"therisse !"
"oh babe? Nandito kana pala.?"
"sabi ni angel pumunta dito si kuya? Bakit kilala nya si kuya? Anong pinunta ni kuya dito? Chaka bakit nya alam bahay mo?"
"ahm wait lang nathan! Isa isa lang pwede?"
Putik ka angel, lahat talaga gagawin mo para ikasira ko
"oo pumunta dito si miguel"
"bakit daw?"
"wala nangamusta, akala daw nya nandito ka"
"pano nya nalaman bahay natin? Di ko pa naman sinasabi address natin ah?"
"di ko alam mayaman kayo diba? Kaya nyong maghanap ng tao kung gugustuhin nyo"
"hmm sabagay, sige tatawagan ko nalang sya mamaya"
"ahmm naku wag na"
"bakit?"
"eh kasi wala lang naman yun eh, basta hayaan mo na"
Alam kong di ko sya mapipigilan na maka usap si miguel pero ayoko lang naman malaman nya na may past kami ni miguel, ayokong sa twing makakasama namin si miguel, maging akward
"naghapunan kana ba?"
"hinde pa babe gusto mo maghanda ako para sabay na tayo?"
"ah oo, para makapag pahinga narin dahil maaga nanaman ako bukas"
"ok"
Hinde ako makatulog
Naiinis nako sa sarili ko
Maling si miguel ang nasa isip ko
Bakit ba pati sa isip ko nang gugulo kapa?
"oh babe bakit gising kapa? Anong oras na oh"
Sabi ni nathan ng itoy maalimpungatan
"ahh ehh oo sige matutulog na"
Pagkasabi ko non ay umayos ako sa pagkakahiga at tumalikod sa kanya
Kailangan ko lang siguro ng closure
Kailangan ko lang syang kausapin
Siguro yun lang ang kailangan ko para di na ko magkaganito
Kinabukasan habang wala si nathan, nakipag kita ako kay miguel, kailangan ko lang syang kausapin
"ahmm hai therisse anong meron?"
"dederetchahin na kita miguel., gusto ko lang malaman, ahmm.. Bakit parang di ka galit sakin?"
"galit? Bakit? May dapat bakong ikagalit?"
"eh hinde ba iniwan moko noon dahil nakinig ka sa chismis ni angel na buntis ako?"
"ahh, yun ba? Hinde naman yun yung rason ehh"
"ano pala?"
"alam mo simula palang alam ko ng may gusto sa akin noon si angel, di ko lang sinasabi sayo noon kasi ayokong mawala ang pagkakaibigan ninyo dahil sakin"
"tapos?"
"masaya ako pag kasama kita, sobra, lahat ng araw sinusulit ko makasama ka lang, pero dumating yung oras na kailangan ko na talaga umalis kaya nung sinabi mo yung chismis, nagulat ako pero di ko pinahalata, sinakyan ko nalang, yun nalang yung ginawa kong dahilan para makaalis"
Tumulo ang luha ko, hinde ko alam kung nasasaktan bako o magagalit
"pero maniwala ka man sa hinde, mahal na mahal kita noon at hanggang ngayon"
"pero bakit moko iniwan.. Mahal moko diba? Alam mo ba kung gaano ako nahirapan nung iniwan moko? Kung gaano ako nag isip kung anong mali ko bakit ang bilis mong naniwala sa chismis? Di mo alam kung paano ako nahirapang mag simula uli ng wala ka, araw araw nagtatanong ako sa sarili ko, kung kelan kaba babalik.? Babalik ka paba.? May hinihintay paba ako? Araw araw miguel!!