"Sige ano 'yon? Basta yung madali lang ha? Alam mo naman, grade two lang ang tinapos ko. Mapalad lang talaga si Anya dahil matalino pati na ang apo kong si Anissa, kaya kahit paano ay maganda ang buhay nila sa Maynila," pagkukuwento nito. Biyuda na si Apo Linda at nag-iisang anak niya si Anya sa isang banyaga. Iyon ang dahilan kaya ang kulay niya ay mapusyaw at kakaiba ang ganda niya, parang iyong kapatid ni Aki na si Danaya. Namatay umano ang asawa nito noong bata pa si Anya dahil nadulas sa bangin, ilang araw bago nakita ang bangkay nito ng ilang lokal na malapit sa pinaghulugan nito ayon na rin sa eksaminasyon na ginawa ng ina ni Dakila rito. Naghahanap daw ito ng halamang gamot para sa anak na si Anya na noon ay may sakit. Mula noon ay mag-isa niyang itinaguyod si Anya sa tulong ng

