Nilapitan ako ni nathan at niyakap
"babe please wag kana magalit, mahal na mahal kita, unang kita ko palang sayo alam ko ng ikaw ang mamahalin ko habambuhay"
Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya
"palalampasin ko tong pag sisinungaling mo nathan pero pag inulit mo pa, pasensyahan tayo"
Kinabukasan maagang umalis si nathan papunta sa company nila, hinde ko alam pero nandito parin sa isip ko si miguel, hinde ko gusto ito. Mahal ko si nathan pero bakit si miguel ang nasa isip ko?
Maya maya habang kumakain ako ng tanghalian may kumatok s pintuan at dahil wala akong inaasahan na darating naisipan kong alamin kung sino ito
"miguel? Anong ginagawa mo dito?"
"ahmm pwede bang pumasok?"
"pero kasi miguel, baka dumating si nathan tapos maabutan tayo., ayokong..."
"wag ka mag alala, matagal pa sya, chaka wala naman tayong gagawing masama"
Pinapasok ko sya
Alam kong mali pero pinapasok ko parin sya
Hinde ko alam pero eto yung gusto ko
"gusto mo ba ng maiinom? Kape?"
"wag na, ahmm gusto lang kita kamustahin?"
Kamustahin? Bakit pa? Para malaman mo kung paano ako nahirapan nung iwan moko.
"ako? Okey lang ako, masaya ako"
"ahm mabuti naman"
"ahmm ikaw? Kamusta ka?"
"maayos, maayos ako"
Hinde ko alam ang nararamdaman ko ngayon, bakit parang nakakaramdam ako ng galit sa sagot nya? Bakit parang apektado parin ako sa kanya?
"buti di ka umalis dito"
"ahh oo, eh kasi dito nako sanay"
Nginitian lang nya ako, yung ngiting matagal kong hinintay
"Pwede bang maki cr?"
Wow pupunta lang dito para mag cr?
"oo naman, alam mo naman na kung saan"
Tumayo naman sya at pumunta sa cr habang aki ay binuksan ang tv at nanood
Lumipas ang ilang minuto ay di parin ito lumalabas
"tagal naman non?"
Nagdesisyon akong katokin na sya sa banyo
"miguel? Okey ka lang?"
"ah eh oo, sige, lalabas nako"
At lumabas na nga sya
"namumutla ka? Okey ka lang?"
"oo okey lang ako, pano? Mauuna na muna ako ah?"
Nagpaalam na sya sakin at hinatid ko na sya sa labas, may kotse syang dala pero napansin kong may driver ito., dati ang pagkakaalam ko ay ayaw nyang nag papadrive sa iba
Ng makaalis si miguel ay papasok na sana ako ngunit may epal nanaman na umasungot
"si miguel ba yun?"
"ano bang paki mo angel? Gusto mo laging updated sa buhay ko noh? Inggitera?"
"oh no darling... Gusto ko lang naman makasiguro ehh, mukhang tinatimer mo si nathan ah? Alam nya bang dumating si miguel?"
"tigilan moko angel, wala ako sa mood makipag sagutan sayo"
Tutuloy na sana ako sa pagpasok ngunit hinawakan nya ko sa braso
"alam mo therisse, masyado kana eh, masyado ng mahaba yang buhok mo"
"bakit? Naiingget ka? Edi magpahaba karin! Kaso... Kahit mahaba yang buhok mo, kung panget yang ugali mo, baliwala rin"
"ang yabang mo? Sabihin ko kaya kay nathan na dumating yung ex mo? Magyayabang kapa kaya?"
Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at pumasok na sa bahay
Nakakairita na talaga sya, laging umeepal sa buhay ko
At eto pa, nung nag resign ako sa trabaho, nag resign din sya, kapal talaga, gaya gaya sa lahat