"Sino?" gulat na tanong ni Daniella na nahubad ang suot na malaking shade na tumingin sa pamangkin na nasa paanan ng lounge chair habang nag su-sun bathing. "Kennedy Ventura." sagot naman ni Alodia. "Stepson siya ni Jenny pero bakit siya ang pumunta? Akala ko sabi niya si Lexus ang gusto niyang ipakilala sa'yo." ani Daniella. "I don't know po siya ang nakita ko sa resto." "Teka nga maupo ka nga muna dito na ngangalay leeg ko sa'yo." tinapik pa ni Dany ang paanan ng lounge chair, dahan-dahan naman siyang naupo sa upuan, tuyo na ang sugat niya sa may tiyan niya pero paminsan-minsan kumikirot pa rin iyon. "Pero by the way sino naman ang mga yun." nguso ni Dany ng makita ang 6 na lalaki na kasama niya na iniwan niya sa may harapan ng mansion ng mga tita Dany niya na tanaw naman nila mul

