"Cheers!" ani Dennis na itinaas ang baso ng alak na hawak. Nasa bahay sila ngayon ng kaibigan na si Railey at usually nag-iinuman sila after ng mahabang araw. "Ano pang kailangan mo sabihin mo, isagad mo na." ani Skyler baling nito kay Ken na kasama nilang nag-iinuman. "Wala na po maraming salamat po sa mga tulong n'yo." wika ni Ken na nag yuko pa ng ulo. "So wala na bang kulang? Tuloy na tuloy na ang wedding proposal mo. Nakausap ko na kina-uukulan MMDA, LGU at DPWH. Pumayag na silang ipasarado ng sa oras na hiniling mo ang mga kasalda." wika pa ni Dwight. "Buti pumayag?" ani Dennis. "Aba ako pa ba syempre kinailangan ng padulas." wika ni Dwight na hinaplos ang palad na tinawanan naman nila. "Security all done, umaga pa lang naka set up na ang lahat." wika naman ni Skyler. "Na set

