bc

Seducing PRINCESS: LAURICE MONTEMAYOR( Tagalog )

book_age18+
21.6K
FOLLOW
103.3K
READ
princess
billionairess
heir/heiress
twisted
sweet
disappearance
rejected
seductive
wild
like
intro-logo
Blurb

SPG / R-18 / MATURE CONTENT.

Laurice Montemayor ay isang professional racer motorcycle, ngunit naka hide ang tunay niyang identity. Dahil sa takot na malaman ng buong pamilya, at sigurado na pag nalaman ng mga ito ay patitigilin siya. Nag iisang babae siya sa apat pang kapatid. Kaya gano’n na lang ka protective ang mga ito sa kaniya at nauunawaan naman niya. Ang hindi niya makakaya ay pag hindi na siya makakapag laro ng racing. Ito ang buhay niya at kaligayahan kaya napapanatili niya ang pagtatago sa tunay na pagkatao sa pamamagitan ng palaging nakasuot ng helmet. Subalit isang malagim na aksidente ang naganap, at hindi matanggap ng dalaga. Mas gusto pang mamatay na lang dahil sa kalagayan niya at ayaw niyang mabuhay ng habang panahon sa kadiliman.

Jonas Llamas, ay madly inlove sa kapatid ng kaniyang bestfriend, kaya lang ng malaman nito ang lihim niya para sa kapatid nito ay abot langit ang ayaw nito sa kaniya. Subalit gagawin ni Jonas, ang lahat, kahit maging dahilan pa ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan. Ipaglalaban niya ang pagmamahal niya dito. Hanggang isang araw ay nabalitang critical ang lagay ng dalaga, at kahit abot langit ang pag ayaw sa kaniya ng kapatid nito ay hindi iyon naging hadlang para makita niya ito sa ospital.

Hindi makaya ni Jonas, na makita ang sitwasyon ng dalagang minamahal at para siyang pinapatay sa awa at pagmamahal niya dito. Gusto niyang ibalik ang mga nawala sa dalaga kaya kinausap niya ang doktor. Ibibigay niya ang mga mata para sa babaeng pinakamamahal.

chap-preview
Free preview
Prologue
Dumating ng bansa si Jonas, nang malaman ang sinapit ng kapatid na si Paul. Pati na ang muntikan ng ginahasa na si Nadine. Hindi napigilan ni Jonas ang yakapin ng mahigpit ang dalaga ng makita itong tulala. Ang sabi ng mga doktor ay traumatic ito. Panay ang hysterical sa tuwing mawala ang bisa ng gamot na pampakalma nito. Nagtama ang mata nilang dalawa at nakilala naman agad siya ni Nadine. "N-nas," sabay tulo ng masaganang luha niya. Panay naman ang hagod ni Jonas, sa likurang ulo ng umiiyak na dalaga. "Shhh, baby tama na huwag ka ng umiyak ." Ang kaibigang si Lath ay hindi maka reklamo, ngunit naniningkit ang mga mata. Sinalubong ni Jonas, ng smirk na lalo pang inaasar ito. "Manigas ka sa selos," lalo pang hinigpitan niya ang yakap kay Nadine. Nagmamadaling tumalikod si Lath at lumabas ng room. Nagpupuyos sa galit at mukhang gustong manuntok. Pasalamat lang ang kaibigan ay naroon ang kaniyang kapatid. Kung nagkataon baka lalo pang nagwala siya sa galit. Sa labas ay agad na nilapitan ni Laurice, ang kaniyang kapatid. "Kuya! Kumusta? How is Nadine?" Pero sa halip na sagutin siya ay iba ang itinanong. "Oh kailan ka pa dumating at sinong nagsabi sayo?" "Nakita ko sa n-news, Kuya," pagsisinungaling niya dito. Hindi naman kasi niya pwedeng aminin sa kapatid na magkasama sila ni Jonas, na dumating ng bansa. Hindi nagtagal ay lumabas ng kwarto ang kinaiinisan ni Lath na kaibigan. Tumayo siya agad at nagmamadaling tumalikod. Wala kay Lath ang attention ni Jonas, kong di nasa kay Laurice. Nilapitan ang dalaga at akmang aakbayan. Ngunit ang galit na tingin at ang kamao ni Lath, ang sumalubong kay Jonas. Hindi lang siya nito sinuntok dahil naroon ang kapatid na dalaga. Lalapitan pa sana ni Jonas ang kaibigan ng magsara na ang pintuang pinasokan nito. "L-leave him, saka muna siya kausapin alam mo namang galit siya sayo. Ang akala ni Kuya, ay may relasyon kayo ni Nadine, kaya gano’n na lang ang galit sa’yo." Ang kararating na ina ni Jonas at ang kapatid na dalaga. Patakbo na yumakap sa kaniya ng namukhaan sila ng mga ito. "A-anak ang kapatid mo?" "Nanay h'wag na po kayong umiyak gagaling din si Paul mabait ang diyos. Hindi niya pababayaan ang kapatid ko. Tama na po baka kayo naman ang magkasakit." Si Laurice na nakikinig lang ay naiiyak din sa tagpo na iyon. "Nanay ito po pala si Laurice, k-kapatid siya ng kaibigan kung si Lath.” "Iha kumusta ka?" pagbati ng nanay ng binata sa kaniya. "Okay naman ho t-tita m-magkasama po kami ni Jonas, na dumating." "Nanay gusto kung makita si Paul.” "Nasa private room siya sinagot ng mga Montemayor, ang pagpapagamot sa kapatid mo. Halika puntahan mo si Paul.” Agad namang silang sumunod sa ina hindi naman kalayuan sa kwarto ni Nadine, ang kapatid. Halos maluha si Jonas, nang Makita ang itsura ng kapatid. Hindi ito halos makilala sa dami ng pasa sa mukha. "Sinong may kagagawan nito?" kuyom ang kamao ni Jonas. "Sa pagkakaalam ko ay isa sa natalong kasong hawak ni Attorney Lath, ang kaibigan mo. Gusto maghiganti at ang target ay ang mag Ina. Kung hindi itinaya ng kapatid mo ang buhay niya. Siguradong nakuha ng mga criminal ang mag-Ina. Muntik pang ginahasa si Nadine. Kung hindi agad nakarating ang kaibigan mo. At ang mga tauhan nito ay may masamang nangyari.” Nagtagal pa ng hospital si Nadine, dahil sa trauma nito. Kaya nagdesisyon si Lath, na dalhin ito sa America at doon ipagamot. Ang Ama na ang sumagot sa lahat ng gastusin ni Paul. At may mga bodyguard din na nakatalaga habang nasa hospital ito. Inalok din nila na dalhin sa America si Paul pero hindi na pumayag ang Nanay nito. "B-brother can we talk bago kayo tumulak sa America?" "Wala tayong dapat pag usapan!" Seryosong sagot ni Lath, kay Jonas. Saka ito tumalikod. "Wala kaming relasyon ni Nadine," napahinto si Lath, at lumingon ito sa kay Jonas. "Si L-laurice siya ang kasama kong bumalik ng Pilipinas." Isang malakas na suntok ang ginawa ni Lath sa mukha ng kaibigang si Jonas. "Asshole! Pagkatapos kay Nadine, sa kapatid ko naman? Hayop ka!" Isa pang suntok pero nakaiwas na si Jonas. "Sa maniwala ka o hindi wala kaming naging relasyon ni Nadine. " she's like a sister to me, tama ka noong una nagkagusto ako sa kanya. Ngunit ng sabihin niya sa akin na kapatid lang ako sa kanya. Dahil wala na siyang pamilya ay tinanggap ko yon. Mahal ko ang kapatid mo iyon ang totoo! At kung tutol ka at sasabihin mong hiwalayan ko si Laurice. Hindi mangyayari iyon, wala akong pakialam kahit masira pa ang pagkakaibigan natin. Pero hindi ko siya iiwan mahal ko ang kapatid mo!” "f**k you!” Malakas na sipa ang pinakawalan ni Lath, na hindi niya nailagan. Namimilipit sa sakit na siyang inabutan ng dalagang si Laurice. Isa pa sanang sipa ang kaniyang matatanggap kaya lang ay humarang na ito sa kapatid. "Tama na, Kuya!" Sabay yakap nito sa binata. "Umalis ka diyan, Princess! bibigyan ko ang gagong iyan ng leksyon!" Sigaw ni Lath, pero hindi natinag ang dalaga. "No! saktan mo ako kung gusto mo pero hindi ako aalis dito! I-i love him, Kuya!" "What? pati ba ikaw nagpaluko na sa lalaking iyan!" "Mahal niya ako, Kuya, mahal ko din siya kaya please tama na." Hinila ni Lath, ang kapatid at pilit na kinaladkad. Sumulak ang galit ni Jonas, kaya kahit masakit ang tagiliran ay hindi iniinda pinakawalan nito ang malakas na sipa at suntok. Subsob si Lath sa gilid ng wall at hinila si Laurice, at nilagay niya sa bandang likuran niya. “Patayin mo muna ako bago mo makuha ang kapatid mo!" galit na sigaw ni Jonas. Nang makabawi si Lath ay hindi alintana ang sigaw ng kapatid nag pangbuno ang dalawa at wala nang makaka awat sa mga ito. Hysterical na si Laurice, siyang dating ng panganay na si Dave. Isang malakas na sigaw ang nag patigil kay Lath. "What is happening here?" Parehong dumudugo ang bibig na nagbitiw ang magkaibigan. Agad namang dinaluhan ni Laurice, si Jonas. "Sweetheart okay ka lang ba?" Worried na worried ang itsura ng dalaga habang pinupunasan ang putok na labi nito. Bumaling si Dave, sa dalaga,"what is this, Princess, are you two?" "Yes, Kuya," mabilis niyang sagot and I love him.” Matapang na sagot niya sa kaniyang kuya Dave. "Go! Lath! imbis na asikasuhin mo ang ina ng anak mo! Para makalipad na kayo as soon as possible. Nagawa mo pang makipag bugbugan!" Walang imik na tumalikod siya kahit gusto pa niyang suntokin uli ang kaibigan. "You two, puntahan ninyo ang kapatid mo!” baling ni Dave, kay Jonas “he's awake now." One year later. Wedding day, Isang katok ang narinig nila kaya naman agad na tumayo si Nadine para buksan ang pintuan. Napatulala si Jonas, ng makita siya. "I-ikaw ba yan baby? your so beautiful," saka siya nito nilapitan. "Congratulations!" "Salamat n-nas," naiiyak na naman siya. "Oh huwag kang iiyak dapat masaya ka sa araw na ito. Dahil matutupad na ang matagal mo ng pangarap. Ang makasal sa taong pinakamamahal mo.” Nahihiya siya dahil sa totoo lang wala siyang sikreto kay Jonas. Lahat ay alam nito pati na ang ilang taon niyang pag iyak. Dahil sa pananakit sa kaniya ng lalaking tinatangi at pinakamamahal. "Tama na yan baby, let's go baka mainip na ang groom mo." Nag inhale exhale ng paulit ulit si Nadine. Bago kinawit ang kamay sa naghihintay na braso ni Jonas. Pag bukas nila ng pinto ay nakanging si Laurice, ang naghihintay doon pati na ang nanay ni jonas, at kapatid nitong si Paul. "Congratulations! sis saka siya niyakap ng magaan ni Paul. "Thank you brother," ngiti niya sa mga ito. Tumunog na ang signal na mag umpisa na ang ceremony. Kaya nag pwesto na sila sa harap ng nakasarang puting tila. Nasa gitna ni Jonas at Manang Fe, si Nadine. Hindi nagtagal ay pumailanlang na ang wedding song. Ramdam niya ang pagpipigil ni Nadine, ang pagtulo ng luha. Bumukas na ang puting tela na iyon, “baby don't cry," bulong niya sa itinuturing na kapatid. Nag umpisa na silang mag lakad habang nakatutok ang mga mata sa altar. Nakatayo doon ang kinaiinisan ni Jonas, na kaibigan, pasalamat lang at mahal ito ni Nadine. "Iho please take care of our Nadine, ngiti ni Manang Fe. "I will po makaasa po kayong iingatan ko at mamahalin ang asawa ko." "Siguraduhin mo lang dahil once na masaktan ulit siya. Kukunin ko siya sayo at hinding hindi mo na makikita pang muli." Seryoso ang mukha ni Jonas, at ang sukatan pa sila ng tingin. "Hindi mangyayari ang sinasabi mo dahil kahit dulo ng daliri niya. Hinding hindi muna mahahawakan uli. She's MINE! at mananatiling AKIN! Huwag mo akong pagyabangan, Jonas! Isang pitik lang ng daliri ko kakalat sa harapan ni Laurice, ang scandal mo at ng babaeng iyon!" Hindi ako bobo kagaya ng iniisip mo. Sa Martial arts lang tayo magka klase not in colleges. Kahit magkunwari kang mabait sa harap ng kapatid ko ay wala akong pakialam! Simula ng pag interesan mo si Nadine, kahit alam mong mahal ko siya. Noon pa lang malinaw na sa akin na isa kang ahas na kaibigan!" Bubuka pa sana ang bibig ni Jonas, ng maramdaman niya ang pagpisil ni Nadine. Kaya itinikom na lang niya ang bibig kahit ang totoo gusto na niyang barahin ang mga sinasabi ni Lath. Hanggang ngayon ay hindi in good term si Jonas at Lath. "Baby take care and don't forget i will always be here for you." "Hindi pa ito ang huling pagkikita natin, Jonas. Sa susunod ay sisiguraduhin ko na hinding hindi muna matatawag na baby ang asawa ko! Huwag mo akong gagalitin baka hindi mo alam ang kaya kong gawin. Baka kahit kahuli-hulihang dugo ng lahi mo ay burahin ko sa mundo!” Binitiwan na ni Nadine, ang kamay ni Jonas, ng maramdaman ang panginginig ni Lath. Anytime sasabog na ito at baka ang kasal nila ay maging isang trahedya. "Thanks Jonas." Mabilis naman ang tango na naging sagot ng binata. Humakbang ng palayo kasama ang Ina nitong si Manang Fe. Hindi lingid sa matanda ang matagal nang iringan ng magkaibigan. At sa puntong iyon nalulungkot ang Ina. Alam ng lahat na tutol si Lath sa relasyon ng anak at kapatid nitong si Laurice. "Oh ikaw, Princess huwag na huwag ko na makikita ang boyfriend mo! Baka nakakalimutan mong hindi siya pasado sa akin!" Reklamo pa ni Lath. "Kuya, sino ba ang gusto mo para sa akin huh! I’m not getting younger anymore! Gusto mo bang maging old maid ako?" Kunwari ay nagtatampo ang dalaga. "Huh!" hindi naman sa ganon, Princess, paglapit ni Lath, dito. Alam mo naman na hanggang ngayon hindi kami in good term ng lalaking iyon. "Dahil hindi mo matanggap na good man siya kabaliktaran mo?" Para namang nasapol si Lath, doon hindi ito nakaimik at hinila na lang ni Dave, si Laurice. Sinundan ng tingin ni Lath, ang bunsong kapatid. "Kung alam mo lang sana, Laurice. Ang ipinagtatanggol mong lalaki ay halos walang pinag iba sa akin. Kung hindi ka talaga makikinig ay mapipilitan akong gumawa ng hakbang. Kahit alam kung nakakasakit ng loob mo. Ang importante ay malaman mo ang totoong pagkatao ng lalaking iyon. Tingnan ko lang kung magagawa mo pa na ipagtanggol sa akin ang walang hiya kung ahas na kaibigan. Ayaw ko sanang gawin ito princess ngunit wala ka ng pinakikinggan.” May gusto pa sana siya na sabihin sa kaniyang, Kuya Lath. "Enough, princess." Nanahimik na lang ang dalaga masama pa din ang loob niya sa Kuya, niya. Bakit naman kasi hindi nito matanggap ang boyfriend niya. Samantalang matalik na magkaibigan naman ang dalawa. Agad na nagpaalam si Laurice, na uuwi na at lumapit ito sa mag Inang Nadine. “Ate mauna na ako congrats ulit sa inyong dalawa. Bumaling nakapikit na sanggol hinalikan nito ang sanggol sa ulo. Saka bumaling sa Kuya Lath, niya at humalik sa pisngi nito. Kahit masama ang loob niya ay hindi naman nawawala ang respeto niya para dito. Malungkot na nilisan ang lugar at halos paliparin ang kaniyang motor sa bilis. Hanggang kailan ba siya panghihimasok ng kaniyang, Kuya. Ang malaking katanungan sa kaniya ay kung bakit hate na hate ng kaniyang, Kuya si Jonas. Samantalang magkaibigan ang dalawang ito. Ano ba ang tunay na dahilan ng kapatid para ayawan nito ang lalaking gusto niya. ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.3K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.2K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
47.4K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.0K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.5K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook