"Sinong hindi magagalit sa'yo, pinayagan ka ng asawa mo na lumabas kasama nila Violet anong ginawa n'yong makakaibigan." sita pa ni Aira habang iiyak-iyak si Alodia. Mag 2-week na siyang hindi kinakausap ni Ken, lumayas ito sa bahay nila ni call and text wala. Hinanap na niya ito kung saan-saan pero wala man lang may gustong mag turo sa kanya kung na saan si Ken. Galit sa kanya ang lahat at kasalanan itong lahat ni Blue. At usapan hindi ito mag-iinom at sasamahan sila sa disco dahil mag mamawalwal sila dahil huling kabanata na ng kadalagahan niya kaya naman pinayagan siya ni Ken na lumabas kasama ng mga kaibigan para mag disco. Pero ang guardian nila hayun at mas nauna papalang na lasing at na itake home ng isang babae. Kaya ang ending hindi sila naka-uwi ng gabi at nagising na lang sila

