bc

To Save A Demon (Completed)

book_age16+
3
FOLLOW
1K
READ
dark
reincarnation/transmigration
time-travel
neighbor
kicking
mystery
scary
mythology
small town
secrets
superpower
rebirth/reborn
like
intro-logo
Blurb

"There's no such thing as black and white. Everyone is gray. No one is born pure good or pure evil."

Spiritual Gift ang tawag nila roon. Biniyayaan ng Diyos ang bawat miyembro ng kanilang pamilya ng kakaibang kapangyarihan na mawawala rin pagdating ng ikalabing-walo nilang kaarawan. And Hiraya's spiritual gift is to go back in time before bad things happen. Ilang buhay ang nasagip niya dahil sa kakayahang ito na tinatawag niyang Back-Skip.

Ngunit may kahindik-hindik na mangyayari na susubok sa kaniyang kapangyarihan. Bago dumating ang ikalabing-walo niyang kaarawan, pinatay ang kaniyang nakatatandang kapatid ng isang serial killer na gumagala sa kanilang lugar.

Bumalik siya sa nakaraan upang buhayin ang kapatid. Ngunit hindi siya dinala ng kakayahan sa oras na bago maganap ang krimen. Sa halip, dinala siya nito sa ibang panahon.

*Written @2022

*Trigger Warning: Contains violence

*Completed but Unedited Version

*Book Cover by @levistress

*No part of this book may be reproduced or used in any form and method without permission from the Author.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE: THE BACK-SKIP
September 23, 2022 "The warm breeze, leaves blown into heaps by the wind, and palms dripping with perspiration. The noisy, busy street and the laughter of the passersby-all of it meant nothing to Hiraya." *** Nakatayo lang siya roon at nanonood sa mga taong padaan-daan sa tabing kalsada. Kanina pa siya naiinip at hindi mapakali sa pagkakasandal sa gate ng paaralan. Nakasulat sa billboard na nasa likuran niya ang malalaking titik na Eastwood Technical University. Sa kasalukuyan ay dito siya nag-aaral ng Senior High School at nagtyatyaga sa pag-aaral ng STEM strand. Nagkukuyakoy ang tuhod niya habang pilit na pinapakalma ang sarili. Ayaw niya sa lahat ay iyong pinaghihintay siya. Ngunit wala naman siyang magagawa kundi ang maghintay sa kanyang kapatid. Wala siyang magagawa kundi tiisin ang kati mula sa suot na long sleeves uniform. Naitanong niya sa sarili kung bakit naisip ng mga guro na maging ganito ang uniporme gayung napakainit sa Pilipinas. Sinulyapan niya ang wrist watch: 5:45 pm na at wala pa rin ang ate niya. Mas lalong nainip na bumalik ang mga mata niya sa harap. Bumabagal ang oras kapag naghihintay, bumibilis naman kapag nalilibang. Lumingon si Hiraya sa kaliwa nang may malakas na tumawa sa kaliwang bahagi ng pahabang daan. Natuon ang pansin niya sa isang kyut na batang lalaki; naglalaro sa 5-7 years old ang edad. Bumaba ang tingin niya sa bolang gumulong patungo sa paanan niya at pinanood ang batang lalaki habang dinadampot iyon. "Sowwy po," bulol pang sabi nito na nakangiti dahilan para lumabas ang dimple sa matambok at mamulamula nitong pisngi. Napansin din ni Hiraya ang kamay nitong nakakapit sa bola. Madumi na ang mga kuko nito dahil sa buhangin at lupang nakadikit sa laruan. So innocent... aniya sa isipan at napangisi nang malaki. Mahilig siya sa mga bata. Para sa kaniya, mas mapagkakatiwalaan ang mga maliliit na bata kaysa sa mga matatanda. "Okay lang," balik-ngiti niyang tugon. Napabungisngis ang bata na parang kinilig. Tumalikod ito upang bumalik sa mga kaibigan na naroon sa kabilang kalye. Nakangiti pa rin na sinundan niya ng tingin ang bata, ngunit agad ding nabura ang kanyang ngisi nang may mapagtantong isang bagay. Walang kasamang nakatatanda ang paslit at nakikipaglaro ito sa mga kapwa batang yagit doon sa delikadong tabing kalsada. Hindi niya maiwasan ang mag-alala. Napalayo siya sa gate ng paaralan at nag-aalala ang mukha nang sinundan at sinigawan ang bata. "Huwag ka munang tumawid! Hoy, huwag kayo maglaro d'yan sa gitna!" Pero mukhang hindi pumapanig sa kanya ang pagkakataon. Hindi siya pinansin ng bata at nagpatuloy lang ito sa pagtawid saka nagmadaling tumakbo sa gitna ng kalsada. Nagimbal siya lalo pa't nakita niyang nagpalit ng kulay berde ang traffic light. Nagsimula nang umabante ang ilang sasakyan sa kabilang panig ng kalsada ngunit patungo pa rin sa gitna ang batang lalaki. Kusang gumalaw ang mga paa niya upang habulin at sagipin ang bata, ngunit tatlong hakbang pa lamang ang nagagawa niya nang makita niya sa gilid ng mga mata ang humaharurot na pulang kotse. Kasabay ng malakas na busina ay ang pagkiskis ng gulong ng sasakyan sa sementadong daan. Sinubukan ng nagmamaneho ang magpreno ngunit hindi pa rin nakayanan na hindi maabutan ang bata. "Saglit lang--- " Hindi na niya natapos ang isisigaw. Napasinghap na lamang siya sa gulat at napahawak sa bibig. Nanlaki ang mga mata niyang gulat na gulat sa nasaksihan. Kitang-kita niyang nabundol ang kaawa-awang paslit. Tumama ang maliit nitong katawan sa harapan ng kotse at parang bolang tumalbog sa kalsada. Nagpagulong-gulong ang pobreng katawan nito bago huminto at humilata. Tumalsik ang likidong pula sa sementadong daan, kumalat ito na tila malapot na tinta. Nanatili ang mga mata niya sa batang nagsimulang maghingalo habang nakaratay lamang doon. Napasapo sa bibig at napasigaw ang mga kababaihan na nakakita. Natigilan ang mga bystander sa paglalakad at tumingin sa pinangyarihan ng aksidente. Halata sa ekspresyon ng mga mukha nila ang pagkabigla dahil sa bilis ng pangyayari. Nataranta rin ang mga bata roon at nagsitakbuhan patakas. Ang kulay pulang kotse ay huminto, saka umatras nang kaunti ngunit hindi naman lumabas ang driver sa loob. Isang nakakagimbal na aksidente ang muling nasilayan ni Hiraya. Hindi niya namalayan ang bolang kanina'y hawak ng bata ay muling gumulong pabalik sa paanan niya. Natuon lamang ang pansin niya roon nang tumama iyon sa bukong-bukong niya. Napadako ang paningin niya sa ibaba; sa bolang ngayo'y hindi lang buhangin ang nakadikit, ngunit may bahid na rin na dugo. "No! No!" tanggi niya sa naganap at napailing. Hindi siya papayag na hindi ito mababago. "No! Please God, bring me back before it happens!" Ipinikit niya nang mariin ang mga mata at nanalangin na maibalik siya sa nakaraan. *** Minulat ni Hiraya ang mga mata at nakita ang sarili sa isang pamilyar na eksena. Nakanganga siyang nakatitig sa mga taong dumadaan sa harap niya. Tumatawa. Nag-uusap. Nag-iingay. Walang pagkakaiba sa unang eksena. Ilang segundo siyang nakabuka lamang ang bibig at pinakiramdaman ang kabog ng dibdib. Ilang segundong tuliro at lito pa rin ang isip niya bago niya napagtanto kung ano ang nangyari. Nagmamadaling inurong niya pataas ang long-sleeve upang titigan ang wrist watch. 5:40 pm. Bumalik siya nang limang minuto sa nakaraan bago masagasaan ang bata. Natataranta at pinagpapawisan na inikot niya ang paningin sa paligid. Imbis na ubusin niya ang limang minutong oras sa pagtunganga gaya ng ginawa niya kanina, gugugulin na lang niya ito sa mas mahalagang gawain tulad ng pagsasagip ng buhay. Patingin-tingin siya sa kaliwa at kanan. Hinahanap niya kung saan magmumula ang batang lalaki. Napasinghap siya nang namataan itong pilyong tumakbo sa gitna ng daan at nambato pa ng bola sa kalaro. Binalik ng kalaro ang bola ngunit hindi nasalo ng bata kaya tumama ito sa lupa, tumalbog, at gumulong palayo. Alam na niya kung anong magaganap sa hinaharap. Malalaki at nagmamadali ang mga hakbang na pinuntahan niya ang mga bata. Sinamantala niya ang pulang traffic light at tumawid sa kalsada. Lakad-takbong dinampot niya ang bola at lumapit sa paslit. Hinila niya ang braso nito para ibalik sa side walk. Nagtataka ang mukha nito dahil halos kaladkarin niya habang naglalakad, ngunit hindi niya pinansin ang mga mata nitong tila nagtatanong sa kanya. Nang makarating siya sa gilid ay yumuko siya upang titigan nang diretso ang mga mata ng bata. "Nasaan ang Mama at Papa mo?" may diin na tanong niya na tila naiirita. Hindi niya napigilan ang damdamin. Bumuhos ang inis niya sa batang lalaki. "Alam mo bang delikadong maglaro sa tabi ng kalsada?!" Hindi ito nakasagot at parang napipi. Nangatal ang labi nito at lalong pinamulahanan ng mukha dahil sa takot at hiya. Lumapit ang mga batang kasamahan nito sa kanila. "Umuwi na kayo!" Parang nanenermong sita niya at inabot ang bola sa isang bata roon. "Huwag kayong maglaro dito!" "Sowwy po..." sagot nito at nangilid ang mga luha. She admits that she feels bad for making him cry. Hindi niya intensyon na magpaiyak, ngunit kung kailangan niyang magalit upang hindi na maglaro ang mga bata sa gitna ng daan ay gagawin niya. Kahit kamuhian siya ng bata o kahit mainis pa ito sa kaniya, gagawin niya, kung ito lang ang paraan upang masagip ang buhay nito. "Mas mabuti nang umiyak ka sa harap ko pero buhay ka, kaysa sa ngumiti ka nga, pero naliligo ka naman sa sarili mong dugo." Ito ang nasa isip ni Hiraya habang sinusundan ng tingin ang papalayong mga bata. Walang sigla ang kanyang mga mata. Walang ngiti sa mga labi. Nasa isip pa rin niya ang imahe ng paslit na nakalupasay sa kalsada. Napakasakit ng mga pangyayaring iyon kapag nagugunita niya. Salamat sa Maykapal at nagawa niyang baguhin ang tadhana ng paslit. Napabuntong-hininga siya nang madama na lumuwag ang dibdib. May nasagip na naman siyang buhay dahil sa pambihira niyang kakayahan. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
42.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.7K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.1K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook