"Gawan n'yo ng paraan na hindi matuloy ang concert bukas." galit na utos ni Ken kay Stefan ng makapabilik siya sa office niya habang galit na galit na pinag wasiwasan ang laman ng table niya sa sobrang galit. Sabay hilamos ng mukha, hindi siya makapaniwala na buong akala niya maayos ang magiging transaction bukas. Napaikot siya ni Jerica na sabi nito maayos daw ang lahat na isaayos na daw nito ang lahat ng kailangan para bukas. Kung hindi pa niya nakita ang post ni Alodia sa isang IG stories nito hindi pa niya malalaman na sa Arena ng mga Lagdameo magaganap ang concert kaya naman agad-agad ang lipad niya pabalik ng Pinas from Africa. Siguradong nasa plano na talaga sa simula pa lang na ilagay sa bingit ng alanganin si Alodia ni Jerica kaya ibinigay nito ang contract pero mukhang ipinanaka

