ang mga kaklase niya dahil sa paghanga. Natahimik ang lahat nang masagutan niya iyon sa loob ng tatlumpung segundo. Walang emosyon ang mukha na ibinaba niya ang tsalk sa teacher's table at tahimik na bumalik sa upuan. "Wow! Ang galing," may sumigaw pang paslit sa pang-apat na row. "Ang hirap n'yon pero parang ang dali lang sa kanya." "Duh..." Napairap na lamang si Hiraya. "Kumukuha ako ng STEM sa Senior Highschool. Parang 1+1 na lang sa 'kin ang math problem na 'yan...." aniya sa isip. Humanga rin si Dalisay sa pinakita niya at natutuwang pumalakpak. "Very Good, Aya! Class, let's give her an around of applause!" Pinalakpakan siya ng mga ito pero napakamot lamang siya sa ulo. Nahinto sila sa palakpakan nang marinig ang dismissal bell ng paaralan. Ibig sabihin nito ay tapos na ang klase. "Okay class, tomorrow natin itutuloy ang lesson. Please, clean your mess and put your things inside your bag," paalala ni Dalisay. Dumiretso na rin ito sa teacher's table para ayusin ang mga gamit. Nagsitayuan at nagsidaldalan ang mga estudyante. Animo'y mga hayop na nakawala sa mga hawla ang mga ito na nagkagulo sa pag-aayos ng mga gamit at pagmamadali sa pag-uwi. Nanatiling nakatingin si Hiraya sa mga bata. Pinagmamalaki at pinapakita ng isang paslit ang pogs at text collection niya sa isang kaibigan. May isang bata na abala naman sa pag-aayos ng bag niyang de-gulong. Nakasuot ang lahat ng Cover Shoes na naging kulay pula dahil sa floor wax na kumikiskis sa mga paanan. May mga anime cards at stickers na nakakabit sa mga I.D nila. Lahat ng mga batang babae ay may sanrio sa mga buhok. Halos lahat ay may suot na jelly bracelets at beads. Nandoon pa rin sa puso niya ang pagkamangha dahil sa pagkakaiba ng panahon na ito sa orihinal na panahon niya. Dumako ang mga mata niya sa batang lalaki na laman ng kanyang isipan. Tahimik lamang ito sa pag-aayos ng mga gamit. Hindi ito nakikipag-usap sa kahit kanino. Isinukbit nito sa balikat ang bagpack na tahi-tahi, butas-butas, at sira pa ang zipper ng bulsa. May mantsang dilaw ang kumupas na uniform. Hindi rin ito nakasuot ng black shoes at de-gomang tsinelas lamang ang sapin sa paa. "Mahirap lang ba siya?" tanong niya sa isip. "Aya!" Halos mabingi siya sa sigaw ng batang babaeng nakaupo sa likod niya. Napag-alaman niyang Mayumi ang pangalan nito. "Sama ka sa amin, mamaya! Maglaro daw tayo do'n sa playground!" Pinikit-pikit niya ang mga mata. May naalala siyang isang bagay. "Pwede ko bang malaman kung saang Baranggay nakatayo ang paaralan na 'to?" "Ha?" Napanganga si Mayumi. "Anong sinasabi mo?" "Ano ang address ng paaralan na 'to?" "Aya, okay ka lang? Bakit parang nagkaroon ka ng amnesia?" sumabat muli ang batang lalaking nakasalamin. Oscar ang tinatawag ng mga kaklase nila rito. "Nakalagay naman sa I.D natin ang address ng school. Bakit mo pa tinatanong?" Saka lang napagtanto ni Hiraya na wala siyang I.D. "Oo nga! Pero bakit wala akong I.D?" "Ulyanin. Kapag pumapasok, hindi ka nagsusuot ng I.D . Mas gusto mong ilagay ang I.D mo sa loob ng bag. Ewan namin kung bakit ayaw mong magsuot ng I.D," sagot ni Mayumi na nagkibit ng balikat. At napagtanto ni Hiraya ang bagahe ni Aya na nasa ilalim ng upuan. Kinuha niya iyon at isinukbit sa balikat. Napatingin siya sa katabing batang lalaki na hinihintay munang makalabas ang karamihan bago pumunta sa pinto. "Oo nga pala, hindi kami nag-usap. Lumipas ang mga oras na puro lang ako pag-iisip," nasabi niya sa sarili. Binuka niya ang bibig para tanungin kung anong pangalan nito. "Ah-- Ano----" "Aya!" Pero naputol ang sasabihin niya nang hinila siya ni Mayumi. "Hindi mo pa ako sinasagot. Sasama ka ba mamaya?!" "Ha?" Saglit siyang napalinga rito bago bumalik ang paningin sa batang lalaki. Ngunit sa kasamaang palad ay tumayo na ito at nagpunta sa labas ng kwarto. "Saglit lang!" pigil niya pero hindi siya nilingon. "Aya!" Hinila muli siya ni Mayumi sa braso. "Bakit ka ba laging tumitingin kay Banoy?! Pansinin mo naman ako. Teka nga lang...." Biglang nag-iba ang tingin nito, tila nanghinala. "May gusto ka ba sa kanya?" Natawa naman si Oscar. "Sa dami ng kaklase natin, si Banoy pa! Nagbibiro ka lang 'di ba?" "Ikaw ha?" Nanukso bigla ang matabang babae. Sinundot pa siya nito sa tagiliran at nanunuksong ngumiti. "May crush ka na. Tahimik lang 'yang si Banoy. Hindi 'yan namamansin." Imbis intindihin ang panunukso nila ay nagtanong siya tungkol sa pangalan ng batang lalaki. "Banoy ba talaga ang pangalan niya?" Umiling si Mayumi. "Ibig-sabihin ng Banoy ay "abnoy" --- short for abormal." Kumunot ang noo ni Hiraya. "Tukso iyon sa kanya ng karamihan. Abnormal kasi." Tumawa muli si Oscar. "Basta ang weird niya." Hindi niya pinansin ang sinabi nito at muli siyang bumaling kay Mayumi. "Anong totoong pangalan niya?" "Hindi mo alam? Ano bang nangyayari sa 'yo, Aya? Impossibleng hindi mo alam ang pangalan ng seatmate mo." "Please, Mayumi, sabihin mo na. Ano ang totoong pangalan niya?" Parang nagulat si Mayumi sa tono ng pananalita niya. Nahalata ng batang babae ang pagkataranta sa boses niya. Huminga muna ito ng malalim bago sabihin ang buong pangalan ng misteryosong bata. "Kenjie Venancio, iyon ang buo niyang pangalan." Bumilis ang t***k ng puso niya nang banggitin ni Mayumi ang pangalan ng batang lalaki. Kenjie Venancio.... K. V... Walang paalam sa mga kausap na kinuha ni Hiraya ang lunchbox niya at tumalikod para patakbong habulin ang batang lalaki. Napanganga naman ang dalawa sa biglaang alis niya at sinubukan siyang pigilan. "Aya, cleaners tayo ngayong Monday!" pigil pa ni Oscar na hindi na niya pinakinggan. Dire-diretso siyang lumabas sa pinto ng classroom at tumakbo sa pasilyo. "Tama ako! Siya nga ang infamous home intruder na pumatay kay ate!" aniya sa isipan, "Kailangan ko siyang sundan. Siya ang dahilan kung bakit ako pinunta ng Back-Skip ko sa nakaraan. Nasa kanya ang susi para makabalik ako sa panahon ko. Nasa kanya ang sagot sa mga katanungan!" sinasabi niya ito sa sarili habang tumatakbo sa hallway. Nakita niyang bumababa ng hagdan si Kenjie. Malapit na niya itong maabutan kundi lang sa malaking katawan na humarang sa harapan niya. Natigilan siya sa pagtakbo at hinihingal na tumingala upang makita ang mukha ng humarang. "Lola Dalisay!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD