Asan ka! Asan ka! Asan ka! gigil na sigaw ng babae na pinag babatuhan ang mga gamit na nahahawakan sa mga cropped na larawan ni Alodia na nakadikit sa pader. May ilang linggo na ang lumipas simula ng magkaroon ng stampede sa concert sa grand arena at nag laho na parang bula si Alodia na nakita pa na may sinamahan itong lalaki na hindi nahagip ng camera. Patong-patong na kaso ang nakasampa ngayon sa mga Lagdameo kaya nag kakagulo ang buong Lagdameo at Montenegro sa pag-aayos ng malaking problema na iniwan ni Alodia. Na siyang lalong nag patindi ng galit na nararamdaman niya rito, buong akala niya nagtagumpay na siya sa pangalawang pagkakataon sa masamang balak kay Alodia pero palagi na lang itong na kakaligtas. Noon akala niya mag didiwang na siya sa kamatayan nito pero nailigtas ito ng is

