KABANATA 10

1007 Words
ARKISHA Kanina pa nangangalay ang braso ko kakasagap ng signal dito sa talampas ngunit wala akong mahagip kahit isang bar man lang. Magtatatlong linggo na akong nananatili rito sa tribo nina Anissa at masasabi kong natutuwa talaga ako dahil lahat sila ay mabait sa akin. Ang ngalan ng tribo nila ay Dagem na ang ibig sabihin ay tubig. Sa kabundukang pumapaligid sa Sagada ay may apat na tribo ang naninirahan sa loob ng mga kagubatan, ang Danum, Apoy, Batawa, at ang Dagem na siyang sumisimbolo sa tubig, apoy, lupa, at hangin. Kahit hindi kami magkaintindihan minsan ay kahit paano maayos ang pakikitungo nila sa akin. Palagi silang nakangiti at kung minsan pa nga ay inaayusan nila ako ng buhok. Isinasama rin nila akong minsan sa pangunguha ng mga prutas sa gubat. Nang lisanin ko ang klinika ni Dakila dalawang linggo na nakakaraan ay inampon ako nina Anya at Anissa, bumabalik lang ako kapag nililinis niya ang sugat ko, nagtataka nga ako kung minsan dahil kapag dumadaan ako roon ay wala siya, minsan sa isang linggo ay tatlong araw siyang wala. Nagmadali na rin akong makaalis doon dahil pakiramdam ko ay pabigat lamang ako sa kanya. Paano ay sa sofa sa receiving area lang siya natutulog at nakikita kong nahihirapan siya dahil sa laking tao niya. Malapit na ring maghilom ang sugat ko, medyo natutuyo na nga siya, ang problema ay ang peklat nito. Pagbalik ko ay ipapaayos ko na lang ito sa derma. Muli kong itinaas ang cellphone ko ngunit wala pa rin kaya sumuko na ako. Alas-singko pa lang ng umaga, umupo ako at napapikit habang nilalanghap ang mabangong amoy ng paligid. Isa siguro sa nagpagaling sa akin ay ang amoy ng pine trees, sobrang narelax ang katawan ko sa lugar na ito idagdag pa ang hindi masakit sa balat na sinag ng araw. Malayo sa magulong mundo ng mayayaman, payak ngunit kontento sila at masaya. I'm just worried about Mom and Dad, I know I'm being childish and selfish right now but I really can't marry that guy! Hanggang ngayon nga ay napapanaginipan ko pa rin ang ginawa niya sa'kin. Ang gusto ko lang malaman ay kung sino ang nagligtas sa'kin, sabi nina Kuya ay may lalaking nagdala sa.akin sa ospital when I passed out pero hindi nagpakilala. I just wanna thank him... Naramdaman kong may nanonood sa akin kaya dumilat ako agad, bahagya akong napaatras nang makita ko si Aki na nakatingin sa malayo. "Ang aga mo yatang nagising?" tanong niya na hindi pa rin ako tinitignan. "Naghahanap ako ng signal, kailangan kong magsabi kay Mommy na okay lang ako para hindi sila mag-alala," wika ko bago tumingin muli sa cellphone ko. Ilang minuto kaming tahimik na linagmamasdan ang pagsikat ng araw nang bigla siyang magsalita, "Bakit hindi ka pa umuwi?" "Bakit ba atat na atat kang paalisin ako?" balik-tanong ko. Lumingon na siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. "Napapamahal na sa'yo ang mga tao dito, ayoko lang na malungkot sila kapag umalis ka na." "Sino naman ang nagsabi sa'yo na aalis ako? Paano kung gusto kong mamuhay dito?" panunubok ko. He chuckled and shook his head, umupo siya sa tabi ko at ipinatong ang kamay sa mga tuhod niya bago ako muling tinignan ng walang emosyon. "Hindi ka para rito Arkisha, go home and finish your studies. Hindi nababagay ang isang prinsesang tulad mo dito," malamig niyang tugon, mas malamig pa kesa sa klima ng Sagada! Pinagkrus ko ang braso ko at muli siyang hinarap, "Sino ka para sabihin yan? Hindi mo naman ako gano'n kakilala para sabihin mong hindi ako para rito. At paano mo nalaman na nag-aaral pa 'ko? Di naman ako nagkuwento sa'yo ah!" "Hindi nga kita kilala pero sapat nang makita ang mga gamit mo para sabihing may kaya ang pamilya mo. Nakita ko rin ang I.D mo nang dalhin ka sa'kin nina Kislap," taas-kilay at kibit-balikat niyang tugon bago muling tumingin sa malayo. "I-I... I'm still having fun here, wala kang karapatang basta ako paalisin!" asik ko na ikinalingon niyang muli. "Nakaka-abala ka na kina Anya." Hindi nagpapatalong sagot niya. "Siya ang nag-offer!" Napataas ang boses ko dahil sa inis ko sa kanya. "Wala kang ibang ginagawa dito, hindi ako magtataka kung bukas makalawa maiinip ka rin dito at babalik sa patag. Walang taga-patag na nagtagal dito." Huminga siya ng malalim at muling tumitig sa akin, ang mga mata niya ay puno ng lungkot. "Ang isang mayamang tulad mo ay hindi nababagay sa lugar na 'to Arkisha. Bumalik ka na bago pa lubusang mahulog ang loob sa'yo ng mga tao rito." Huling wika niya bago nagpagpag ng pantalon niya at lumakad na palayo, sinundan ko lang siya ng nagtatanong na tingin. Nakaka-ilang hakbang na siya nang bigla siyang lumingon sa akin, "May kasiyahan mamayang gabi para sa kasal ni Paham at Tala sa susunod na araw. Huwag ka lang masyadong magkikilos dahil patuyo pa lang ang sugat mo." Magsasalita sana ako nang tuluyan na siyang maglakad palayo. Kahit kailan talaga ang lalaking 'yon! Inayos ko ang sarili ko at bumalik na sa bahay nina Anya. Pagpasok ko ay naroon ang lola ni Anissa na si Apo Linda, naghahanda siya ng lamesa nang pumasok ako. "Oh hija saan ka galing? Ang aga mo yatang bumangon?" nakangiti niyang tanong na ginantihan ko rin ng ngiti. "Pinagmasdan ko lang po ang pagsikat ng araw Apo." "Ah ganoon ba? Oh kamusta na pala yang sugat mo? Kapag naghilom na 'yan o kahit matuyo ay puwede na kitang lagyan ng tattoo na gusto mo." Nakangiting turan nito sa akin. Napangiti ako ng malawak at lumapit sa kanya. "Baka puwede na po ngayon? Hindi naman na po masakit ang mga sugat ko at malapit na po itong gumaling," pamimilit ko pa. "Nako Arki baka pati ako ay mabulyawan ni Dakila kung pagbibigyan ko ang hiling mo. Kabilin-bilinan ng batang 'yon na bawal pa hangga't bukas pa ang mga sugat mo," napapailing niyang sagot at nasa mukha ang pangamba. Nang makita ang reaksyon niya ay naisipan kong magtanong, "Apo may tanong po ako..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD