Chapter 1

3105 Words
I wrapped my arms around his neck as his kisses getting deeper and deeper until we’re both out of breath. He started caressing my back until I could feel his hand inside my shirt. As much as I wanted to get drowned in this sensation, I couldn’t because I’m f*****g late. I grabbed the hand that almost ready to knead my breast, “Marcial…”. He halted and stare at me. Those eyes…are my favorite. “Malelate na ako”, I smiled. Akala ko hindi na naman niya ako papapasukin sa school dahil pinasok niya ulit yung kamay niya sa shirt ko. When I thought he’s ready to do all the things in there, he actually just hooked up my bra again. Hindi ko man lang napansin na natanggal niya na pala kanina. He smiled at me and fixed my hair. He planted me a kiss before helped me hang my sling bag. “See you later. Goodluck sa class” God, I love this guy. I’m still amazed to the fact that he really fulfilled his promise. He did take care of me even if I’m nothing. Limang buwan na ang nakalipas pero bumabalik pa rin sa ala-ala ko kung paano niya ako binigyan ng rason na mabuhay. I questioned before the sincerity of his words but after that night, he really did court me. Araw-araw nakikita ko siya sa labas ng school at sinasabayan ako pauwi. Kahit saan ako pumunta parati siyang nakasunod. Noong una akala ko wala siyang bahay na inuuwian dahil sunod siya ng sunod sakin na parang aso. Though hindi pa ako nakapunta sa bahay niya pero alam ko lang na meron dahil may mga times naman na umuuwi siya. He’s a really good company. He’s not the very talkative type but he’s a great listener. Sa kanya ko lang nasasabi lahat ng sama ng loob ko. Basically, he’s the only friend I had. Until I found myself being inlove with him.  Gusto ko pa sanang manatili pero late na talaga ako at may quiz pa kami kaya nagmadali na akong lumabas at saka nag paalam kay Marcial. Buti na lang at medyo na late si sir kaya may time pa akong habulin yung hininga ko. Nasa fourth floor pa kasi yung classroom namin at maraming nakapila sa elevator kaya naghagdanan na lang ako. Busy lahat ng classmates ko mag last minute review. Hindi ko na ginagawa ‘yan dahil mas lalo lang akong nalilito. Ilang minuto ay pumasok na yung prof namin kaya tinago na ng mga kaklase ko yung mga notes nila. “Time is 7:45. Finish the test at exactly 9:45”, sabi ni sir at simulang i-distribute yung questionnaires. Medyo nahihilo pa ako nang makita yung mga problems. Una, nag overtime ako sa work kagabi. Pangalawa, nag aral ako hangang 3AM. Pagod ako saka kulang pa ako sa tulog. Pinilit kong idilat yung mata ko at mag focus. I can’t afford to fail this subject again. May dalawang problem pa akong hindi nasagutan nang mag time’s up na. Lagpas na din naman sa kalahati siguro yung score ko kaya pinasa ko na lang yung papel. Wala ako sa lugar na maging grade conscious pa lalo na’t mahirap talaga ang kursong ito. Kahit mga math wizard kong kaklase ay nahihirapan din. Tanging hiling ko na lang ay makakuha ng 75 and above na grado. Pagkatapos ng quiz ay may tatlong oras pa kaming vacant for the next subject. Gusto ko sanang bumili ng kape sa vendo kaso sayang yung pera. Pamasahe ko pa ito at nag-iipon ako sakaling mawalan na naman ulit ako ng scholarship. Kanina pa sumasakit yung puson ko. Siguro dahil gutom na ako. Ba’t ba kasi si Marcial pa yung inuna kong breakfast, ‘yan tuloy nagrereklamo na yung tiyan ko. Kinuha ko yung wallet ko para tignan kung ilan yung dala kong cash. Napabuntong hininga ako nang makita yung natatanging isang daan sa loob. Mamaya na lang. Kaya ko pa naman tiisin. Naglakad na lang ako papuntang library para doon matulog. Siguro mawawala din naman yung gutom ko pag naitulog ko ‘to. Nasa hallway ako pero pansin ko na ang weird ng tingin sakin ng mga tao. Kinuha ko phone ko para i-check yung reflection nga mukha ko kung may dumi ba pero wala naman. I couln’t think of anything I did bad to cause a rumor.  Nagulat na lang ako nang biglang may nakapulupot na kamay sa bewang ko. Hindi nakayakap kundi tinatali yung jacket sa harap. Mas lumakas yung narinig kong bulungan kaya agad akong lumingon kung sino pero bago ko pa magawa iyon ay nasa unahan ko na siya at hinihila ako. “Sandali! Sino ka ba?”, hindi niya ako pinansin at wala akong choice kundi magpatangay sa kanya. When we’re finally out of the crowd, he gently let my wrist go. “Sorry…ano kasi”, he looked embarrassed as he started to caress his nape. “What?” “Natagusan ka” Agad na nanlaki yung mata ko. s**t. I lost count of the days! Kaya pala sumasakit na kanina pa yung puson ko. My God, Addie! Nakakahiya. “It’s fine. Normal lang naman ‘yan. Sauli mo na lang bukas yung jacket ko”, ngumiti siya saka nagsimula nang tumalikod. “Thank you”, habol kong sabi pero patuloy lang siya sa paglakad at tinaas niya yung kamay niyang naka okay sign. Napatampal ako ng noo dahil sa hiya. Teka---lumingon ako pero wala na siya. Ang bilis niya namang maglakad. Nalimutan kong itanong kung saan ko isasauli ito. Hindi ko alam number niya o kahit pangalan na lang. Hays, bahala na. Same school lang naman kami, sigurado akong makikita ko din siya. Agad akong pumunta sa convenience store para bumili ng pads. Nagulat ako sa laki ng tagos sa pants ko. Kaya pala pinagtitinginan ako kanina. Grabe, wala man lang sa kanila yung nagsabi sakin kahit na karamihan nang nakakita sakin ay babae. Can’t believe that some guy’s more considerate than them. Buti na lang at medyo makapal itong jacket na pinahiram sakin ng lalaki kaya hindi tumatagos. Nakalimutan ko na yung antok ko kaya nag desisyon akong umuwi muna para maligo dahil hindi ako kumportable knowing na may tagos yung pants ko. May dalawang oras pa naman ako at saka baka nasa bahay pa si Marcial. Gusto ko lang makita ulit mukha niya. Pero pagdating ko ng bahay, medyo nalungkot ako kasi nakalock na yung pinto. Umuwi na siguro. Pareho kaming may susi ng bahay dahil pinagbigyan ko siya na i-duplicate for emergency purposes. Mas dito pa nga siya umuuwi kesa sa bahay niya talaga. I wanted to visit him some time sa bahay niya naman pero hindi niya talaga sasabihin saan siya nakatira. Feeling ko kasi sobrang mayaman itong si Marcial. From head to toe halatang mamahalin yung suot niya pero kahit hirap na hirap ako, hindi ako humihingi sa kanya ng pera. I also always refuse his offers kahit na boyfriend ko siya. I didn’t date him because of money and I just didn’t want to be in debt with anyone. I can still survive with the money I make. As soon as I entered, a sticky note caught my attention on the other side of the door. I’ll cook dinner later. Wag ka muna mag overtime. I love you. I smiled and keep the paper in the box under my bed. I see that I got a lot of these from Marcial and it’s worth collecting. Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit ay bumalik na agad ako sa school. Thirty minutes na lang for the next class. Pagpasok ko ng classroom biglang may kumalabit sa braso ko. I don’t remember being this close to her--- or to anyone here in school. “Addie, paano mo nakilala si kuya Lucas?”, kumunot yung noo ko sa tanong niya. “Lucas?”, naguguluhan kong tanong. Wala akong kilalang Lucas at sure akong hindi ko siya classmate. Wala akong friends dito sa room pero kilala ko naman silang lahat. “Hala! Hindi mo knows? Eh binigyan ka niya ng jacket kanina?” My lips parted when I finally figured things up. So, Lucas pala name niya. “Nagmagandang loob lang”, simpleng sagot ko. “Pero alam mo ba anong department siya?”, I took the chance to ask. Buti naman at kilala niya, kanina ko pa kasi iniisip paano ko isasauli yung jacket kung wala akong kahit na anong alam tungkol sa kanya maliban sa mukha niya. “Wow. Meron pa palang hindi nakakilala kay kuya Lucas?”, her face was full of amusement. “Senior kaya natin ‘yun! Kahit nga ibang department ay kilala ‘yun, ba’t ikaw na nandito din sa Engineering di mo siya knows?” I only know people I see everyday and I have no time to know others. I just don’t care about having friends here. I just wanted to graduate and become financially stable. “Thank you”, my only reply at bumalik na ako sa upuan ko. Mabuti naman at hindi na niya ako kinulit. Wala din naman akong masasabi tungkol sa lalaking ‘yun except sa tinulungan niya akong takpan yung tagos ko. Pasimple lang akong natutulog habang nag lelecture yung teacher namin sa ethics. Minor subject lang naman ito kaya okay lang na hindi makinig. Masakit na kasi yung ulo ko sa sobrang antok. Nagising na lang ako nang umingay na yung paligid dahil dismissed na. Hay, finally! Last subject na. Pero may part-time pa pala ako sa i-mart. Di bale, may naghihintay naman na Marcial mamaya sa akin. I can see how my everyday changed when Marcial came to my life. Dati para lang akong katawan na walang kaluluwa. Barely surviving. But things changed now. I am less sad and tired because at the end of the day, there’s something good waiting for me. Alas otso na nang gabi kaya isang oras na lang ay matatapos na yung shift ko dito. Nasa tapat lang ng school kung saan ako nag papart-time bilang cashier sa isang convenience store. Wala na din masyadong customer kasi nakauwi na karamihan ng mga estudyante. Kinuha ko muna yung phone ko para i-search yung lalaki sa f*******:. Buti na lang at may free wifi dito. Yung kaklase ko yung sinearch ko tapos hinanap ko lang sa friends list niya yung ‘Lucas’. Hindi ko kasi alam yung buong pangalan kaya mahihirapan akong hanapin sa f*******: ‘yun kung sakali. May tatlong ‘Lucas’ akong nakita at dalawa doon ay mukhang hindi naman siya yung lalaki base sa profile picture, kaya pumunta ako sa timeline ng ‘Lucas’ na silhouette yung profile picture. Lucas Li Ang dami niyang friends pero wala naman siyang masyadong pictures. Meron siyang picture na kita yung mukha niya at doon ko na sigurado na siya yung lalaki kanina. And wow, 5k likes and 1.5k shares? Artista ba ‘to? Kaya siguro bigla akong kinausap ni Cristine kanina dahil mukhang sikat itong si Lucas. Grabe, nakakahiya yung kanina! I’ve been contemplating for minutes if I’ll drop him a message about the jacket kasi naman---mas lalo akong nahiya nung malaman ko na sikat siya. Parang kapag may nakakita samin ulit na magkasama, pinapatay ako sa tingin ng mga babae. I hate attentions that’s why I preferred being alone always. Natigilan ako sa pagsasabunot ng buhok ko dahil may nakapatung na bottle ng energy drink sa counter. Agad akong umayos saka ito pinunch. “43 pesos po sir—“, parang biglang may bumara sa lalamunan ko nang makita kung sino yung customer. f**k. It’s him! He just smiled after seeing my reaction saka siya kumuha ng 100 peso bill sa wallet niya. “Keep the change”, he said. Parang hindi ako makagalaw dahil sa nakikita ko. Kung hindi ko pa siya nai-stalk sa f*******:, malamang ay hindi ako ganito ngayon. Knowing how big a person he actually was and he got to see the red thing on my pants. I just wanted to bury myself. “Addison?”, tawag niya sa pangalan ko kaya ikinagulat ko ulit. Pero bago ang lahat ay tinanggap ko muna yung pera niya saka kumuha ng sukli. Nang akmang ibibigay ko na sa kanya yung sukli agad naman siyang tumalikod. “Teka yung sukli mo at—“, hindi ko na naipatuloy dahil lumabas talaga siya ng store kaya hinabol ko siya. Maliban kasi sa sukli niya, hindi din niya kinuha yung energy drink. Nang makalabas ako, nandun lang din siya nakasandal sa pinto na parang hinihintay niya ding lumabas ako. Inabot ko sa kanya yung sukli at energy drink niya. “Sabi ko keep the change”, he said smiling. Masaya ba parati yung araw niya? Kanina pa siya pangiti-ngiti. “Eh ito?”, tukoy ko sa energy drink. “Medyo nawala na yung uhaw ko. Sa’yo na lang” “Thank you pero kunin mo na lang yung sukli, medyo malaki para i-keep the change”, sabi ko. He just shrugged and took the money. “About pala sa jacket…”, I trailed. “paano ko pala ibabalik?” “Ilagay mo sa kamay ko?” “No, I mean…saan kita mahahanap?” “Sa school. Parati naman akong present.” Alam ko namang iisang department lang kami pero kahit ganun, ang hirap parin makita mga tao sa school. Ang laki kasi tapos ayokong ibigay lang sa kanya bigla kapag nagkasalubong kami dahil ayokong maging tampulan ng chismis. Wala naman akong load para i-message siya through messenger. “Pwede ko bang hingin number mo?”, mahina kong tugon. “Don’t take it the wrong way. Delete ko agad after kong maisauli yung jacket”, agad kong dugtong. He chuckled and caught his phone from his pocket. “Here. Type your number, I’ll call you”, he then handed me his phone. Kinuha ko iyon saka itinype yung number ko. He then saved it with my name. “Paano mo pala nalaman pangalan ko?”, kanina ko pa sana itatanong ito kung hindi lang siya tumalikod agad. “I asked around”, he shrugged. “Also, stop stalking me on f*******:, that’s a dummy account” Nanlaki yung mata ko. Naalala ko na nakapatong lang yung phone ko kanina sa counter kaya malamang ay nakita niya yung screen. Buti na lang pala at hindi ako nag message ‘dun! “Ha? Bakit may dummy account?”, tanong ko. “Dami kasing nag memessage kaya hindi ko na minsan mahanap yung gusto kong i-message sa inbox. Why? Are you curious about me?”, he said with a grin. I immediately shook my head. “I don’t wanna involve to people like you” His face was full of amusement when I said that. “How much do you know me, Ms. Addison?” “Not that much. I only know you’re our senior and kinda popular” Imbes na sumagot kinuha niya yung energy drink sa kamay ko at binuksan. Akala ko iinumin niya pero kinuha niya kamay ko para ilagay doon yung drink. “Drink up. You look tired”, he said and directly looking at my eyes so feel a little bit uncomfortable kaya umiwas ako. Ininom ko na lang yun dahil mukhang hindi siya titigil na titigan ako hanga’t hindi ko iniinom ‘yun. Naghihintay ako na may pumasok na customer para may rason akong bumalik sa loob pero walang dumating. “Ah…”, panimula ko at nag-iisip kung ano itatawag ko sa kanya. “Kuya Lucas, ibabalik ko yung jacket mo bukas kaya i-text mo na lang ako kung available kana” Mabilis kong sabi para matapos na pero tinawanan niya lang ako. “Why do I find it funny when you called me ‘Kuya’?” “Senior kita kaya mas matanda ka sakin, diba?” “Ilang taon ka na ba?” “21” At dapat senior na din kaso nag repeat ako ng year noong nawala yung scholarship ko. Kaya medyo kaunti lang yung subject ko kumpara sa mga kaklase ko dahil na take ko na last year. Dalawang major at isang minor na lang yung kinukuha ko ngayon. Okay lang din naman at least marami akong mapapasukang trabaho. “Same age lang naman pala tayo kaya ‘Lucas’ na lang” “Okay”, tumango lang ako saka pumasok na. Saktong 15 minutes na lang bago matapos yung shift ko kaya inayos ko na yung mga gamit ko. Excited na akong umuwi. Hindi talaga ako kumain ng kahit na ano para lasap na lasap ko yung luto ni Marcial mamaya. Naramdaman ko yung pag vibrate ng phone ko kaya mabilis kong kinuha dahil baka si Marcial na iyon pero unregistered number. Sinagot ko baka importante. [My number. Save it and see you tomorrow] Yun lang sinabi niya sa kabilang linya saka binaba ito. Ni hindi man lang ako nakasagot. Sinave ko na lang yung number niya as ‘Jacket’. Ayokong i-save as ‘Lucas’ at baka makita pa ng mga kaklase ko kapag bigla siyang mag-text o tumawag. Dumating na yung susunod sa shift ko kaya nagpaalam na ako saka umalis. Pagkalabas ko biglang may bumusina sakin. The car window rolled down and saw Lucas on the driver’s seat. “Hop in!”, he shouted for me to hear. “Okay lang! Thank you!”, I refused. I don’t want to cause misunderstandings with Marcial. Our relationship has been great and we never fight. Because we really had nothing to fight. Our personalities just matched and we’re always on the same page. Akala ko ay pipilitin pa ako ni Lucas pero nag kibit-balikat lang siya at pinaharurot and sasakyan. I was about to enter the bus that pulled over in front of me when I felt someone grabbed me and told me to follow him quietly.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD