"Malapit na kami asan na ang eroplano na hinihingi ko." sigaw ni Ken sa kausap sa cellphone. "Mag lalanding na po dyan boss, hindi po puwedeng mag tagal kaya bilisan n'yo pong sumakay." "Kanina ka pa sabi ng sabi na malapit na e ni wala akong nakikita____Ahhhh Alodia." daing ni Kennedy ng bigla siyang sabunutan ni Alodia kaya napilitan na siyang ihinto ang kotse bago pa sila maaksidente pero hindi naman niya inasahan na bigla itong tatakbo palabas. Hindi pa niya agad na hubad ang seatbelt kaya naka layo agad ng takbo si Alodia. Napamura pa si Kennedy ng makita ang mga tauhan ng blackstone na isang sangay ng black mamba na galit na galit kay Alodia dahil na bulilyaso ang nangyaring bentahan dahil sa pag tawag ni Alodia ng security maging ang mga pulis na ang iba ay kasabwat at bayaran

