"Ano ba saan mo ba ako dadalhin," na iinis na wika ni Alodia habang sakay sila ng kotse nito ng basta na lang siyang tangayin nito. Kadarating lang niya galing sa isang seminar at gusto na lang sana niya ay mag pahinga dahil pagod na ang katawan lupa niya pero heto si Kennedy basta na lang siyang hinila. At nagulat pa siya sa pa limousine na sinasakyan nila ngayon. "Put this on." utos ni Ken na kinuha ang isang malapad na box na naroon at kinuha ang isang maganda at eleganteng dress na may malambot na tela. Mahaba iyon at may parang baak sa isang gilid. Sleeveless iyon pero turtle neck ang yari, meron din breast pudding kaya ibig sabihin hindi kailangan ng bra dahil see through ang yari ng likod ng damit. "Do you want me to undress you." tanong pa nito. "Saan mo ako gustong mag hubad

