"Alexander!"
Sambit ko sa pangalan niya ng hindi pa rin siya nagsalita.
"It's dad,he wants me to get married."
Tuluyan na ako napahiwalay sa yakap niya at hinarap ito.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko at sumandal naman ito sa bench at pumikit.
"Don't mind it."tugon nito at biglang dumilat at malungkot na tumingin sa akin.
" Nabanggit sa akin ni sister Yvonne na natanggal ka daw sa pinagtatrabahuan mo. "saad nito at nalukot ang mukha ko ng banggitin niya ang trabaho ko.
" Anong nangyari, bakit ka natanggal? "tanong niyang nakakunot-noo. Pinag-cross ko naman ang dalawang braso ko sa dibdib.
" Excuse me, hindi ako natanggal. Ako mismo ang nag resign 'no! Ang kapal naman kasi ng mukha ng taong 'yon. Akala mo kung sino, akala mo naman kung sinong gwapo. Hmp! Ang panget naman. "nagtatagis ang bagang ko ng maalala ang nangyari noong isang araw.
" Ano ba ang nangyari? Teka, may ginawa ba sila sayo? "tuluyan na itong napaupo at hinawakan ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kanya.
" What did they do to you? Tell me, magbabayad sila! "galit na tanong nito. Napalabi naman akong napatingin sa kanya at naluluha.
" Tell me! "napailing naman ako.
" Come on, Avyanna anong ginawa sa'yo? "nag-aalalang tanong nito.
Napahikbi na ako ng tuluyang maalala ang nangyari.
" H-hinipuan niya ako. "tuluyan na akong napaiyak. Kaagad naman niya akong niyakap.
Nagtatrabaho ako bilang cashier sa isang grocery store malapit dito sa amin. Bigla nalang lumapit sa akin ang manager naming lalaki habang nagsasalansan ako ng mga product sa aisle.
Kinausap niya ako saglit hanggang sa niyaya niya akong kumain sa labas.
Hindi na bago sa akin ang paanyaya niya sa'kin. Hindi ito ang unang niyaya niya ako at palagi ko siyang hinihindian. Akala ko ayos na ng maramdaman ko itong sininghot ako mula sa likuran ko at hiniwakan pang upo ko at pinisil pa!
Bigla naman akong lumayo at nasampal ito. Nabigla ito sa sampal ko at lalapit pa sana ng tuhuran ko ito sa parteng "where it hurts" .
Kaya nag resign na ako bago niya pa ako tanggalin. Ang kapal ng mukha, buti sana kung gwapong manghihipo hindi naman. Gurang na nga, adik pa.
"Tell me his name, ako na ang bahala sa kanya." napahiwalay ako sa yakap niya.
If looks could kill, that person would be lying on the ground by now.
Hinawakan ko ang pisngi nito at hinarap sa akin. Napakurap naman ito at lumambot na ang tingin nito. Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya at napapikit.
"Ayos lang ako, at saka nakatikim na sa akin ng sampal at tinuhuran ko siya. Tingnan natin kong makabuo pa siya." natawa nalang ako sa sinabi ko, hindi naman na talaga makakabuo 'yon kasi gurang na.
Napatingin naman ako sa kanya na tahimik lang. Tumikhim naman ako at inagaw ang kamay ko. Umayos na ako ng upo at tumingin sa mga batang naglalaro pa rin.
Napatingin ako dito ng kinuha niya ang kamay ko at dinala ito sa kandungan niya.
"Ngayong wala ka ng trabaho, bakit hindi ka nalang sa akin magtrabaho?" Saad nitong nilalaro ang daliri sa kamay kong hawak niya.
Nanlaki ang mata ko at automatic namang napa-cross ang kamay ko sa dibdib ko.
"Aray!" napahimas nalang ako sa noo kong pinitik niya at napanguso.
"Ano na naman ang iniisip mo? What I mean is, be my secretary. My secretary is on maternity leave at sigurado na matatagalan pa ang balik no'n." nakasimangot akong napatingin sa kanya at hinihimas pa rin ang nasaktang noo.
"Bakit kasi hindi mo sinabi agad?"
"Ikaw lang naman itong iba ang iniisip. P'wede ka ng magsimula bukas kung gusto mo. Susunduin kita dito bukas." saad nito.
Napangiti naman akong kumapit sa braso niya at inilapit ang mukha ko sa kanya, kaya medyo napaatras siya.
"Magkano ang sweldo?" nangingiting tanong ko.
Inilayo naman ako nito gamit ang hintuturo niya.
"Magkano ba gusto mo? At nasa usapang sweldo naman tayo, p'wede kang mag-aral na. Hindi ba at gusto mong maging nurse?"
Lumapit na ako sa kanya at inihilig ang ulo ko sa balikat niya.
"Oo naman, pero hindi pa sapat ang ipon ko. Kaya nga kailangan ko ng trabaho eh. Maayos ka naman magpasahod di'ba?" napaangat ako ng tingin sa kanya.
Bumaba din ang tingin nito sa akin at nagkatinginan kami.
"Sabi ko naman sayo, let me help you. I offered you my help many times. Ikaw lang itong ayaw." saad niya at ako na ang unang bumawi ng tingin. Masyadong nakakapaso ang tingin niya.
"Masyado ng marami ang naitutulong mo sa'min. Ikaw na nga nagpaaral sa akin noong high school ako eh. Hayaan mong ako naman ngayon ang tumayo sa sarili kong mga paa." tugon ko at naramdaman ko ang halik nito sa ulo ko.
Napapikit ako at dinamdam 'yon. Oo, siya ang nagpaaral sa akin ng high school ako. Hinahati niya ang allowance na natatanggap niya sa ama niya sa aming dalawa. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Tinulungan niya din ako ng mag-college ako. Pero huminto na ako ng magkaroon ng problema sa orphanage at hindi naasikaso noon ng company nila lalo na at nagkaproblema din sila.
Huminto ako sa pag-aaral at nagtrabaho na lang para makatulong kahit papaano. Sinubukan ko din na mag aral habang nagtatrabaho pero hindi ko kinaya at humantong sa na-ospital ako sa sobrang pagod at puyat, napagalitan niya pa ako. Kaya tuluyan na akong huminto na muna at nagfocus sa pagtatrabaho.
Inalok niya din akong magtrabaho noon sa companya nila pero hindi ako pumayag. Masyadong mapagmataas ang ina niya. At mukhang nakakatakot din ang ama niya. Ang mabait lang 'ata eh 'yong half-brother niyang si Alejandro. Maliban sa isang half sister niyang si Alessandra na ang taray din.
Biglang nagring ang cellphone niya kaya napaayos ako ng upo. Tumayo ito at lumayo ng kaunti bago sinagot ang tawag.
"Yes mom?" bigla nitong inilayo ang cellphone sa tenga niya at ngumiwi.
Sigurado na sinigawan na naman siya ng kausap. Napabuntong hininga ito at kinausap ang ina.
And speaking of his mother. Ayaw ng ina nito na pumupunta si Alexander dito. Palagi silang nag aaway nito kapag nalalaman ng ina ang pagpunta ni Alexander dito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya at ganoon na lang ang disgusto nito sa orphanage.
Ngumiti ako sa kanya ng bumalik ito sa harap ko at hindi na umupo pa.
"That's mom, she wants me to go back. Tumawag daw si dad at gusto daw akong makausap." napatango naman ako at tumayo.
"Kung ganoon, lumayas ka na." pagtataboy ko sa kanya. Natawa naman ito at kinuha ang kamay ko.
"Come on, hindi ko pa naibibigay ang regalo ko sayo."
Hinila ako nito at nagpahila naman ako hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.
Binuksan nito ang backseat at may inilabas doon na box at ibinigay sa akin. Napaatras ako ng bigla nitong ilapag sa kamay ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at tumawa lang ang kumag.
"That's for you, and I'm sure you will like it. And here, you can wear that tomorrow." may inilagay pa itong isang paper bag sa ibabaw ng box.
"Happy birthday ulit and see you tomorrow." nakangiti nitong saad at hinalikan ako sa pisngi.
Alam kong hindi ito ang unang paghalik niya sa pisngi ko. Pero, kapag ginagawa niya 'yon ay palagi nalang akong nababato. Nakanganga akong nakatingin lang sa kanya.
" Hey, you okay? Close your mouth, baka pasukan ' yan ng langaw." natatawa niyang saad at natauhan naman ako. Sinamaan ko siya ng tingin at mas tumawa lang ang kumag.
"Bakit ba kasi halik ka ng halik?"nakangusong saad ko dito.
"Bakit bawal na ba halikan ang best friend ko? And it's just in the cheeks. At palagi ko namang ginagawa 'yon ah. May magagalit na ba? Siguro may boyfriend ka na?" bigla sumama ang tingin nito sa akin.
"Boyfriend ka diyan, wala ' no! Wala akong time diyan." sagot kong nakanguso.
Napangiti naman ito at ginulo ang buhok ko at lalo naman akong napasimangot.
"Good, now I have to go. Susunduin kita bukas okay? Get ready." kumindat pa ito at sumakay na sa kotse niya.
"Oo na, salamat dito. Kapag hindi ko ito nagustuhan ibabalik ko ito sayo!" medyo pasigaw kong saad. Ikinaway naman nito ang kamay at pinaandar na ang kotse.
Tinanaw ko siya hanggang sa hindi ko na ito makita bago pumasok sa loob. Nadaanan ko pa ang mga bata na kausap si sister Yvonne.
Dumeretso na ako sa kwarto ko at inilapag ang dala ko sa kama. Una kong tiningnan ang nasa paperbag na may kalakihan. At napanganga na lang ako sa nakita. Black shoes na may takong na kaunti at bagong bago. Saktong sakto, sira na ang sapatos na ginagamit ko.
Nakangiti akong napayakap dito at sinunod ang nasa kahon. Nang mabuksan ay mas lalo akong napanganga. Dahan dahan ko itong inabot at iniangat. Red dress, at napakaganda. Ito 'yong nakita ko dati sa mall na kasama ko siya, gusto kong bilhin ang kaso wala lang akong pambili. Inilapat ko ito sa katawan ko at umikot ikot.
Ang ganda talaga, napahinto ako ng bigla akong mahilo. Dali dali ko naman itong isinukat at humarap sa salamin. Sleeveless na dress na hanggang tuhod at sakto lang sa katawan kong hindi payat at hindi rin mataba. Hindi din maliit o malaki ang waistline ko at medyo may kalakihang dibdib. Hindi naman labas ang cleavage ko.
Napangiti akong umikot, taon-taon naman akong binibigyan ng regalo ni Alexander at lahat ng 'yon ay pinapahalagahan ko.
At ang swerte ko sa best friend ko. Pero mas maswerte siguro ang magiging girlfriend nito. Bakit nakaramdam ako ng pait sa isiping may girlfriend ito? Malala na talaga ' to, at pipigilan ko hanggang kaya ko, ayoko na masira ang pagkakaibigan namin.