"patawarin moko therisse, alam kong mali yung ginawa kong iwan ka, pero sana maintindihan mo na kailangan kong umalis"
"bakit nga miguel! Bakit? Tatlong taon kitang hinintay... Araw araw gabi gabi nag hihintay ako na bumalik ka..."
"kuya? Therisse?"
Napatigil ako sa pag iyak ng marinig ko ang boses ni nathan
Nandito sya nakatayo at nakatingin samin
Nagpunas ako ng luha chaka ako tumayo at hinarap sya
"kanina kapa ba?"
"nag chat sakin si angel, nag send sya ng picture nyo kaya nalaman kong nandito kayo, anong meron."
"ah nathan, nag uusap lang kami"
"tungkol saan? Chaka bakit umiiyak si therisse? Ano bang meron?"
"ahhmm wala may kinukwento lang ako kay therisse"
Ibinalik ni nathan ang tingin nya sakin
"babe? Mag sabi ka ng totoo.. Ano bang meron sa inyo ni kuya? Bakit feeling ko matagal na kayong magkakilala?"
"babe kasi.."
"pwede bang sa bahay nalang tayo mag usap nathan? Therisse?"
Bumyahe hanggang sa bahay nila miguel, saktong wala doon ang magulang nila kaya makakapag usap kami ng maayos
Nagbigay si miguel ng litrato namin kay nathan at kita naman ang pagtataka nito
"bakit may litrato kayo na mag kasama?"
"nathan, mag ex kasi kami ni therisse, mag sisix years kami ng mag hiwalay kami at yun yung araw na kailangan kong pumunta sa america"
"i... Ibig sabihin sa party? Nagpapanggap kayong di magkakilala?"
"babe yes, ayoko kasing...."
"therisse bakit di mo sinabi? Ex ka pala ni kuya? Ano to? Tinuhog mo kami pareho?"
"ay wow naman sa tinuhog? Grabe ka naman nathan, sino ba sating dalawa ang nangulit? Sino sating dalawa ang lapit ng lapit? Chaka alam ko bang kapatid ka ni miguel?"
"oh? Nung nalaman mo na? Bakit di ka parin umamin?"
"dahil wala nalang yun nathan! Ikaw na ang mahal ni therisse kaya para saan pa kung malalaman mo rin? Para maging akward?"
"tama na to, baka mapano pa si kuya, uuwi na tayo, don tayo mag uusap"
"mapano? Bakit?"
"basta tara na!"
Wala akong nagawa kundi ang sumama kay nathan sa bahay, galit sya dahil di ko sinabi sa kanya ang totoo
May karapatan sya
May mali ako
Ng makarating kami sa bahay ay pinagpatuloy namin ang pag uusap, pero sa mga oras nato hinde galit ang pinapakita nya sakin, mahinahon sya ngayon
"nathan? Galit ka paba?"
"therisse sabihin mo nga sakin? Anong pinunta ni kuya dito noon?"
"wala, nangamusta lang sya"
"yun lang? Eh nung nakita ko kayo kanina? Ano talaga pinag uusapan nyo? Bakit ka umiiyak?"
"ahmm yung past namin"
"ano? Yung past nyo? Bakit? Bakit kailangan nyo pang pag usapan yun?"
"babe kasi kailangan ko lang ng closure.."
Nagulat ako ng tumayo sya mula sa pag kakaupo namin sa sofa
"closure? Bakit therisse?"
"kasi... Kasi lagi ko nalang syang nasa isip, alam kong mali yun kaya kinausap ko sya para wala nakong tanong sa isip ko"
"what the? Wala ka manlang balak ipaalam sakin yan? Alam mo ba nararamdaman ko?"
"nathan im sorry"
"mahal mo pa ba sya?"