Chapter- 1

2139 Words
Ilang beses na niyang nakita ang picture ng isang napakagandang babae sa locker ng kaibigang si Lath. Palihim niyang ninakaw iyon at itinago sa pinaka loob ng kaniyang locker. "Bakit nakatayo ka riyan pare? Hindi ka pa ba uuwi?" "Mamaya na ako dude, mabuti pa ay mauna ka na dahil may klase ka pa." "Mabuti pa nga pare, sige mauna na ako." "Sure dude, take care." "Bye." Nang masiguro na wala na ang kotse ng kaibigan ay agad na kinuha ang picture. At nagmamadaling umalis.  Pauwi siya ng probinsya para dumalaw sa mga kaanak. Birthday ng kaniyang ermat kaya naman uuwi siya. Samantala malakas ang sigawan ng nasa pwesto na ang isa sa top#2 Greatest Motorcycle sports Racer in the world. Halos lahat ng audiences ay nakatutok ang mata sa isang pulang motorcycle. Obvious naman na babae ito dahil sa ma-curve na hugis ng katawan nito. Subalit wala pang nakakakita sa mukha ng dalaga. Lagi itong nakakubli sa pamamagitan ng pagsusuot na helmet. Even the eyes ay naka hide at tinted ang salamin na gamit nitong helmet. Halos hindi humihinga ang mga nanunuod habang nakatutok sa pumapangalawa sa linya. Kahit ang kumurap ay halos hindi halos ginawa. Baka sa isang kisap mata ay mawala ito sa paningin nilang lahat. Yamaha R1 600cc ang gamit ng kaisa isang babae. Sino ba talaga ang babaeng ito. Kahit ang real name nito ay naka hide kaya kilala ito sa code name na, Seducing. Matapos ang racing ay tumuloy ang dalaga sa kaniyang penthouse. "Kailan ka ba titigil sa kabaliwan mo, Princess?" "Kuya, pagod ako maya muna ako pagalitan, ‘love you. Bakit ka pala narito may kailangan ka ba?" "Bakit masama ba akong dumalaw dito sa bahay mo? Binibisita lang kita kung buhay ka pa!" "Kuya!” Halos nanlalaki ang butas ng kaniyang ilong. Napailing na lang si Lath, sa katigasan ng ulo ng kapatid na bunso. "Pinapaalala ko lang sa'yo na pag nalaman ni Mommy at Daddy, iyang kabaliwan mo." "Yon ay kung ikaw ang magsusumbong." Nakangiti niyang sagot sa kapatid. "Hanggang kailan ka ba sa delikadong gawain na ‘yan? Baka isang araw na lang ay paglamayan ka na!" "O.A mo, Kuya, wala ka bang believe sa akin?" "Ay! Ewan ko sa'yo, Princess! Sige aalis na ako at mag ingat ka sa mga lakad mo." "I will, Kuya." Matapos siyang halikan sa noo ng kapatid ay lumabas na ito ng pintuan. Siya ay tumuloy sa banyo at nag shower at pabagsak na humiga sa malaking kama. Kinabukasan ay maaga siyang umalis gamit ang Ducati black motor at naka all black din siyang suot. Hinayaang nakalugay ang basa pa niyang buhok at basta isinuot ang black din na helmet. Pagkalipas ng kalahating oras ay malakas na ingit ng gulong ang nagpalingon sa mga kapatid. Nag Ggym ang mga ito na hindi naman na kailangan. May sarili naman silang fitness gym ngunit mas gusto ng mga ito na narito sa pag aari ng kaibigan nila.  Itinaas lang niya ang salamin ng helmet at nanatili sa kaniyang motor. "Ang aga mo Princess?" "May practice lang, Kuya." "Oh bakit ka narito? May kailangan kaba?" "Wala naman mga Kuya, kung handsome. Ipapa alam ko lang sa inyo na mawawala ako ng tatlong araw. Baka kasi bigla na lang kayong pumunta sa penthouse ko." "Saan na naman ba 'yan Princess?" "Brazil, may dadalawin lang." Sabay kindat niya sa kaniyang, Kuya Lath. "Racing again? Oh 'i mean hanggang doon na nanonood ka ng Racing?" "Oo," takte itong kuya niya muntik pang madulas, buking sana siya. "Anong racing ba 'yan Princess? Lately yata kinahihiligan mo na manood ng mga ganyan?" "Ahm, k-kasali kasi ang kaibigan ko kuya. Yeah Oo tama kasali nga siya kaya kasama niya ako doon." Takte dapat umalis na siya at baka sariling bibig niya pa ang mag buking sa kaniya. "Bakit hindi ka muna bumaba? Nag break fast ka na ba?" Napansin niya ang isang matangkad na lalaki na nakasandal sa wall. Kaya minabuti na hindi na lang bumaba. "My friend is waiting for me kuya, kaya gora na ako bye mga Kuya, ko." Napapailing ang, Kuya Dave, nila na nasundan ng tingin ang humaharurot na motor palayo. Kung sino pa ang babae ay siya pa ang mahilig sa motor. Samantalang silang apat ay hindi, may mga motor din sila kaya lang bihira na lang sakyan. Para sa kanila ay safe kung sa apat na gulong sila sasakay. "Lath lately napapansin ko na palaging motor ang dala ni Princess. Ano ba ang pinagkakaabalahan niya? Pinapaalala ko lang sayo na dapat alam mo ang lahat ng pinupuntahan niyan. Baka sa sobrang busy mo ay nakakalimutan mo ang tungkol kay Princess?" "A-alam ko naman iyon, Kuya, kahapon nga nasa penthouse niya ako." “Mabuti naman kung ganon, baka maging criminal ako pag may nangyari doon." Napatango na lang si Lath ano ba ang gagawin niya sa pasaway na kapatid. Hindi naman niya ito mapagsabihan at hindi din nakikinig. Kaya naman lihim na may nilagay siyang tao na naka bantay sa dalaga. "My God! Seducing, mabuti naman at dumating ka din. Kanina pa ako nagugutom saan ka ba nagpunta at ang tagal mo?" "Ah dyan lang sa mga handsome men." Saka niya kinindatan ang nakasimangot na kaibigan. "Nakabingkwit ka naman ba?" "Wala nga eh hindi ko sila type." Natatawa siya habang nilalaro ang kanyang susi. Itong kaibigan niya ay napaka seryoso kaya masarap asarin. "Matanong nga kita, bakit Seducing, ang code name mo ay hindi ka naman marunong niyan." Nangingiti siya sa napaka ganda niyang bessy. Parang gusto na nga niyang maging tibo. Nakapagtataka lang bakit wala yata itong boyfriend. Matagal-tagal na din silang magkaibigan ngunit wala siyang nakikita na karelasyon nito. "Ewan ko nga bakit ito ang code name ko. Ang sabi ng mga dati kong kaibigan ay isang titig ko lang ay nasi-seduce na sila." "Kaya palagi kang nagtatago sa loob ng helmet, gano'n ba 'yon?" "Hindi naman iyan ang reason ko bessy. Alam mo naman na hindi alam ng pamilya ko. Lalo na ang pagpapalipad ko ng motor. Kung na-expose ang mukha ko ano sa akala mo ang mangyayari sa akin?" "Kaya pala everytime pag nasa race ka ay nanatili ang helmet diyan sa ulo mo. Now i know, kaya lang bess paano ka makakahanap ng magiging boyfriend. Sexy, hot, slim at matalino kaya lang dapat makita din nila ang mukha mo." "Whatever!" Iba na lang pag usapan o kaya ay tara na para makapag practice na ako. Kung bakit kasi ayaw mo i-try ang pagri-race magaling ka naman mag motor. Sana magkasama tayo kahit saan." Kumaway ang kaibigan sa waiter at hiningi na ang kanilang bill. Matapos nakapagbayad ay tumayo na din siya at sumunod na sa parking. Kahit kailan talaga itong si Seducing, ay mainipin. Magkasunod na humarurot ang kani-kanilang motor. Pagdating nila sa racing field ay marami ng nagpa-practice. Ilang kalalakihan ang napahinto ng dumating sila. May mga whistle pa ngunit dedma silang dalawa. "Who is the hot lady?" "The top 10 greatest motorcycle racer ang babaeng iyan bro." "Wow! I think I like her." "Bro gusto ko lang sabihin sa iyo na wala pang nakakakita sa mukha niya.  At kahit ang real name ay walang kahit sino ang nakaka alam. Masyadong naka-hide ang identity at alam mo ba kung anong code name?" "Code name?  Don't tell me na siya si Seducing? Yong magaling mag exhibition ng motor?" "Sinabi mo pa at siya nga iyan at ang gamit niyang motor ay Red Yamaha R1 600cc." "Holly s**t! Sigurado ka ba pare?" "Aha, hundred percent sure na sure. Kaya kung ano man ang binabalak mo ay huwag mo ng ituloy. Para ka lang naghahanap ng kamatayan." "Kamatayan? What do you mean pare?" "Kung sino man ang sumubok na manligaw sa kaniya ay dapat talunin mo na siya. At malabong manalo ka sa kaniya bro.  At gusto ko lang ipaalam sa iyo na "Top 2 world champion si Seducing,  bro." Saka hindi mo pa nakikita ang mukha niya, malay natin baka opposite ng katawan ang mukha." "Impossible naman pare, ang ganyang ka-hot at sexy  tapos talented pa. Malamang maganda iyan, baka may rason kung bakit naka hide ang identity." Nagkibit balikat na lang siya sa kaibigan. Kinalabit ni Seducing, si Amira, at sininyasan na mag ready na. "Tama na yang kaka-twincle ng mata mo sa mga lalaki. Wala kang mapapala sa mga iyan. Nagsasayang ka lang ng oras at panahon. Halika na magsisimula na tayo, get ready, Bessy!" Takte naman ang daya at sa isang iglap nawala agad sa paningin ang kaibigan. Taga kain lang siya ng alikabok ni Seducing. Naka ilang ikot pa sila bago nag stop at suminyas sa mga kaibigan na sumunod sa kaniya. Ini-stand lang nila pareho ang motor at iniwan na iyon.  Hindi naman mapalagay, Xtian, kaya lumapit sa nakaparada na motor. Kahit man lang sa malapitan ay makita niya ang babae. Hindi siya sigurado sa kaniyang ginagawa pero may kakaiba sa pakiramdam. Ilang minuto na nakatayo sa gilid ng Ducati black motorcycle ang binata.  Natanawan ang dalawang pigura na papalapit sa kinatatayuan niya. "Hi girls." "H-hello," itinaas lang ang kamay at bahagyang kumaway sa binata. Samantalang si Seducing, ay dedma at sumakay na sa kaniyang motor. At sa isang iglap naglaho ang dalaga. "Mauna na ako mister, bye." "Xtian pala, sige ingat." Sa probinsya ay laging naka ngiti si Jonas. "Kuya, baka mahipan ka ng masamang hangin at hindi na bumalik ang bibig mo. Aba! Ay simula ng dumating ka ay hindi na yata nagsara ang labi mo." "Malakas siyang natawa,  puro ka kalokohan bunso." "Sino ba yang nagbibigay ng dahilan para ngumiti at nagpapasaya sa gwapo kung, Kuya?" "Wala, ikaw talaga intrigera ka. Baka kaya ikaw ang may nobyo na? Sinasabi ko sa iyo at bubugbugin ko kung sino man ang liligaw sa'yo!" "Hala si Kuya, paano ako magkaka asawa kung hindi ako maaaring ligawan? Ano mag mamadre na lang ba ako?" "Hindi naman sa ganon bunso, ang gusto ko lang ay sa mabuting lalaki ka mapunta. Ayaw na ayaw ko na sasaktan ka at iiyak kaya mamili ka ng mabuting lalaki." "Tara na nga, Kuya! At si Nanay, ay kanina pa naghihintay." Magkasamang pumasok sa loob ng bahay at naabutan nila ang Ina at si Paul. "Halina kayo mga anak at mag pray na ng makakain na tayo." "Anak, kailan ang balik mo ng Maynila?" "Sa makalawa po, tatlong araw lang ang paalami ko na bakasyon kay bos." "Dumating daw si Amalia, at nag iimbita sa kanila 'kaarawan pala ng dalagang iyon." "Kailan naman daw po Nanay?" "Sa araw ng alis mo anak, hindi ka na ba makakapunta man lang? Gusto kang makilala ng buong pamilya nila." "Kuya sa hapon ka na lang umalis para makapunta ka doon. Baka si Amalia, na ang babaeng meant to be mo." "Bakit hindi na lang ikaw. Paul, para naman magka girlfriend ka na!" "Naku! Kuya, hindi ako magugustuhan non saka hindi ko siya type masyadong maganda. Ikaw ang bagay sa kaniya, kayong dalawa at halos magka edad rin." "Sige na anak, gusto ko lang si Amalia, para sayo. Napakabait na bata at sigurado ako na maging mabuting asawa." "Ang Nanay, talaga, wala pa akong plano na mag-asawa. Marami pa akong gustong gawin at saka bata pa naman ako. Pero don't worry pupunta po ako bago lumuwas." Matapos ang hapunan ay nakatayo si Jonas, sa gilid ng bintana. Nagpapababa siya ng kinain kaya naisipan buksan ang tv. Flash report- Seducing is the gold medalist in Brazil. Nakatitig siya sa screen ngunit halos hindi naman naririnig ang sinasabi ng reporter. Habang ang tinaguriang motorcycle champion ay nakatayo at panay ang kislap ng mga camera. Ngayon lang niya ito napanood at totoo nga na babae pala talaga ito. Hindi lang iyon ang napaka sexy at nakakapagpainit ng dugo na katawan nito. Subalit ang balita ay walang nakakakita sa mukha nito. Masyado daw mysterious ang babae or baka naman daw opposite side ang mukha at katawan. Sa isiping iyon ay gusto niyang tumutol. Napaka impossible naman na pangit ang mukha nito. "Kuya, ang galing ng babaeng iyan maraming beses ko na siyang napanood. At nakaka pugto na hininga pag nag palipad yan ng motor. Napaka galing din mag exhibition yon nga lang hindi nagpapakita ng mukha." Hindi siya umimik at nanatili lang nakatutok sa tv ang mata. Nag lalaro sa imahinasyon ang code name ng babae. Sino ba talaga ito at bakit gano’n na lang ang pagtatago sa publiko. Kahit ang real name ay wala ding nakaka alam. Confidential daw ang information nito. Ang hindi niya maintindihan sa kaniyang sarili ay bakit gano’n ang kaniyang nararamdaman. Sa tv pa lang niya nakita ay nag iinit na agad siya sa katawan nito. Paano pa kung makita niya ito ng personal "f*ck!" Hindi mapalagay at pumasok sa sariling kwarto. Binuksan ang kaniyang laptop at hinanap ang mga video clip ni Seducing. "Oh s**t!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD