"Ano? Bakit di ka maka sagot? Mahal mo pa ba sya?"
"nathan..."
"ano nga? Mahal mo paba"
"hinde ko alam, naguguluhan ako,!!!"
"di mo alam? Ako therisse? Mahal mo bako?"
"mahal kita nathan"
"eh sya? Mahal mo parin ba sya?"
Napaisip ako
Mahal ko pa ba si miguel
Sa totoo lang hinde ko talaga alam
"uuwi na muna ako sa bahay namin, habang wala ako dito mag isip ka muna therisse"
"babe naman, wag mo naman ako iwan"
"sige na"
Wala akong nagawa kundi ang hayaan syang umalis at iwan akong umiiyak, siguro kailangan ko rin to para malaman ko kung sino talaga ang mahal ko
NATHAN POV
kinabukasan wala akong ganang bumangon sa higaan, nasasaktan ako., hinde ko alam kung bakit ko iniwan si therisse, masyado akong nagpabulag sa nararamdaman kong sakit
Ayokong mawala sakin si therisse pero nasasaktan parin ako sa nalaman ko
"sir nathan? Sir.? Nandyan po ba kayo? Sir?"
Pinag buksan ko ng pinto ni manang felia,
"bakit manang?"
"si sir miguel po"
Tumakbo kami pareho ni manang papunta sa kwarto ni kuya, dinudugo nanaman sya, kami lang ni kuya dito sa bahay dahil wala pa sila mommy at daddy
Tinakbo namin sa hospital si kuya bago ko tawagan sila mommy
"kamusta doc? Okey lang naman si kuya diba?"
"where ' s your parents?"
"ahmm ako lang po ang kasama nya"
"iho., mas lumalala ang sakit ng kuya mo,. Pinagpapatuloy nyo paba ang pagpapakemo nya?"
"hinde napo doc, ayaw nya napo kasing mahirapan, pinipilit namin sya pero ayaw na nya"
"iho kung hinde ninyo ipagpapatuloy angpag papakemo nya baka mas lumala pa yung sakit nya at mapunta na sa.."
"alam ko na po doc, salamat po"
Hinintay kong magising si kuya
Mahal ko ang kuya ko, dahil sa kanya maayos ang buhay ko ngayon, sya ang nagbigay ng dahilan sakin para ipagpatuloy ang buhay ko ng mawala sakin sila mom and dad
Ayoko syang mawala
"nathan?"
"kuya? Gising kana pala"
"nasa hospital nanaman ba ako?"
"ahmm pasensya na kuya"
"hayss sinabi ko na sa inyo ayoko ng pumupunta pa dito"
"gusto mo ng prutas?"
"hmm sige"
Tumayo ako para kumuha ng pambalat atchaka binalatan ang mansanas na paborito ni kuya
"ahm nathan?"
"kuya?"
"Alam kong di nako magtatagal, may isa lang sana akong kahilingan sayo"
"kahilingan? Kuya tumigil ka, matagal kapa mabubuhay."
"tanggapin na natin na mangyayari talaga yun, sa ayaw o sa gusto natin ganon na yun"
"kuya naman"
"nathan gusto ko sana makasama si therisse sa mga natitira kong buhay? Makakapayag kaba?"
Napahinto ako sa pagbabalat
Mahal nya pa talaga si therisse
"mahal mo pa talaga sya noh?"
"di naman nawala yun, iniwan ko sya dahil pinagbigyan ko si mom na magpagamot ako sa america, pero anong nangyari? Wala.. Ganito parin ako"
"kung yan ang gusto mo, pag bibigyan kita, ako na bahalang kumausap sa kanya"
"salamat nathan"
Malaki ang utang na loob ko kay kuya kaya kahit anong hilingin nya ibiibigay ko kung kaya ko